Art in the Park sa Salcedo Village

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 22nd, 2012

 

Nitong huling sabado lang yata ako nakakita ng ganoong karaming larawan at eskultura sa isang pampublikong parke. Dinayo nang husto ang “Art in the Park” sa Jaime Velasquez Park, Salcedo Village sa Makati. Pagkapasok na pagkapasok mo pa lang, maeengganyo ka agad mag-ikot at maglibot.

 

 

Pinaka nagustuhan ko ang mga eskultura nina Charlie Co at Pete Jimenez na bumati sa mga bisita sa bungad.

 

 

Ganito kaya magalit ang kaldero sa pang-aabuso ng mga kusinero?

 

 

Di mo aakalain kung saan galing ang mga gamit na pinagsama-sama ni Jimenez para bumuo ng iba’t-ibang hugis at anyo ng metal.

 

 

Mikrobyo o pollen? Aakalain mong galing sa sarili mong panaginip ang iba niyang likha. Minsan, galing sa bangungot.

 

 

 

 

Ang daming booth sa Art in the Park. Mayroong mga eskultura na gawa sa clay bukod sa metal, mayroon ring yari sa plastic na kumikinang sa dilim. Mayroong kakaibang mga larawan.

 

 

 

 

Mayroon ding kagamitan sa bahay mula sa mga workshop ng artisano.

 

 

Binansagang “an affordable art affair” ang Art in the Park. Totoo ito dahil hindi lang mga larawan ang ipinagbibili, pati kuwintas, postcards, at iba pang anik-anik.

 

 

Sana ipagpatuloy ng Salcedo Village ang ganitong mga event, at sana tularan ng iba pang parke.

 

 

 

 

 

 

 

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment