International jewelry fair sa Hong Kong

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 24th, 2012

 

Nagkataong dinaraos ang Hong Kong International Jewellery Show nang bumisita ako dito para sa aking trabaho. Pumunta ako noong huling Linggo.

 

 

Buti na lang at nakapagrehistro ako online kaya di ko na kinailangang magbayad ng entrance fee.

 

 

Plano ko sanang libuting ang buong fair sa loob lamang ng ilang oras, pero medyo nalula ako sa layout: halos limang palapag ang lawak at dami ng mga booth. Galing sa iba’t ibang bansa ang mga nagtitinda: mula Switzerland, US, at South Africa hanggang Thailand, Japan, at Brazil.

 

 

Hindi ako pinayagang kumuha ng letrato sa marami sa mga booth, pero heto ang ilang nakabibighaning larawan mula sa guidebook. Itong eskultura ng Tsinong mandirigma ay gawa sa korales.

 

 

Matitingkad na diyamante at brilyante para sa isang singsing.

 

 

Para naman sa hikaw at singsing.

 

 

Dumaan ako sa mga booth ng perlas, mamahaling bato, pati na rin sa mga nagtitinda ng semi-precious stones. Andun lahat ng dati ko nang nakita, at mas marami pang iba. Sana sa susunod mas mapaghahandaan ko ang fair para kahit papaano, ilang beses ko ring mababalik-balikan.

 

El Bosquejo

 

 
 

leave your comment