Benetton sa Pinterest

by Be-Blogger Pilipinas on: Marzo 2nd, 2012

 

Sa wakas, nagbukas na rin ako ng sarili kong Pinterest account. Dati rati, pinapadala ko lang sa sarili kong email ang mga gusto kong itagong mga larawan, o nirereblog sa aking Tumblr account. Bago lang akong nakumbinsing mas madaling gamitin ang Pinterest para sa pagkalap ng favorite pics. Sa ngayon, halos wala pang laman ang aking account.

Syempre, isa sa mga una kong finollow ang Benetton sa Pinterest. Sa kanilang page, kita sa isang sulyap ang lahat ng bago nilang campaign, pati na rin ang ilan sa mga lumabas noon pang 1980s.

 

 

Halimbawa, makikita ang bagong Spring/Summer 2012 campaign ng Benetton.

 

 

Itong dalawa ang paborito kong larawan.

 

 

Naaliw din ako dahil unang beses ko pa lang nakita ang bagong campaign para sa kanilang kid collection.

 

 

Trench at pea coat para sa inyong chikiting?

 

 

Makikita rin ang mga cover ng Colors magazine na nilalathala ng Fabrica, ang communication center ng Benetton.

 

 

Ang pinaka makulay na mga cover.

 

 

Huli sa lahat, tulad ng binanggit, maaari niyong balikan ang ilan sa mga kontrobersyal na campaign na unang nagpasikat sa Benetton.

Dahan-dahan, mapupuno ko rin ang mga binuo kong Pinterest board.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment