Pana-panahon ng maong

by Be-Blogger Pilipinas on: Marzo 16th, 2012

 

Tila di lamang maong na pantalong ang walang-sawang sinusuot ng kabataan. Sa dami ng iba pang uri ng damit na gawa rin sa maong, nagiging uso at madaling bumabalik sa uso pati ang maong na jacket, vest, at shirt.

(Si Danny Kelly mula sa Manchester)

 

 

Kung sa pantalon, maiintindihang praktikal ang maong. Pero ano ba ang meron sa shirt, jacket, at vest na gawa sa parehong tela?

(Si Mochine Aoki mula sa Casablanca)

 

 

Di naman sing astig ng leather jacket; di mabigat ang dating.

(Si Peter Adrian mula sa Los Angeles)

 

 

Kahit sa panahon ng taglamig, ginagamit pa rin ang denim (kahit na di siya kasing kapal ng wool, flannel, at fleece).

(Si Erick Salach mula sa Poland)

 

 

Siguro dahil, naging uri rin ng pagrerebelde and paggamit ng maong: parang dinala sa lungsod ang Wild West o ang Marlboro Country.

(Si Mike Quyen mula sa Bucharest)

 

 

May sariling dating ang maong, gamitin mang makapal o manipis (o ang pinsan nitong chambray).

(Si Christian Chou mula sa Sydney)

 

 

Magkasabay na musmos at astig.

(Si Darius Michalik mula sa UK)

 

 

Kapag sinuot mula ulo hanggang paa, maaari ring gawing sandata ang maong.

(Si Irie Tomoyuki mula sa Japan)

 

 

Pero madalas sa hindi, easy lang.

(Si Brian Fora mula sa Oregon)

 

 

Umaraw man o umulan.

(Si Anthony Rodrigues mula sa Auxerre)

 

 

Kahit magkumot ang lamig, maaasahan ang denim.

(Si Mikko Puttonen mula sa Finland)

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment