Visita Iglesia

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 5th, 2012

 

Tapos na siguro ang ilan; ang iba naman papunta pa lang sa una nilang simbahan ngayong gabi o bukas para sa Visita Iglesia, ang tradisyon ng pagdadasal ng mga Estasyon ng Krus sa isa, pito, o labing-apat na simbahan sa Banal na Huwebes o Biyernes.

(Ang “Minor Basilica of the Black Nazarene” na mas kilala bilang Quiapo Church)

 

 

Kahit na di ka Katoliko o kahit Kristyano, magandang paraan din ito para makita ulit ang isa sa mga pangunahing anyo ng arkitektura sa Pilipinas noong panahon ng Espanyol, mula sa ika-16 hanggang sa ika-19 na siglo.

(Liliw Church sa Laguna)

 

 

Masasariwa ang isang mahalagang yugto ng kasaysayan ng bansa: ang parehong pananakop ng banyaga at ang pagtitipon ng mga Filipino bilang isang estado.

(Barasoain Church sa Malolos, Bulacan)

 

 

Para sa mga nananampalataya, magandang pagkakataon ito upang magnilay-nilay sa paghihirap at mga huling sandali ni Hesus.

(Saint Augustine Church sa Paoay, Ilocos-Norte. Letrato ni Andre-Cawagas)

 

 

Magandang pagkakataon din para sa lahat, habang tahimik ang mga kalye, para balikan kung ano ba talaga ang saysay ng ating buhay: kung para saaan o para kanino natin ito ibinubuwis o inaalay.

(Baclayon Church sa Bohol)

 

 

Sana magbunga ang katahimikan nitong ilang mga araw na walang trabaho, at hindi aburido ang puso.

(Santa Monica Church and Convent sa Sarrat, Ilocos Norte)

 

 

Habang walang laman ang siyudad at nabawasan ang usok sa langit, nawa’y luminaw rin ang ating isip.

(Miag-ao Church sa Iloilo)

 

 

(Church of La Nuestra Señora de la Asuncion sa Santa Maria, Ilocos Sur)

 

 

(Dingle Church sa Iloilo)

 

 

(Manila Cathedral sa Metro Manila)

 

 

(Antipolo Cathedral sa Antipolo City, Rizal)

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment