Samalamig at iba pa sa BoTan Bubble Tea & Café

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 7th, 2012

 

Di ko akalaing may maiiwan pang bukas na kainan (liban sa fastfood) sa Mahal na Araw. Buti na lang at nasabihan ako ng aking kaibigang bukas ang BoTan Bubble Tea & Café sa basement ng West of Ayala sa Buendia (malapit sa kanto ng Pasong Tamo).

 

 

Makailang-ulit makikita itong bulaklaking telang ginamit ng BoTan para sa kanilang etiketa.

 

 

Una kong napansin pagpasok (pagkababa ng hagdan) sa loob ang estante sa may pinto at ang mga lamparang nakasabit.

 

 

Galing pang Taiwan ang mga paninda (gawa rin sa florals).

 

 

Di lang stuffed toy, mayroon pang table runner.

 

 

Ang mala-hawla (o electric fan) na lampara.

 

 

Matapos mausisa ang loob ng kapihan (may sofa, pero pang dalawang grupo lang), doon ko lang naisip humingi ng menu. (May WiFi!)

 

 

Dahil saksakan ng init kaninang umaga at hapon (medyo ok na ngayong gabi), umorder ako ng passion fruit slush na saksakan rin namang sarap. Nagustuhan ko dahil maraming buo-buong prutas at pino ang pagkaka-grate ng yelo.

 

 

Eto ang menu para sa pagkain. (Waffles ang inorder ko.) Sa susunod ko na lang sila susubukan (ayon sa ibang blog, karamihan ng sangkap kahit para sa mga ulam ay galing ring Taiwan) ang mga ito, kasama ng iba pang tsaa at inumin, tulad ng: tapioca pearl milk tea, taro milk tea, calamansi green tea with plum, at ang sea foam wintermelon tea (na paborito ng aking kaibigan; da best din daw ang tapioca).

 

 

Panakaw na kuha (stolen shot) ng apron ng mga waiter na kapwa floral. Buti na lang at ang lapit lang ng BoTan Bubble Tea & Café  sa bahay. Sigurado ko tong babalik-balikan.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment