Isang Araw sa Mundo: Earth Day 2012

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 21st, 2012

 

Earth Day na ngayong Linggo, ika-22 ng Abril. Para ipagdiwang ito, nagtulungan ang maraming mga grupo sa daigdig, tulad ng Vimeo, Ning, United Nations, at higit sa 60 na non-profit organization para mabuo ang pelikulang “One Day on Earth”: isang obrang nagtatangkang ilarawan ang buong daigdig sa loob na 24 oras. Sa pamamagitan ng pagtagni-tagni ng mga video mula sa iba’t ibang bansa at kinuha sa loob ng isang araw, nailalarawan ang iba’t ibang pananaw at paniniwala, ang siklo ng buhay mula pagsilang hanggang pagpanaw.

Panoorin niyo ang trailer sa itaas. Mapapanood ang kabuuan sa Earth Day mismo dito sa site ng One Day on Earth. Ang Black Pencil Project ang lumahok mula sa Pilipinas.

 

 

Isa pang inisyatibo para sa Earth Day ang “A Billion Acts of Green” na inorganisa ng Earth Day Network. Hinihikayat nitong magkapit-bisig ang isang bilyong tao sa daigdig para sa pamamagitan ng pangako ng pagbabago mula sa bawat isa, makatulong tayo sa inang kalikasan.

 

 

Sa pagkakasulat nitong blog post, 987,884,722 na ang mga sumali. Malapit nang umabot ng isang bilyon!

 

 

Ilang halimbawa sa mga pangako o “pledge”. Ikaw, ano ang iyong maitutulong?

 

 

Sa Pilipinas naman, mayroong Earth Day Run 2012 na inorganisa ng National Geographic Channel.

 

 

Mayroon ding Earth Day Jam sa Bonifacio Global City kung saan lalahok ang mga batikang mang-aawit at nakababatang mga banda at musikero.

Hindi mahirap ang pagbabago, basta’t sama-sama tayong magtatrabahong tumupad sa sari-sarili nating mga pangako.

 

El Bosquejo

 

 
 

leave your comment