Gumuhit ng kung ano-ano

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 11th, 2012

 

Ok ba ang aking salin sa pangalan ng app na Draw Something? Oo, di ako matiis at nakiuso na rin ako sa mga kaibigan. Kaninang umaga ko lang dinownload ang app at mukhang pati ako ay naaadik.

 

 

Ginawa ko itong mga unang guhit habang naglalakad papuntang opisina, kaya sana ipagpaumanhin niyo kung medyo malabo. (Akala ko nga di mahuhulaan ang “Rugrats”.)

 

 

Kayo ba mahuhulaan niyo yung “tacos” at “seacrest”? Sabi ng kaibigan ko dapat ginuhit ko na lang si Ryan Seacrest, pero parang mas mahirap pa ata yun.

 

 

Ang galing ng nakaisip ng Draw Something. Para lang Pictionary pero pang internet. Kahit di mo kilala ang mga kalaro, masaya siyang libangan. Sa katunayan, pwede ka pang magkaroon ng bagong kaibigan.

 

 

Medyo nahiya ako sa ginawa ko para sa “afro” kasi sagad sa buhok, na dapat mas malaki at malago.

 

 

Siguro sa kalaunan, at kapag mas marami akong panahon, tutulad sa mga ito ang aking mga drowing.

 

 

Kung di lang rin ako masyadong pasmado at kung may stylus ang iPhone.

 

 

Sang-ayon ako sa kakaibang guhit. Mapapa WOW ka sa Draw Something.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment