Naliligaw sa Toy Convention

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 21st, 2012

 

Unang beses kong napadpad sa Philippine Toys, Hobbies, and Collectibles Convention (mas kilala bilang Toycon) nitong Sabado.

 

 

Syempre una kong napansin pagpasok ang mga cosplayers (costume players) na nakabihis ayon sa paborito nilang mga personahe galing sa comics, video games, atbp.

 

 

Hindi ko nakilala lahat ng mga laruan – siguradong tanda ng aking edad.

 

 

Pero maraming mga bagong laruang sariwa pa mula sa mga pinaka huling pelikula base sa comics.

 

 

Naaalala niyo pa ba ang sinauna at orihinal na kuwento ng X-men?

 

 

Anong mga grupo ang kinabilangan ni Gambit?

 

 

Buti naman at isinama si Bruce Lee (taong tunay na magaling sa martial arts) sa listahan ng mga superhero.

 

 

May mas bagay pa ba kay Christopher Reeve sa papel na Superman?

 

Sandamakmak na comics ang ibinenta.

 

 

Eto pa ang ilan pang mga laruang galing sa pelikula. Di ko nga maalala kung dumating na ang “Transformers 3″.

 

 

Avatar! (Bakit hindi 3-D?)

 

 

Si Luke Skywalker.

 

 

Ang kanyang maestrong si Yoda.

 

 

Galing ba ito sa “The Iron Giant”?

 

 

Hindi ito si Whoopi Goldberg; galing siya sa mga pelikulang “Predator”.

 

 

Ang aso/alien mula sa “Men in Black”.

 

 

Seed of Chuckie (mukhang pinarusahan siya ng tindera).

 

 

Si Stitch!

 

 

Mula sa Spawn na comics.

 

 

Biglang bumalik ang aking kabataan at ang mga araw ng pagbabad sa TV.

 

 

At sa wakas, si Batman ayon kay Chris Nolan.

 

 

Si Heath Ledger (RIP) bilang Joker.

 

 

Tingnan ang pinagkaiba ng dalawang interpretasyon.

 

 

Si Christian Bale bilang Batman.

 

 

Ang costume niya para sa susunod na pelikula (ang ikatlo at huli ni Chris Nolan)?

 

 

sa lahat ng nakita ko sa Toycon, ito ang di ko inasahan: si Manny Pacquiao.

 

 

Siya ulit, pero nakasuot ng Barong Tagalog.

 

 

Di yata ako sigurado saan sila galing…

 

 

Alam ko B ang simula ng tatak nitong mga manyika…

 

 

At mas lalong di ko alam anong tawag dito. Speaking ombre popsicle stick?
Hulaan niyo alin sa mga laruan ang tangi kong binili.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment