Fête de la Musique sa B-Side, Makati

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 28th, 2012

 

Mula sa Bonifacio Global City noong isang taon, lumipat ang Fête de la Musique sa Makati: mula sa mga bar at hotel sa Makati Avenue, hanggang sa The Collective sa kalye ng Malugay.

 

 

Una akong dumaan sa B-Side (ang Rock Stage ng Fete), kung saan tumugtog ang beinte singkong banda, kabilang na ang Slapshock, Radioactive Sago Project, Ciudad, Outerhope, at Imago. May magkasabay na tumugtog sa main stage ng The Collective at sa loob mismo ng B-Side.

 

 

Medyo nahuli na ang aking pagdating, pero naabutan ko ang Ciudad bago ako lumipat sa Makati Ave.

 

 

 

 

Kapansin-pansin ang pinagkaiba ng audience sa bawat venue. Kung maraming teenager, hipster, at club kid sa B-Side, marami namang mga middle-aged na mag-asawa at magkakaibigan sa Heckle & Jeckle (ang Blues/Soul Stage).

 

 

Kung may mga bar na nagtitinda ng beer at pulutan sa ibang mga stage, may ihaw-ihawan naman sa B-Side (pagkaing kalye, kumbaga).

 

 

Dumayo rin ang mga kabataan sa roofdeck ng Time sa Makati Ave, kung saan tumugtog ang mga banda ng electronica.

 

 

Maraming magagaling na bandang tumugtog sa iba’t ibang venue. Pero kung ako ang papipiliin, mas masayang makinig habang kumakain ng fishball at kwek-kwek sa tabing-kalye.

 

 

Tulad noong nakalipas na taon, hindi sapat ang oras sa isang gabi para mapakinggan ang lahat ng mga tumugtog, kahit para masalubong ang mga kaibigang nagsidalo. Pero sulit pa rin ang oras, pati na rin ang pag-taxi, pagsiksik, at paglakad.

 

El Bosquejo

 

 
 

leave your comment