Isang Araw sa Mundo: Earth Day 2012

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 21st, 2012

 

Earth Day na ngayong Linggo, ika-22 ng Abril. Para ipagdiwang ito, nagtulungan ang maraming mga grupo sa daigdig, tulad ng Vimeo, Ning, United Nations, at higit sa 60 na non-profit organization para mabuo ang pelikulang “One Day on Earth”: isang obrang nagtatangkang ilarawan ang buong daigdig sa loob na 24 oras. Sa pamamagitan ng pagtagni-tagni ng mga video mula sa iba’t ibang bansa at kinuha sa loob ng isang araw, nailalarawan ang iba’t ibang pananaw at paniniwala, ang siklo ng buhay mula pagsilang hanggang pagpanaw.

Panoorin niyo ang trailer sa itaas. Mapapanood ang kabuuan sa Earth Day mismo dito sa site ng One Day on Earth. Ang Black Pencil Project ang lumahok mula sa Pilipinas.

 

 

Isa pang inisyatibo para sa Earth Day ang “A Billion Acts of Green” na inorganisa ng Earth Day Network. Hinihikayat nitong magkapit-bisig ang isang bilyong tao sa daigdig para sa pamamagitan ng pangako ng pagbabago mula sa bawat isa, makatulong tayo sa inang kalikasan.

 

 

Sa pagkakasulat nitong blog post, 987,884,722 na ang mga sumali. Malapit nang umabot ng isang bilyon!

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang nilalaman ng aking Benetton tote

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 19th, 2012

 

Sa mga nakakakilala sa akin, alam nilang lagi akong maraming dala. Hindi sasapat sa aking mga gamit ang iisang bag: madalas dalawa ang nakasabit sa aking katawan, minsan pa’y umaabot ng tatlo. At dahil mahilig akong mag-cram, lagi kong hawak ang aking cellphone. Kundi ako nagsusulat ng email, tinitingnan ko ang aking schedule o may tinatapos akong tula o blog post. Kaya naman nasanay na akong nakasabit lang sa balikat ang bag — tote madalas ang ikalawa — para malaya ang aking mga kamay.

 

Anong nilalaman ng aking tote? Madalas mga libro, mga paboritong magazine, minsan may kuwaderno. Para mas madali ang buhay, dala ko minsan ang aking point-and-shoot imbes na ang mas mabigat na DSLR. Kaya tamang-tama lang itong mesh tote ng Benetton na naaayon sa tag-init ang mga kulay. (Andyan lamang ang belt kasi kakulay niya ang tote.)

 

 

Kasama rin minsan sa aking kalat ang aking cellphone, lalo na kapag siksikan sa dyip at ang hirap ibalik sa bulsa. Diba ang cute ng bagong two-tone na lalagyan galing din sa Benetton? Kasyang-kasya ang iPhone.

 

Bakit kamo kailangan ko laging bitbit ang napakaraming babasahin? Dahil ayaw ko magsayang ng oras. Di ko gustong nababagot, lalo na sa mga di inaasahang pagkakataon na kailangan kong maghintay — kahit na madalas di rin ako nakakabasa dahil lagi akong may iniisip o mayroon na namang nakaagaw ng aking pansin.

 

El Bosquejo

 
 

1 comentario

 Mga maluwalhating lampara ni Daniel Latorre Cruz

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 13th, 2012

 

Tulad ng sa karamihan ng aking pamamasyal, aksidente lamang ang aking pagtisod sa mga likha ni Daniel Latorre Cruz. Hinahanap ko ang Heima sa LRI Design Plaza sa Makati, pero maaga sila nagsara dahil sa event nila sa Cubao. Buti na lang at may TRANS:CULTURE exhibit pala sa LRI kaya di nasayang ang aking pagpunta. Ang TRANS:CULTURE ay bahagi ng pagdiriwang ng LRI ng kanilang ika-walong anibersaryo. Ang iba pang kasama ni Cruz sa exhibit: Wataru Sakuma, Martha Cech, Stanley Ruiz, at Jinggoy Buensuceso.

 

 

Si Cruz mismo ang gumawa sa papel ng mga “pakpak” ng lamparang nagbabago ang hitsura kapag nakabukas o nakapatay ang ilaw. Mas malinaw ang pagiging iskultura ng mga lampshade kapag nakapatay; kapag nakabukas naman, malaki ang pagbabago sa mood ng isang kuwarto dahil sa paglusot at bahagyang pagtagos ng liwanag sa mga papel.

 

 

Mula sa mga mito ang mga pangalan ng mga lampshade: “Icarus” at “Winged Victory of Samothrace” ang dalawang halimbawa.

 

 

Para sa akin naman, di ko maiwasan maisip ang mga likhang larawan ni William Blake at ang mga aklat ni Dante Alighieri tungkol sa langit at impyerno.

 

 

Sumilip ka sa loob ng lampshade at maiisip mo rin ang tunaw na batong dahan-dahang iniluluwa ng bulkan.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Bago sa Instagram

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 12th, 2012

(Larawan ng mga gusali mula sa aking opisina sa Makati, bago mag-alas kuwatro.)

 

Sariwang-sariwa pa ang balita ng pabgili ng Facebook sa Instagram. Ngayong linggo lang, nagbayad ang social networking site ng $1bn para sa pagmamay-ari ng kumpanya sa likod ng popular na app na bago lang din inilunsad para sa Android users. Mabilis ang naging pagsikat ng Instagram. Nagsimula lang ito noong Oktubre 2010 at ngayon, wala pang dalawang taon ang nakalilipas, higit 30m na ang mga gumagamit.

 

(Larawan ng paradahan at mga gusali sa Bonifacio Global City, mag-aalas singko nang hapon.)

 

Hilig talaga ng mga founder ng Instagram ang pagkuha ng mga larawan, at ito ang pangunahing materyal ng Instagram (di tulad ng Twitter na 140-character text ang pangunahin at ikalawa lamang ang naka-attach na mga imahen). Tulad ng Twitter, naki-join kagad ang mga celebrity at pati na ang mga kumpanya (fashion, arts, news, atbp). Naging paraan ito para makibahagi ang karaniwang mamamayan di lang sa malalaking kaganapan sa daigdig, kundi pati na rin sa buhay-buhay ng kanilang mga kaibigan at kapamilya, at ng sikat nilang mga idol. Tulad din ng Twitter, naging malaking tulong ang paggamit ng hashtag (#) para madaling madiskubre ng iba pang users ang mga larawan sa ilalim ng kinahihiligang paksa.

 

(Mula sa canteen ng aming opisina.)

 

Para sa akin, naging paraan ang Instagram para mahuli sa larawan ang mga lugar at bagay-bagay na pumupukaw sa aking paningin. (Galing ang karamihan sa mga larawan na ito sa aking @lbosquejo account.)

 

(Construction ng isang condo sa Pasong Tamo.)

 

Halos di ko na iniisip. Kapag may nagustuhan ako, kinukunan ko na kaagad gamit ang aking iPhone. Pagkatapos ko na lang mauusisa ang dahilan kung bakit ko nagustuhan ang aking natalisod/nasaksihan.

 

(Mga akasya at iba pang puno sa Paseo de Roxas.)

 

Personal sa akin ang Instagram. May ibig sabihin ang ilan sa aking kinukunan.

 

(Mga bintana ng isa sa mga gusali ng Cityland.)

 

Naniniwala akong laging may mapupulot na kahulugan o inspirasyon sa ating paligid; nasa sa atin lang ang pagiging bukas sa pagtanggap.

 

(more…)

 
 

1 comentario

 Samalamig at iba pa sa BoTan Bubble Tea & Café

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 7th, 2012

 

Di ko akalaing may maiiwan pang bukas na kainan (liban sa fastfood) sa Mahal na Araw. Buti na lang at nasabihan ako ng aking kaibigang bukas ang BoTan Bubble Tea & Café sa basement ng West of Ayala sa Buendia (malapit sa kanto ng Pasong Tamo).

 

 

Makailang-ulit makikita itong bulaklaking telang ginamit ng BoTan para sa kanilang etiketa.

 

 

Una kong napansin pagpasok (pagkababa ng hagdan) sa loob ang estante sa may pinto at ang mga lamparang nakasabit.

 

 

Galing pang Taiwan ang mga paninda (gawa rin sa florals).

 

 

Di lang stuffed toy, mayroon pang table runner.

 

 

Ang mala-hawla (o electric fan) na lampara.

 

 

Matapos mausisa ang loob ng kapihan (may sofa, pero pang dalawang grupo lang), doon ko lang naisip humingi ng menu. (May WiFi!)

 

 

Dahil saksakan ng init kaninang umaga at hapon (medyo ok na ngayong gabi), umorder ako ng passion fruit slush na saksakan rin namang sarap. Nagustuhan ko dahil maraming buo-buong prutas at pino ang pagkaka-grate ng yelo.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Visita Iglesia

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 5th, 2012

 

Tapos na siguro ang ilan; ang iba naman papunta pa lang sa una nilang simbahan ngayong gabi o bukas para sa Visita Iglesia, ang tradisyon ng pagdadasal ng mga Estasyon ng Krus sa isa, pito, o labing-apat na simbahan sa Banal na Huwebes o Biyernes.

(Ang “Minor Basilica of the Black Nazarene” na mas kilala bilang Quiapo Church)

 

 

Kahit na di ka Katoliko o kahit Kristyano, magandang paraan din ito para makita ulit ang isa sa mga pangunahing anyo ng arkitektura sa Pilipinas noong panahon ng Espanyol, mula sa ika-16 hanggang sa ika-19 na siglo.

(Liliw Church sa Laguna)

 

 

Masasariwa ang isang mahalagang yugto ng kasaysayan ng bansa: ang parehong pananakop ng banyaga at ang pagtitipon ng mga Filipino bilang isang estado.

(Barasoain Church sa Malolos, Bulacan)

 

 

Para sa mga nananampalataya, magandang pagkakataon ito upang magnilay-nilay sa paghihirap at mga huling sandali ni Hesus.

(Saint Augustine Church sa Paoay, Ilocos-Norte. Letrato ni Andre-Cawagas)

 

 

Magandang pagkakataon din para sa lahat, habang tahimik ang mga kalye, para balikan kung ano ba talaga ang saysay ng ating buhay: kung para saaan o para kanino natin ito ibinubuwis o inaalay.

(Baclayon Church sa Bohol)

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 “Psychopomp’s Reef” ni Leeroy New

by Be-Blogger Pilipinas on: Marzo 29th, 2012

 

Ito ang depinisyon ng “psychopomp”: “patnubay ng mga kaluluwa tungo sa lugar ng mga yumao”. Para kay Leeroy New, isang kakaibang nilalang ang kumakatawan dito: di mo maintindihan kung insekto, gagamba, elepante, o pugita. Malamang, ang kalalabasan kung pinagsama-sama sila.

 

 

Paglapit mo sa estatwa, makikitang gawa ito sa itinaling tubo ng plastik at mga strap na ginagamit upang ipagdugtong-dugtong ang iba’t ibang uri ng kagamitan.

 

 

Mukhang mga sinaunang halaman ang pumapaligid sa psychopomp.

 

 

Walang dahon o bulaklak; meron lang silang mabibilog na sangang binabalutan ng “buhok”.

 

 

Para ngang sumisid ka sa ilalim ng dagat at nakatagpo ng kakaibang uri ng tangrib: kalahating korales, kalahating hayop at halaman.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Metro Serye: Panitikan sa bulsa

by Be-Blogger Pilipinas on: Marzo 23rd, 2012

 

Pauwi mula sa trabaho noong isang araw, bigla ko na lang nalamang kumakanta pala si “Gloc 9″ (“Upuan” ang kanyang kanta), isang popular na musikero, sa Ayala Triangle. Natagpuan ko sa mga tagapanood ang ilang kaibigan at gurong makata at manunulat. Bitbit ng ilan ang kanilang mga mag-aaral.

 

 

Huling bahagi na pala ng programa si Gloc 9. “A Walk Through Words at the Gardens” ang pamagat ng event na idinaos para ipagdiwang ang World Poetry Day (March 21). Kasama sa mga nagbasa ng tula sina Krip Yuson, Jimmy Abad, Vim Nadera, Mike Coroza, RJ Ledesma, at Kael Co. Ang poetry reading ay bahagi lamang sa mga proyekto ni Mookie Katigbak-Lacuesta, ang patnugot at isa sa mga organisador ng Metro Serye, isang kalipunan ng panitikang inililimbag tuwing tatlong buwan sa porma ng isang city map. Inilunsad ito noong Oktubre 2011.

 

 

Di lamang tula ang nilalaman ng Metro Serye, pati rin maikling kuwento at iba pang anyo ng panitikan. Isang paraan ang Metro Serye upang buhayin ang pagmamahal sa pagbabasa, na di kailangang sa harap ng iskrin, na maaaring sa papel pa rin kahit na malukot pa at mapunit sa loob ng bulsa.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Bawal Magpaskil Dito

by Be-Blogger Pilipinas on: Marzo 22nd, 2012

 

Madalas nating nakikita ang “Post No Bill” sa mga dingding, ngunit sa tuwing matatagpuan ang paalala, madalas sa hindi, marami ring nakapaskil na poster, flyer, at kahit na numero ng tubero. Ano ba talaga ang kahulugan nito?

“Post No Bill” din ang pamagat ng eksibit sa Manila Contemporary. Baka makatulong sa ating pag-intindi ang mga larawan bahagi ng show. Tulad lamang nitong unang “Lead White” ni Antipas Delotavo, kung saan may isang lalaki at babaeng kapwa nakaputi sa gitna ng kambas.

 

 

Makikita sa paligid nila ang mga tauhang mukhang mula pa sa panahon ng unang Katipunan.

 

 

May mga sundalong banyagang may tangan ng baril at may mga Pilipinong halatang nababalot ng kaba at takot. Masasabi kayang ang dalawa sa gitna ng larawan ang henerasyong tagapagmana sa mga ipinaglaban ng paghihimagsik? Kung gayon, ano ang kanilang katuturan sa kasaysayan sa panahon ng (puting) kapayapaan?

 

 

May mga sundalo rin sa susunod na larawang pinamagatang “Cowboys and Indians” ni Clairelynn Uy. Sa kulay at liit, kumpara sa mga bulaklak, mukha lang silang laruan. Bakit kaya ipinagtapat ang dalawang imahen: ang isa ng pakikidigma ayon sa mga kalalakihan (matanda man o bata) at ang kabila ng kagandahang (kakulay ng dugo) laging naiuugnay sa kababaihan.

 

 

At bakit naman may gelatin sa “Flash and Lime” ni Uy? Parehong uri ba ito ng pagwawangis: ng paglalaban sa isang banda, at kalambutan sa kabila?

 

 

At ano namang ginagawa ni Batman at Robin sa “Who’s Up There” ni Jay Ticar? Ganoon ba katagal silang nagkulong sa Bat Cave at kailangan nila ngayong magbilad nang buong araw? O di kaya’y stranded talaga sila sa gitna ng dagat at ang tangi nilang kagamitan ay isang batya?

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang kakaibang still life ni Rachel Rillo

by Be-Blogger Pilipinas on: Marzo 15th, 2012

 

Pansinin ang pagkakaputol ng salitang “actualities”.

 

 

Pininturahan ni Rillo ng akriliko ang sari-saring mga gamit, pinagsama-sama, at kinunan ng letrato para sa kanyang seryeng “Frozen Actualities”. “She Sells” ang pamagat nitong unang larawan. Mukha lang ba silang laruan? Basura sa baybayin? Naisip mo ba bigla ang mga alon dahil sa kabibe sa tuktok ng piramide?

 

 

May sinasabi ang pagkakapangalan nitong ikalawang letrato, “Succulents”. Dahil sa pagkakapinta, di na mukhang makatas ang mga bulaklak, ang dahon, at ang ulo ng alkatsopas (artichoke). Pero dahil sa pagkakapintura, tila may ibang ipinahihiwatig ang pinagsamang mga bagay. May iminumungkahi ang hugis ng mga talulot, ang rabaw (surface) ng dahon, ang mga anino. Bakit nahihiwalay ang alkatsopas? Tila iba ang pinagmumulan ng sustansyang makukuha sa larawan.

 

 

Lata at karaniwang plastik na lalagyan ng pagkain ang laman ng “Lid Never Fits”. Walang silang mga takip. Bigla natin naaalala ang mga panahong naghahanap tayo ng lalagyan pero walang kapares na takip. Ngunit pag tinitingnan natin sila ulit sa letrato, pininturahang puti, parang di na plastik o lalagyan ang ating maiisip. Biglang nagkakatawan ang mga bagay. Biglang ibinabalik sa atin ang pamagat: ano ba ang kaya mong ipagkasya?

 

(more…)

 
 

Leave your comment