Kabataan ngayon

by Be-Blogger Pilipinas on: Marzo 8th, 2012

 

Hindi na bago ang makatagpo ng mga painting sa mall. Halimbawa, lagi na lang mayroong ibinibenta sa Power Plant Mall sa Rockwell. Nasanay na rin ako sa karaniwang segunda-klaseng kalidad ng mga likha. Kaya laking gulat ko noong isang linggo nang makita ko ang ilan sa mga larawan sa Glorietta sa Makati.

 

 

Itong una ay pinamagatang “Top Performer”, likha ni Emmanuel Servino. Ngangayunin (current) ang sitwasyon sa larawan: mga batang ipinagmamalaki ang iba’t iba nilang talento sa sining, sa pag-arte, at sa pag-perform ng kung ano pang maisip ng kanilang magulang. Tunay na circus ang kinalalabasan ng mga talent show, kung saan hindi na pinapabayaang maging musmos ang kabataan. Hindi na sila hinahayaang yumabong at umunlad ayon sa sarili nilang oras.

 

 

Isa pa sa mga larawang tinitigan ko nang mabuti ang “Overexposure” ni Dexter Sy. Tungkol din ito sa kabataan. Sa unang tingin, kita ang apat na bata, malamang magkakapatid. May riple sa ulunan at may mga matatanda (mas maliit na pigura) sa kanilang harapan. May halo sa ulunan ang bunso sa kanan. Ano kaya ang ibig sabihin ng larawan?

 

 

Paglapit mo lamang makikita na may nakaukit na mga puso sa kanilang mga mukha. May pekas-pekas din sila sa katawan na mukhang karamdaman ng balat (internal organs?). Uhugin ang tatlo sa kanila. Nakatitig kaya sila sa telebisyon? Media violence kaya ang pahiwatig ng baril sa kanilang ulunan? Sa isang banda, maaaring tingnang di wasto para sa kanilang edad ang kanilang pinapanood; sa kabila naman, maaaring sila naman ang pinapanood ng lipunan (ang maliliit na pigura ng matatanda) na labis ang pangungusisa.

Sa panahon ngayon na kahit maliit na bata ay mayroon nang iPad o iPhone, at may account sa Facebook at Twitter, mainam pagnilayan kung ano ang epekto sa kabataan ng labis-labis na pagka-materyalistiko ng lipunan. Paano nito nababago ang kanilang pagpapahalaga sa buhay? Anong epekto nito sa kanilang edukasyon, sa kanilang pagkatao? Mahalaga ang mga tanong lalo na’t madalas hindi magulang ang nagpapalaki sa kanilang mga anak, kundi ang kanilang mga yaya at ang media sa kanilang harapan.

(Hatid ng Paseo Gallery ang exhibit na hanggang ika-16 ng Marso sa Glorietta, Makati.)

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Benetton sa Pinterest

by Be-Blogger Pilipinas on: Marzo 2nd, 2012

 

Sa wakas, nagbukas na rin ako ng sarili kong Pinterest account. Dati rati, pinapadala ko lang sa sarili kong email ang mga gusto kong itagong mga larawan, o nirereblog sa aking Tumblr account. Bago lang akong nakumbinsing mas madaling gamitin ang Pinterest para sa pagkalap ng favorite pics. Sa ngayon, halos wala pang laman ang aking account.

Syempre, isa sa mga una kong finollow ang Benetton sa Pinterest. Sa kanilang page, kita sa isang sulyap ang lahat ng bago nilang campaign, pati na rin ang ilan sa mga lumabas noon pang 1980s.

 

 

Halimbawa, makikita ang bagong Spring/Summer 2012 campaign ng Benetton.

 

 

Itong dalawa ang paborito kong larawan.

 

 

Naaliw din ako dahil unang beses ko pa lang nakita ang bagong campaign para sa kanilang kid collection.

 

 

Trench at pea coat para sa inyong chikiting?

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 International jewelry fair sa Hong Kong

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 24th, 2012

 

Nagkataong dinaraos ang Hong Kong International Jewellery Show nang bumisita ako dito para sa aking trabaho. Pumunta ako noong huling Linggo.

 

 

Buti na lang at nakapagrehistro ako online kaya di ko na kinailangang magbayad ng entrance fee.

 

 

Plano ko sanang libuting ang buong fair sa loob lamang ng ilang oras, pero medyo nalula ako sa layout: halos limang palapag ang lawak at dami ng mga booth. Galing sa iba’t ibang bansa ang mga nagtitinda: mula Switzerland, US, at South Africa hanggang Thailand, Japan, at Brazil.

 

 

Hindi ako pinayagang kumuha ng letrato sa marami sa mga booth, pero heto ang ilang nakabibighaning larawan mula sa guidebook. Itong eskultura ng Tsinong mandirigma ay gawa sa korales.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Art in the Park sa Salcedo Village

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 22nd, 2012

 

Nitong huling sabado lang yata ako nakakita ng ganoong karaming larawan at eskultura sa isang pampublikong parke. Dinayo nang husto ang “Art in the Park” sa Jaime Velasquez Park, Salcedo Village sa Makati. Pagkapasok na pagkapasok mo pa lang, maeengganyo ka agad mag-ikot at maglibot.

 

 

Pinaka nagustuhan ko ang mga eskultura nina Charlie Co at Pete Jimenez na bumati sa mga bisita sa bungad.

 

 

Ganito kaya magalit ang kaldero sa pang-aabuso ng mga kusinero?

 

 

Di mo aakalain kung saan galing ang mga gamit na pinagsama-sama ni Jimenez para bumuo ng iba’t-ibang hugis at anyo ng metal.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Pagliliwaliw sa Makati at Maynila

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 17th, 2012

 

Mahilig ako mamasyal at maglakad. Siguro kung di ito totoo, maraming taong di ko nakilala at lugar na di ko napuntahan - mga pagtatagpong di sinasadya. Lalo na kapag di naman ako nagmamadali, kapag di naman kalayuan ang pupuntahan, mas gugustuhin kong maglakad.

 

 

Eto ang ilan sa mga larawang kuha gamit ang aking point-and-shoot, mula pa siguro noong 2009. Karamihan sa mga tao at lugar nadaanan ko lamang habang papunta o pauwi mula sa opisina sa Makati, o sa Quiapo at Divisoria.

 

 

Minsan, ipapara ko talaga ang jeep o bababa ako sa taxi, para lang makita o makunan ang biglang pumukaw sa aking paningin.

 

 

Oo, mababaw ako. Kahit simpleng sampay, napupulutan ko ng kasiyahan.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Hot Air Balloon Fiesta sa Pampanga

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 16th, 2012

 

Huli na nang narinig kong meron palang 17th Philippine International Hot Air Balloon Fiesta sa Clark Airfield sa Pampanga mula ika-9 hanggang ika-12 ng Pebrero. Buti na lang at nagpaunlak ang isa kong kakilalang maraming kuha mula sa event.

 

 

Di lang pala hot air balloon ang makikita sa fiesta, meron ding kite flying, aerobatic flight display, sky diving, paragliding, rocketry, at marami pang iba.

 

 

Pero siyempre, ang hot air balloons pa rin ang pinaka inaabangan.

 

 

Saan ka ba naman makakakita ng lumilipad na birthday cake.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Nakahahawa: Biophilia ni Björk

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 10th, 2012

 

Sa pagkakaalam ko, pinakaunang music album app ang “Biophilia” ni Björk, ang sikat na musikera galing Iceland. Noong isang taon pa ito lumabas, at kagad kong dinownload ang app. Sabi ko sa sarili, sa susunod ko na papakinggan. Sino ba namang di mamamangha sa kakaibang konsepto, at siyempre, sa kagila-gilalas na tugtugin ni Björk?

 

 

Kanina lang ako nagkaroon ng pagkakataong tingnan at paglaruan ang app. Ito ang una kong nakita: isang galaxy na ang bawat araw o planeta ay kumakatawan sa isa sa mga kanta ng “Biophilia”.

 

 

Ito ang itsura ng intro sa kantang “Moon”.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

At ito naman ang official music video ng awitin. Alam kong wala sa panlasa ng lahat ang uri ng sining ni Björk, pero para sa akin, gusto ko ang kanyang musika dahil di ko alam madalas kung kumakanta siya ng oyayi o nanghahamon makidigma; magkasabay na malumanay at mabagsik ang kanyang mga kanta.

Ano naman ang pinagkaiba ng video sa app? Interactive ang app: bukod sa orihinal na kanta, marami ka pang maaaring gawin, tulad ng pagbuo at pag-save ng sarili mong tugtugin. Basahin ang sumusunod na pinahabang intro para sa “Moon”.

 

(more…)

 
 

Comentarios desactivados

 Tatlong awit handog ng Number Line Records

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 3rd, 2012

 

Ang Number Line Records ay isang independent music label na nakabase sa Maynila. Itinatag ito upang maitipon ang musikerong Pinoy para maipamahagi ang kanilang tugtugin sa bansa at sa daigdig. Libreng digital release ang tuon ng pansin ng Number Line.

 

 

Pakinggan ang tatlong awit galing sa grupo ng mga musikero ng Number Line. Una ang “The Big Hat Open” mula sa Big Hat Gang. Sumusunod ang “An Android’s Lament” mula sa Modulogeek. At ikatlo ang “Twenty Years from Now” mula sa Outerhope.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Kung ang una ay imahen ng kalayaan sa loob ng kulungan, ang ikalawa naman ay tungkol sa pagpupumiglas sa kinalakhang lulan. Iiwan ko na sa inyo kung tungkol ba sa pag-asa o sa kawalan nito ang “Twenty Years from Now”.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Walang Perou Perou

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 27th, 2012

 

Bumisita sa Maynila nitong huling linggo ang kilalang photographer na si Perou. Pinamagatang “Perouvian Wasteland” ang kanyang exhibit sa Ayala Museum, kung saan nakatampok ang kanyang mga letrato ng sikat na mga musikero, fashion designer, at modelo. Nakikilala niyo ba sila?

 

 

Sadyang pumupukaw sa isipan ang kanyang mga portrait. Sayang at di ko naabutan ang kanyang panayam noong Sabado nang umaga, kung saan pinag-usapan ang proseso at kasaysayan ng kanyang paglikha.

 

 

 

 

Nababagay sa bawat indibidwal, tulad nina Grace Jones at Dita von Teese, ang estilo ng larawan.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Kiong Hee Huat Tsai!

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 26th, 2012

 

Ang ibig sabihin nito ay “Mapasaiyo nawa ang kasaganahan at suwerte!” sa Hokkien, ang salita ng karamihan sa mga Chinoy sa Pilipinas na mula sa probinsya ng Fujian sa Tsina. Mas nakasanayan natin ang pagbating “Kung Hei Fat Tsoi!” na pareho ang ibig sabihin, pero gamit ang diyalektong Cantonese. Sa Mandarin naman, ang opisyal na wika sa Tsina, sabihing “Kong Xi Fa Tsai!” na sa pasulat ay  “Gong Xi Fa Cai!”.

 

 

Kung “Happy New Year!” naman ang gusto nating paraan ng pagbati, mainam sabihin ang “Xin Nien Kwai Le!” sa Mandarin (pasulat, ito ay “Xin Nian Kuai Le!”). Sa Hokkien, ito ay: “Xin Ni Kuai Lok!”

 

 

Pagdating sa dami ng tao, walang tatalo sa dragon dance sa Ongpin (tinatawag ring “Binondo”), ang Chinatown ng Maynila. Syempre, may sari-sariling mga pagdiriwang ang mga hotel, mall, at building na nakikisalo sa bisperas at sa unang araw ng bagong taon.

Nawa’y bugahan nga tayo ng kasaganahan at suwerte nitong 2012!

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment