Pana-panahon ng maong

by Be-Blogger Pilipinas on: Marzo 16th, 2012

 

Tila di lamang maong na pantalong ang walang-sawang sinusuot ng kabataan. Sa dami ng iba pang uri ng damit na gawa rin sa maong, nagiging uso at madaling bumabalik sa uso pati ang maong na jacket, vest, at shirt.

(Si Danny Kelly mula sa Manchester)

 

 

Kung sa pantalon, maiintindihang praktikal ang maong. Pero ano ba ang meron sa shirt, jacket, at vest na gawa sa parehong tela?

(Si Mochine Aoki mula sa Casablanca)

 

 

Di naman sing astig ng leather jacket; di mabigat ang dating.

(Si Peter Adrian mula sa Los Angeles)

 

 

Kahit sa panahon ng taglamig, ginagamit pa rin ang denim (kahit na di siya kasing kapal ng wool, flannel, at fleece).

(Si Erick Salach mula sa Poland)

 

 

Siguro dahil, naging uri rin ng pagrerebelde and paggamit ng maong: parang dinala sa lungsod ang Wild West o ang Marlboro Country.

(Si Mike Quyen mula sa Bucharest)

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Benetton sa Pinterest

by Be-Blogger Pilipinas on: Marzo 2nd, 2012

 

Sa wakas, nagbukas na rin ako ng sarili kong Pinterest account. Dati rati, pinapadala ko lang sa sarili kong email ang mga gusto kong itagong mga larawan, o nirereblog sa aking Tumblr account. Bago lang akong nakumbinsing mas madaling gamitin ang Pinterest para sa pagkalap ng favorite pics. Sa ngayon, halos wala pang laman ang aking account.

Syempre, isa sa mga una kong finollow ang Benetton sa Pinterest. Sa kanilang page, kita sa isang sulyap ang lahat ng bago nilang campaign, pati na rin ang ilan sa mga lumabas noon pang 1980s.

 

 

Halimbawa, makikita ang bagong Spring/Summer 2012 campaign ng Benetton.

 

 

Itong dalawa ang paborito kong larawan.

 

 

Naaliw din ako dahil unang beses ko pa lang nakita ang bagong campaign para sa kanilang kid collection.

 

 

Trench at pea coat para sa inyong chikiting?

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Akriliko, kadena, at turnilyo

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 29th, 2012

 

Oo, hindi na bago ang paggamit ng acrylic (at iba pang uri ng resin at plastik) bilang kuwintas, hikaw, pulseras, at singsing. Simula 1980s (at malamang bago pa nito) pa ito nauso at ilang beses na ring bumalik sa uso. Pero nakakita ka na ba ng akrilikong nasa porma ng pakpak, robot, at paruparo?

 

 

Bahagi ng Spring/Summer 2012 collection ng Miadore ang ilang accessories na humuhugot ng inspirasyon mula pa sa sinaunang sibilisasyon ng mga Aztec. May mga kuwintas na mala-Rorschach ang dating, mayroon ding mukhang kuwago, alimango, at maskara. Tutal, sa kalikasan din naman galing ang inspirasyon ng mga Aztec.

 

 

Noong una kong nakita ang collection, naisip ko ring mukha silang mga constellation sa langit − ang mga turnilyo ang kumakatawan sa mga bituin.

 

 

Bahagi din sa mga bagong kuwintas ang ilang mukhang basag-basag na salamin.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 International jewelry fair sa Hong Kong

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 24th, 2012

 

Nagkataong dinaraos ang Hong Kong International Jewellery Show nang bumisita ako dito para sa aking trabaho. Pumunta ako noong huling Linggo.

 

 

Buti na lang at nakapagrehistro ako online kaya di ko na kinailangang magbayad ng entrance fee.

 

 

Plano ko sanang libuting ang buong fair sa loob lamang ng ilang oras, pero medyo nalula ako sa layout: halos limang palapag ang lawak at dami ng mga booth. Galing sa iba’t ibang bansa ang mga nagtitinda: mula Switzerland, US, at South Africa hanggang Thailand, Japan, at Brazil.

 

 

Hindi ako pinayagang kumuha ng letrato sa marami sa mga booth, pero heto ang ilang nakabibighaning larawan mula sa guidebook. Itong eskultura ng Tsinong mandirigma ay gawa sa korales.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Kulay buhay: Benetton Man Spring 2012

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 9th, 2012

 

Sa tindi ng lamig sa US at sa maraming bansa sa Europe sa nakaraang mga linggo, sigurado akong lalong umiigting ang pangungulila para sa pagdating ng Spring, o sa Pilipinas, ang tag-init. Kahit sa atin, malamig-lamig ang madaling araw, pati na rin ang mga gabi.

 

 

Nang nakita ko ang Spring 2012 collection ng United Colors of Benetton Man, naisip ko ang luntiang damuhan at ang masarap na hangin ng dalampasigan – mga larawan na sigurado akong di nalalayo sa pinapangarap ng marami sa kanluran.

 

 

Pula, berde, asul, at kahel ang pangunahing mga kulay ng collection: mga kulay ng paglalaro, ng kabataan.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Walang Perou Perou

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 27th, 2012

 

Bumisita sa Maynila nitong huling linggo ang kilalang photographer na si Perou. Pinamagatang “Perouvian Wasteland” ang kanyang exhibit sa Ayala Museum, kung saan nakatampok ang kanyang mga letrato ng sikat na mga musikero, fashion designer, at modelo. Nakikilala niyo ba sila?

 

 

Sadyang pumupukaw sa isipan ang kanyang mga portrait. Sayang at di ko naabutan ang kanyang panayam noong Sabado nang umaga, kung saan pinag-usapan ang proseso at kasaysayan ng kanyang paglikha.

 

 

 

 

Nababagay sa bawat indibidwal, tulad nina Grace Jones at Dita von Teese, ang estilo ng larawan.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Tropang pula

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 20th, 2012

 

Para sa akin, higit pa sa itim (na di kasing dali suotin kapag mainit), di nawawala sa panahon ang pula (o ang mga pinsan nitong kulay, tulad ng kahel at burgundy). Sa totoo lang, medyo nakakasawa na ang itim, at madalas mas masayang suotin ang pula.

(Si Andres Espinosa mula sa Bucaramanga.)

 

 

Kumbaga sa apoy, sa pula lamang lumalabas ang tapang ng mukha.

(Si Vini Uehara mula sa Brasil.)

 

 

Pula lamang ang nagpapapusok sa labi.

(Si Kamil Gabriel mula sa Poland.)

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Abaca at capiz: Ang henyo ng katutubo

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 13th, 2012

 

Nagsulat na ako dati tungkol sa iba’t ibang klase ng mga katutubong tela sa Pilipinas, ngunit di ko pa nababanggit o naipapakita kung paano sila maaaring gamitin para sa kontemporaneyo at pang-araw-araw na kagamitan. Tingnan halimbawa kung paano nagagawang bag ang tinalac na hinabi mismo ng mga miyembro ng tribong T’boli, at ang abacang tradisyunal na gamit ng mga Mandaya.

 

 

Sinasabi sa akin nina Carmaela Alcantara at ang kanyang nanay na si Mae, ang mga designer ng Crystal Seas, na hinalaw nila mula sa kultura ng mga katutubo sa Mindanao ang disenyo ng kanilang mga likha.

 

 

Batay sa sa tradisyunal na estilo ng embroidery ang pagkakagawa ng mga bag: ang bawat abaloryo (o bead) ay mahigpit na nakatali.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 iPhone app: Paano magtali ng kurbata

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 6th, 2012

 

Aaminin ko sa inyong natuto lang ako magtali ng kurbata nung nagsisimula na akong magtrabaho. Bago nito, takbuhan ko ang aking tatay, na gagawa nito para sa akin – luluwagan ko lang ang ready-made niya na necktie kapag nakabihis na ako.

Nung unang mga pagkakataong di ko maalala ang kanyang tinuro, naghanap ako ng instructional guide sa YouTube. Buti na lang ngayon at may matatakbuhan ng app sa iPhone.

 

 

Para sa may oras magplano o gumising nang mas maaga, makakapili pa kayo ng style ng pagtaling naaayon sa laki at hugis ng inyong kuwelyo: mula sa nakagawiang four-in-hand at Windsor hanggang sa kakaibang Atlantic at Diagonal.

 

 

Alalahanin siyempre na dapat naaayon din ito sa laki at kapal ng inyong kurbata, na ibinabagay rin dapat sa laki ng inyong katawan. (Halimbawa, kung gusto niyong mas magmukhang payat, gumamit ng mas makitid na kurbata; higit na malapad naman para sa mga gusto magmukhang mas malaki ang katawan.)

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Yard Sale sa Pasko

by Be-Blogger Pilipinas on: Diciembre 23rd, 2011

 

Eto ang itsura ng Fiamma bar sa Jupiter Street sa Makati kapag umaga, pag di na madilim at wala nang naglalasing.

 

 

Dito ginanap ang Status Yard Sale noong nakaraang Sabado, kung saan nagbenta ng damit, accessories, at anik-anik ang mga local designer, mag-aaral, at lahat ng interesadong magtinda ng bago at pinaglumaang kagamitan. (Mayroon din syempreng nagbenta ng pagkain.)

 

 

Ito ang isa sa mga rack ng Proud Race na puno ng animal print at camouflage.

 

 

Isa sa mga kikay na lamesa na pinaglatagan ng feather earrings at nail polish.

 

(more…)

 
 

Leave your comment