Sumali sa World Environment Day Challenge!

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 5th, 2012
Imagen de previsualización de YouTube

Bago ang lahat: maligayang Pandaigdigang Araw ng Kalikasan! Ano ba itong World Environment Day Challenge? Panoorin itong maiikling video mula kina Gisele Bündchen, Ian Somerhalder, at Don Cheadle para magka ideya.

 

Imagen de previsualización de YouTube

Taon-taon, ipinagdiriwang ng United Nations ang World Environment Day tuwing ika lima ng Hunyo. Nangunguna ang United Nations Environment Programme (UNEP) sa pagpapaalam sa nakararami ukol sa mga inisyatiba tungo sa pangangalaga ng kalikasan at paglunsad ng mga programa para sa sustainability. Ang tema ng World Environment Day para sa 2012 ay “Green Economy: Does it include you?

Ano nga ba ang Green Economy? Sa simpleng salita: ito ang pamamalakad ng negosyo at komersiyo sa pamamaraang nakabubuti sa pag-unlad ng indibidwal at sa kalikasan habang isinasaisip ang pangmatagalang epekto ng anumang gawain. Ang pangunahing pamamaraan tungo rito: low carbon emissions, resource efficiency, at social inclusion.

 

Imagen de previsualización de YouTube

Ano naman ang World Environment Day at WED Challenge?

Ang World Environment Day, na hinohost ng Brasil ngayong 2012, ang inaasahang pinaka malaking pagdiriwang sa daigdig tungo sa positibong inisyatiba para sa kalikasan. Pakay ng WED 2012 na hikayatin ang pinaka maraming indibidwal at grupo sa mundo na makisalo sa mga gawain alang-alang sa kalikasan.

Para sa WED Challenge, kailangan lamang pumili ng inisyatibang pinaka malapit sa inyong puso: maging pagtatanim ng halaman o pagtitipid ng kuryente. Kailangang pasok ang mga entry sa alinman sa mga category (may pipiliing kampyon para sa bawat isa): People (paramihan ng tao), Creativity (makabagong paraang “out of the box”), Buzz (madaling kumalat sa internet), Impact (malaki ang epekto sa nasasaklaw), at Theme (ayon sa temang “Green Economy: Does it include you?”).

Mamimigay ng 5 fuel-efficient na kotse ang Kia Motors sa bawat kampyon. Ano pang hinihintay niyo? Mag-register na!

 
 

Leave your comment

 Maghapon sa Mind Museum

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 15th, 2012

 

Ilang beses ko nang nadaraanan ang Mind Museum sa Bonifacio Global City sa Taguig. Nitong huling Sabado, minabuti kong bumili ng all-day pass (mabibili online) para siyasatin ang mga eksibit.

 

 

Binati ako ng kalawanging eskultura ni Lor Calma bago pumasok ng museo. Ano sa tingin niyo ang ipinahihiwatig nito?

 

 

Pagpasok naman sa loob, binati ako ng robot na si Aedi (ibinaligtad na “idea”). Merong motion detector si Aedi. Kapag dumaan ka sa harap niya, bibigyan ka niya ng maikling intoduksyon para sa Mind Museum. (Susubukan ko sanang makipagkamay, pero nahiya ako.)

Nahihiwalay sa limang kuwento ang mga eksbiti: Ang Kuwento ng Atomo, Ang Kuwento ng Buhay, Ang Kuwento ng Uniberso, Ang Kuwento ng Mundo, at Ang Kuwento ng Teknolohiya. Bahagi ng bungad ang Sampung Pinaka Magandang Eksperimento.

 

 

Inuna ko ang Kuwento ng Buhay. Itong apat na kuwadro ay bahagi ng eksibit tungkol sa mga kalamidad sa Pilipinas. (May hanging bumubuga mula sa itim na mga bintana sa ibaba.)

 

 

Mababasa ang kuwento ng buntanding, at kung gaano kahalaga pangalagaan ang ating likas na yaman, lalo na ang mga hayop at halaman na nasa bingit ng pagkaubos at permanenteng pagkawala.

 

 

Ito ang bunganga ng isang higanteng kabibe. Ikinukuwento kung paano nagiging tahanan ito ng mga halamang dagat, ng korales, ng mga uod, espongha, at isda. Ipinapaalala ang kahalagahan ng pag-alaga sa kabibe na may malaking papel sa buhay sa ilalim ng dagat.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Isang Araw sa Mundo: Earth Day 2012

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 21st, 2012

 

Earth Day na ngayong Linggo, ika-22 ng Abril. Para ipagdiwang ito, nagtulungan ang maraming mga grupo sa daigdig, tulad ng Vimeo, Ning, United Nations, at higit sa 60 na non-profit organization para mabuo ang pelikulang “One Day on Earth”: isang obrang nagtatangkang ilarawan ang buong daigdig sa loob na 24 oras. Sa pamamagitan ng pagtagni-tagni ng mga video mula sa iba’t ibang bansa at kinuha sa loob ng isang araw, nailalarawan ang iba’t ibang pananaw at paniniwala, ang siklo ng buhay mula pagsilang hanggang pagpanaw.

Panoorin niyo ang trailer sa itaas. Mapapanood ang kabuuan sa Earth Day mismo dito sa site ng One Day on Earth. Ang Black Pencil Project ang lumahok mula sa Pilipinas.

 

 

Isa pang inisyatibo para sa Earth Day ang “A Billion Acts of Green” na inorganisa ng Earth Day Network. Hinihikayat nitong magkapit-bisig ang isang bilyong tao sa daigdig para sa pamamagitan ng pangako ng pagbabago mula sa bawat isa, makatulong tayo sa inang kalikasan.

 

 

Sa pagkakasulat nitong blog post, 987,884,722 na ang mga sumali. Malapit nang umabot ng isang bilyon!

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Earth Hour sa Lungsod ng Makati

by Be-Blogger Pilipinas on: Marzo 30th, 2012

 

Bukas na pala ipagdiriwang ang Earth Hour, kung saan lahat ng naniniwalang mahalaga ang kalikasan, ang pag-alaga at pagtipid sa ating likas-yaman, ay magpapatay ng kuryente sa pagitan ng 8:30-9:30pm.

Ipagdiriwang ito ng Makati sa pamamagitan ng ilang pagtatanghal mula 6:30pm habang hinihintay ang pagsapit ng 8:30pm. Kaakibat ng 60+ na kampanya, nagsagawa ang WWF ng “I Will, If You Will” na islogan para mahikayat ang mga mamamayang mangako ng mga inisyatiba kapalit ng pagtulong ng iba pang tao. Habang nag-susurf sa internet, natisod ko itong official form ng Makati para sa pribadong sektor: pangako, sa bahagi naman ng mga kumpanya para tumulong at makisali sa Earth Hour.

 

 

Sa susunod na buwan na rin ang World Earth Day (ika-22 ng Abril). Itong larawan sa itaas ang puno ng sampalok na itinanim ko sa aming bakuran noon pang 2003. Lampas na siya sa bakod ng kapitbahay. Aaminin kong liban dito at sa pagtitipid ng tubig at (minsan) kuryente, at pag-recycle ng papel, wala pa talaga akong ginagawa para sa kalikasan. Siguro magandang pagkakataon ang 2012 para magsimula.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Oasis sa Hong Kong

by Be-Blogger Pilipinas on: Marzo 9th, 2012

 

Isa ito sa mga dinaraanan ko papunta sa trabaho nung nasa Hong Kong ako nang isang linggo.

 

 

 

 

Itong tinatawag na “central oasis” ay daluyan ng mga tao, karamihan papunta at pauwi mula sa trabaho.

 

 

Pintado ang mga dingding ng makukulay na larawang pambata.

 

 

May mga imahen ng mga puno, mga hayop, at mga taong tila matiwasay ang pamumuhay.

 

 

Kahit mga poste mayroong disenyo.

 

 

Mayroon pang mga buhay na halaman.

 

 

 

 

Parang ang sarap tumigil muna sa karaniwang mabilis na paglalakad para umupo sandali.

 

 

Pero ang higit na mahalagang pakay ng Central Oasis ay ang pagpapaalam sa mga mamamayan ng Hong Kong (at pati na rin sa mga bisita tulad ko) tungkol sa mga hakbang ng gobyerno sa pananatiling buhay at kapaki-pakinabang ang kalikasan sa kapaligiran. Isa na rito ang pagtataguyod ng sustainable na sistema para sa sariwang tubig.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Abaca at capiz: Ang henyo ng katutubo

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 13th, 2012

 

Nagsulat na ako dati tungkol sa iba’t ibang klase ng mga katutubong tela sa Pilipinas, ngunit di ko pa nababanggit o naipapakita kung paano sila maaaring gamitin para sa kontemporaneyo at pang-araw-araw na kagamitan. Tingnan halimbawa kung paano nagagawang bag ang tinalac na hinabi mismo ng mga miyembro ng tribong T’boli, at ang abacang tradisyunal na gamit ng mga Mandaya.

 

 

Sinasabi sa akin nina Carmaela Alcantara at ang kanyang nanay na si Mae, ang mga designer ng Crystal Seas, na hinalaw nila mula sa kultura ng mga katutubo sa Mindanao ang disenyo ng kanilang mga likha.

 

 

Batay sa sa tradisyunal na estilo ng embroidery ang pagkakagawa ng mga bag: ang bawat abaloryo (o bead) ay mahigpit na nakatali.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Sa piling ng kalikasan sa Eden, Davao

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 5th, 2012

 

Nagsulat na ako dati tungkol sa merkado ng bulaklak sa Dangwa sa Maynila, ngunit di lamang mga bulaklak ang matatagpuan sa Eden Nature Park and Resort sa Davao. Mayroon rin silang mountain trail, fishing, wildlife reserve, at pinaka nakakaaliw sa lahat, mayroon silang mga lugar sa kanilang tour na mapagpupulutan ng impormasyon tungkol sa mga tribo at likas na mga halamang matatagpuan sa Mindanao.

 

 

 

 

Ito ang tinatawag na Mickey Mouse plant o Fox Face, na mukhang prutas, ngunit di puwedeng kainin. Maiging palamuti para sa Pasko.

 

 

Mga bulaklak na mukhang salabay (jellyfish).

 

(more…)

 
 

Leave your comment