Aliw at ginhawa mula sa Apple iOS 5

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 14th, 2011

 

Kakalabas pa lang kahapon ng bagong operating system na Apple, ang iOS 5, at di ko pa lubusang maitago ang aking galak. Para akong batang nakatanggap ng maagang aginaldo nang mai-update ko ang OS ng aking Macbook Pro, iPhone 3GS, at iPad. Syempre, ang pinaka kinaaliwan ko ang iCloud, ang bagong app na gumagamit ng cloud computing para maiugnay sa pamamagitan ng internet ang mga Apple device.

 

 

Ito ang screen sa aking iPhone matapos ma-download ang iOS 5.

 

 

Isa isa kong pinalitan ang settings ng ilang apps para magamit ang mga feature ng iCloud. Una ang Contacts, para sa tuwing magdadagdag ako ng kakilala sa iPhone, automatic na masasama siya sa address book sa Macbook at sa iPad.

 

 

Sunod naman ang Reminders (bagong app) at ang Calendar. Di ko pa masyadong nagagamit ang Reminders, pero nagpapasalamat ako sa instant update ng Calendar, para tuwing pagbukas ko ng Calendar app sa laptop o ng Outlook sa desktop, andun na lahat ng bagong gawaing sinave ko na sa iPhone.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Bagong app ng Benetton

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 4th, 2011

 

Kaka-download ko pa lang ng app ng Benetton para sa iPhone. Eto siya sa sulok ng page 2 ng aking apps. Nasa display page ang latest collection, para sa Autumn Winter 2011.

 

 

Masasabi kong kumpleto ang laman ng app; wala ka nang hahanapin pa o kailangan pang i-Google para sa pinaka huling media galing sa brand: mula sa collection, campaigns, at videos hanggang sa pinaka sariwang balita at mapa ng mga shop ng Benetton.

 

 

Makikita isa-isa ang mga damit mula sa mga collection.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Design Talks kapanayam si AJ Dimarucot

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 8th, 2011

 

Nahuli ako nang kaunti pero buti nakahabol ako sa Design Talks series ng Ayala Museum, kung saan nagbigay ng lecture si AJ Dimarucot, isa sa pinaka prolific na illustrator sa Pilipinas ngayon.

 

 

Tulad ng talk ni Dan Matutina sa Graphika Manila, parang nagkukuwento lang si AJ. Sinimulan niya ang salaysay sa kanyang unang collaboration para mabuo ang groupong (tambalang) Collision Theory.

 

 

Ay mali. Nagsimula pala ang talk niya sa kuwento ng pag-design ng mga website nung nasa paaralan pa lang siya. May nasabi yata siya tungkol sa isang (sarkastikong) Erap appreciation site. Eto silang dalawa sa Collision Theory na gumuguhit sa mga mga balibayan box.

 

 

Graffiti.

 

 

Set (store?) design para sa isang US shoe and apparel company.

 

 

Dito naman, ikunukuwento ni AJ ang kanyang hilig sa mga pattern.

 

 

Kung paano niya inilalapat ang mga disenyo sa karaniwang kagamitan, tulad ng unan.

 

 

Sa yugtong ito, dumating ang usapan sa pag-aasawa at sa pagpapalaki ng pamilya. Halata namang mahilig magbiro si AJ, kahit na pinag-usapan na ang pangangailangang magpundar para sa kinabukasan. Mula sa trabaho sa ahensiya, napagdesisyunan nina AJ at Audrey (ang kanyang butihin at mas matangkad na asawa) na mas maigi kung magsikap si AJ sa kanyang sarili.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang pinakahihintay na iPhone 5

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 7th, 2011

 

Kung maniniwala kang ito nga ang totoong promo video ng Apple para sa iPhone 5, singnipis na lamang ng bagong smartphone ang Super Thins na crackers. Magkakasya na siya sa selyo dahil katumbas na lamang siya ng ilang tinuping piraso ng papel.

 

 

Kung maniniwala ka sa pambihirang video, maaari ka nang mag-type gamit ang “laser image” ng isang keyboard galing mismo sa iPhone 5. Halos wala nang dahilan para magdala pa ng laptop. Hindi na mahihirapan ang matataba ang daliri dahil malaki na ulit ang mga key. Higit sa lahat, wala ka nang kailangang ibulatlat pa mula sa iyong bag para lang magka-keyboard.

 

 

Pinaka kagilala-gilalas sa lahat sa “promo video” ang bago umanong kakanyahan ng iPhone 5 na mag-project ng holographic image, ng video man o ng game na iyong nilalaro. Gaano man kaliit ang screen, mapapalaki ito at makikita ng kahit sino. Isipin mo lang ang makabagong gamit ng Facetime o Skype. Diba ganito sa “Star Trek” o “Star Wars”?

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Ikinalulungkot ng lahat amining haka-haka lamang ang tsismis at gawa-gawa lamang ang video. Kahit na malapit nang ilunsad ang iPhone 5, wala pa ang kanyang totoong promo. Pero masarap isipin, kahit sandali, kung gaano mapapadali ng inimbentong mga feature ang ating mga buhay. May nagsasabing baka sa iPhone 7 o 8, magkakatotoo na. Pero di ba, kahit ngayon pa lang sa iPhone 4 o 3GS, kamangha-mangha na ang iyong magagawa kumpara sa sinauna at matatawag nang “jurassic” na (kung maaalala mo pa) Nokia 5110? Panoorin ang video para ma-senti.

 

El Bosquejo

 
 

1 comentario

 Ang nabubulok na kotse ni Kenneth Cobonpue

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 15th, 2011

 

Kung mapunò ang iyong bakuran, na iyo na ring garahe, mapagkakamalan mong bahagi ng halamanan ang Phoenix Roadster ng Filipino designer na si Kenneth Cobonpue at ng Alemang si Albrecht Birkner. Yari ang Phoenix sa bamboo, rattan, bakal, at nylon. Ang ikinaganda ng Phoenix, di siya magtatagal lampas sa karaniwang buhay ng kotse: 5-10 na taon, kaya wala nang dahilan para mag-ipon ang mga kotse sa mga tambakan.

Walang aksaya. Pero huwag ka lang magkakamaling magsiga malapit sa Phoenix, dahil di tulad ng ibong ipinanganak sa apoy, walang kotseng mabubuhay-magmuli mula sa abo.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Ang kuwento ng aking laspag na headphones

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 3rd, 2011

 

Noong 2006 ko pa ito binili, Bose Quiet Comfort III Acoustic Noise Cancelling headphones. Pero kasalanan ko kumbakit tuklap na ang lalagyan. Mag-aapat na taon ko na siyang gamit. (Nakapatong sa case ang nabingwit kong pitaka ng barya.) Medyo nasira yung isang tainga. Kasi naman ginamit ko sa gym at pinagpawisan. (Ayaw ko kasi marinig ang pagmamayabang ng ilan diyan.) Kaya pang pagtiyagaan, pero kailangan ko nang dalhin sa shop.

 

 

Eto siya, buhay pa rin, kahit na may masking tape na banda sa plug. Binili ko siya dahil nung panahong ‘yon araw-araw akong sumasakay ng tren mula bahay hanggang trabaho, 1 1/2 oras papunta at 1 1/2 oras pauwi. Mahilig akong sumakay ng tren. Hinahanap-hanap ko pa rin siya minsan, pero kapag laging siksikan at gusto ko lang manahimik at makapag-isip, gusto ko walang distorbo.

 

 

Kaya ayun. Medyo mahal, presyong ginto raw sabi ng aking pinsan. Pero nung una ko siyang sinubukan, ayaw ko nang hubarin. Tulad lang sa damit, alam kong kailangan ko siyang bilhin. (Di ka lang makakapag-zone out nang di sinisira ang iyong tainga, madali pang i-recharge ang baterya. Kasama sa case ang pansaksak.) Pero ngayong di na ako masyadong sumasakay ng MRT at mas madalas na sa dyip, siguro nagsawa na rin ako.

 

 

Tulad ngayong umaga, umuulan at may naririnig akong humuhuning ibon (oo, waterproof sila). Minsan rin, dahil likas akong tsismoso, gusto kong marinig ang kuwentuhan ng mga tao. Sinusuot ko na lang siya kapag gusto kong mag-shopping at ayaw maabala ng madla sa mall. (Yang mukhang buto ay para sa kable ng headphones, para di magbuhol-buhol.) Ang kailangan ko siguro ngayon ay bagong download para ma-enganyo ako ulit makinig nang walang istorbo. Di lang ng tugtog, lalo na ng mga pinalampas kong sitkom. (“Modern Family II”, “Nurse Jackie”, atbp sa iPhone at iPad).

O siya!

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Ang kulay ng iyong daigdig: mula Twitter hanggang Foursquare

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 1st, 2011

 

Gusto niyo bang malagay sa Benetton Foursquare page ang inyong paboritong lugar? Puwes, oras na para maging malikhain at ilarawan ang naturang pook sa pamamagitan ng kulay. Ito ang sinulat ko sa Twitter (alalahanin ang #KnitYW hashtag at @Benetton_UCB referrence) para sa Maynila ayon sa kulay na pula.

 

 

Agad-agad, sumagot ang Benetton at tinanong ako saan sa Maynila ang paborito kong lugar. (Syempre napaisip ako kagad.) At ayan, bigla pa akong nagkaroon ng bagong kaibigan mula pa sa El Salvador na nakikisali rin sa laro. (Hello sa mga kaibigan sa aking Twitter timeline!)

 

 

Natural, naisip ko ang Moonleaf Tea Shop sa Maginhawa Street (Bahala na kayo kung paano iuugnay ito sa kulay na pula. Sigurado akong may paraang akma.)

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Liham mula sa kaibigan / Is that you Lolo?

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 15th, 2011

 

Siguro katulad ko, nagtaka ka nung bata ka pa kung anong itsura ng iyong lolo at lola noong wala pa silang uban, kung anong suot nila sa kanilang kapanahunan. Malamang tumuntong ka rin sa bangko, tulad ko, para abutin ang makapal na family album sa estante, para hipan ang bahagyang alikabok.

 

 

Ngunit hindi tungkol sa mga lola at lola ang exhibition sa Silverlens mula June 29 hanggang July 30. Ang “A Token of Our Friendship” ay tungkol sa mga binatang Pinoy bago ng gera na nagpunta sa studio para magpakodak. Kung buhay pa sila ngayon, katumbas ng kanilang mga larawan ang photobooth at neoprint.

 

 

Kinolekta ni John Silva, ang curator ng exhibition, ang mga larawan mula pa sa panahon ng Amerikano (at kahit bago pa nito) hanggang sa huling bahagi ng 20th century.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Benetton sa Foursquare

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 29th, 2011

 

Nasa Foursquare din pala ang Benetton.

 

 

Syempre, nung malaman ko, kahit na alas kuwatro nang umaga, sinubukan kong “puntahan” ang mga Benetton branch sa Manila. Una ang Trinoma. Bilang bagito sa Foursquare, di ko alam na puwede pala mag-check-in kahit wala ka sa lugar na ‘yon. Kaya ayan.

 

 

Akala tuloy ng mga kaibigan ko atat ako mag-shopping. Sa Robinsons Galleria, Ortigas ang susunod.

(more…)

 
 

Leave your comment

 Bagito sa Foursquare

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 14th, 2011

 

Bumigay na rin ako sa Foursquare. Sa loob ng ilang oras, nakakuha na ako ng isang badge at naka-check-in sa sampung lugar. Naisip ko lang na tutal naghahanapan naman tayo sa Twitter; ba’t di na lang ipaalam sa mga kaibigan kung saan ako nagpupupunta.

 

 

Una akong pumunta Ritual sa The Collective, isang tindahan ng kape, asin, bigas at asukal, tablea, damit, abubot sa bahay, at marami pang ibang produkto na halos lahat ay yari sa Filipinas, at nagpapahalaga di lamang sa kalikasan kundi pati na rin sa pangkabuhayan ng mga lokal na komunidad.

(more…)

 
 

1 comentario