Akriliko, kadena, at turnilyo

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 29th, 2012

 

Oo, hindi na bago ang paggamit ng acrylic (at iba pang uri ng resin at plastik) bilang kuwintas, hikaw, pulseras, at singsing. Simula 1980s (at malamang bago pa nito) pa ito nauso at ilang beses na ring bumalik sa uso. Pero nakakita ka na ba ng akrilikong nasa porma ng pakpak, robot, at paruparo?

 

 

Bahagi ng Spring/Summer 2012 collection ng Miadore ang ilang accessories na humuhugot ng inspirasyon mula pa sa sinaunang sibilisasyon ng mga Aztec. May mga kuwintas na mala-Rorschach ang dating, mayroon ding mukhang kuwago, alimango, at maskara. Tutal, sa kalikasan din naman galing ang inspirasyon ng mga Aztec.

 

 

Noong una kong nakita ang collection, naisip ko ring mukha silang mga constellation sa langit − ang mga turnilyo ang kumakatawan sa mga bituin.

 

 

Bahagi din sa mga bagong kuwintas ang ilang mukhang basag-basag na salamin.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Hot Air Balloon Fiesta sa Pampanga

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 16th, 2012

 

Huli na nang narinig kong meron palang 17th Philippine International Hot Air Balloon Fiesta sa Clark Airfield sa Pampanga mula ika-9 hanggang ika-12 ng Pebrero. Buti na lang at nagpaunlak ang isa kong kakilalang maraming kuha mula sa event.

 

 

Di lang pala hot air balloon ang makikita sa fiesta, meron ding kite flying, aerobatic flight display, sky diving, paragliding, rocketry, at marami pang iba.

 

 

Pero siyempre, ang hot air balloons pa rin ang pinaka inaabangan.

 

 

Saan ka ba naman makakakita ng lumilipad na birthday cake.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Tatlong awit handog ng Number Line Records

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 3rd, 2012

 

Ang Number Line Records ay isang independent music label na nakabase sa Maynila. Itinatag ito upang maitipon ang musikerong Pinoy para maipamahagi ang kanilang tugtugin sa bansa at sa daigdig. Libreng digital release ang tuon ng pansin ng Number Line.

 

 

Pakinggan ang tatlong awit galing sa grupo ng mga musikero ng Number Line. Una ang “The Big Hat Open” mula sa Big Hat Gang. Sumusunod ang “An Android’s Lament” mula sa Modulogeek. At ikatlo ang “Twenty Years from Now” mula sa Outerhope.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Kung ang una ay imahen ng kalayaan sa loob ng kulungan, ang ikalawa naman ay tungkol sa pagpupumiglas sa kinalakhang lulan. Iiwan ko na sa inyo kung tungkol ba sa pag-asa o sa kawalan nito ang “Twenty Years from Now”.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Tropang pula

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 20th, 2012

 

Para sa akin, higit pa sa itim (na di kasing dali suotin kapag mainit), di nawawala sa panahon ang pula (o ang mga pinsan nitong kulay, tulad ng kahel at burgundy). Sa totoo lang, medyo nakakasawa na ang itim, at madalas mas masayang suotin ang pula.

(Si Andres Espinosa mula sa Bucaramanga.)

 

 

Kumbaga sa apoy, sa pula lamang lumalabas ang tapang ng mukha.

(Si Vini Uehara mula sa Brasil.)

 

 

Pula lamang ang nagpapapusok sa labi.

(Si Kamil Gabriel mula sa Poland.)

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang Ilustrador ng Kabataan: 20 taon

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 1st, 2012

 

Mahigit isang dekada rin akong hindi nakababasa ng mga aklat na pambata. Itong mga huling taon lamang ako muling nakabulatlat ng mga kuwetong kinalakhan at kinagiliwan  – dahil minabuti kong aklat ang iregalo sa mga batang pamangkin. Ngunit sa Ayala Museum ko lamang muling nakita ang marami sa mga kuwentong, sa kasawiang palad, ay matagal nang out of print.

 

 

Sa eksibit na pinamagatang “Ilustrador ng Kabataan: 20 Taon”, muli kong sinariwa ang mga librong ikinukuwento pa sa aming magkakapatid ng aming ina (noo’y “Nanay” na naging “Mommy”) at pagkaraa’y paulit-ulit naming binabasa hanggang maluray ang mga pahina at matanggal ang mga pabalat.

 

 

Di lamang ang original na mga painting ang nakapaskil; maraming mga tauhan mula sa mga aklat ang nabigyang buhay sa pamamagitan ng styrofoam at paper cutouts.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Yard Sale sa Pasko

by Be-Blogger Pilipinas on: Diciembre 23rd, 2011

 

Eto ang itsura ng Fiamma bar sa Jupiter Street sa Makati kapag umaga, pag di na madilim at wala nang naglalasing.

 

 

Dito ginanap ang Status Yard Sale noong nakaraang Sabado, kung saan nagbenta ng damit, accessories, at anik-anik ang mga local designer, mag-aaral, at lahat ng interesadong magtinda ng bago at pinaglumaang kagamitan. (Mayroon din syempreng nagbenta ng pagkain.)

 

 

Ito ang isa sa mga rack ng Proud Race na puno ng animal print at camouflage.

 

 

Isa sa mga kikay na lamesa na pinaglatagan ng feather earrings at nail polish.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang muling pagtingin sa abaka ni Jot Losa

by Be-Blogger Pilipinas on: Noviembre 3rd, 2011

 

Mula sa malayo, aakalain mong gawa lamang sa katad (leather) ang mga pulang bestida ni Jot Losa. Ngunit kapag kinilatis nang malapitan, mapapansing nagsasalit ang katad at ang isa pang uri ng tela: ang abaka. Ang abaka, na galing sa isang klase ng puno ng saging, ay magaspang kung ikukumpara sa katad, kaya kapag ipinagsama ang dalawa, nagbabago ang itsura ng kabuuang tela.

 

De-kamay ang pagtitina ng abaka na nagiging manggas sa mga damit ni Losa, habang ang katad ang bumubuo sa maliliit na rosas. Nagagawa nitong mas mahinhin ang katad kapag ipinagtabi at napapa-sexy rin nito ang bestida depende sa pagkakalagay (mga laso sa may baywang).

 

Sana dumami pa ang mga designer sa Pilipinas na magbibigay ng bagong buhay sa local na tela.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Punchdrunk Panda para sa iyong kamera

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 31st, 2011

 

Para sa mga baguhang photographer na gumagamit ng SLR, sigurado akong kung ano-ano ang mga tanawin, lugar, hayop, at pagtitipon ng mga tao ang naiisip nilang makunan gamit ang kanilang bagong “laruang” gadget. Malimit, gusto nilang matagpuan ang di karaniwang nakikita, o ang kakaiba.

 

 

Ano pa ba ang makakaudyok ng imahinasyon tulad ng mga bagong disenyo ng Punchdrunk Panda para sa mga SLR camera strap: mayroong mga cartoon ng mga alien, mayroong mga eksensng may lumang simbahan at kalesa, at mayroong disenyong humuhugot ng inspirasyon mula sa mga tela ng mga katutubo ng Pilipinas.

 

 

Itong una, “Imaginatiooooon”, ay gawa ni Rob Cham, isang 21-taong-gulang na illustrator at graphic designer.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Behind the scenes ng “Super Natural”

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 28th, 2011

 

Tamang-tama lang ang release ng “Super Natural” editorial nina Enzo Mondejar at Eric Poliquit para sa OS at Paradigm Shift. Swak na swak para sa Halloween at sa Todos los Santos.

 

 

Matagal na sa akin itong mga behind-the-scenes photos ng shoot na naganap ilang buwan na ang nakaraan. Tawagin na nating “Magandang Gabi Bayan: Halloween Special” ang post na ito, na may eksenang pinamagatang “Mamaw sa matutubig na kagubatan ng UP”.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Sneak peek sa Fashion Week: Mike Lavarez Spring/Summer 2012

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 21st, 2011

 

Dalawang tulog na lang at Philippine Fashion Week na ulit! Kaya naman abalang-abala ang mga designer, photographer, model, stylist, at hair and make-up artist nitong mga huling buwan at linggo sa pagbuo ng mga lookbook, show invitation, at campaign photos para sa mga bagong Spring/Summer 2012 collection. Nakadalo ako sa shoot para sa mga damit ni Mike Lavarez nitong linggo lang. (Photographer: Charles Buenconsejo, videographer: Judd Figuerres, stylist: Mike Lavarez, hair: Mark Familara, make-up: Chiara Daez, accessories: Gold Dot and Bosquejo)

 

 

Hindi ko raw puwedeng ipakita kung sinong batikang aktres ang kanyang modelo para sa campaign, kaya pagtuunan na lang natin ng pansin ang kanyang mga damit. Puro neutrals ang collection ni Mike. Itong kulay abo na may puting batik-batik ay bahagi ng kanyang LVT diffusion line. Sumasalamin sa kanyang estetika ang malalambot na tela, ang disenyo ng puno, pati na rin ang tabas ng mga damit.

 

 

Magagaan at maluluwang ang kanyang mga kamiseta, blusa, at kapa. Pero napapansin ba ninyo ang dibuho sa leggings? Kung tingnan niyo nang malapit, parang may natutunaw na kandila, o kaya’y snowflake. Malapit sa estetika ng mga katutubo ng Pilipinas ang disenyo. Nasabi ng isang kaibigan na naaalala niya ang tela ng mga Mangyan, para sa isa naman ay galing sa Cordillera. Para sa aking, ang dibuho sa leggings (pati na rin sa ilan pang mga blusa) ay buhat sa iba’t ibang kultura, ang bawat isa malapit sa kalikasan.

 

 

Kaya ako sobrang na-eexcite para sa show ni Mike Lavarez ay dahil accessories ko (Bosquejo) ang napili niyang ibagay sa kanyang mga damit. Sana makadalo kayo sa kanyang show sa Function Room 4 ng SMX Convention Center sa ganap na 2:30 nang hapon sa ika-30 ng Oktubre, o sa susunod na Linggo.

Nahulaan niyo na ba ang pangalan ng artista?

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment