Ang tagumpay ni Jessica Sanchez

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 25th, 2012
Imagen de previsualización de YouTube

 

Natapos na rin sa wakas ang ika-11 na season ng American Idol. Malamang may hangover pa ang mga Pinoy na sa simula’t sapol ay todo ang suporta sa Filipino-Mexican-American na si Jessica Sanchez. Matagal na akong di nanonood ng AI at napanood ko lamang ang palabas kahapon dahil tiyempong yun ang nasa TV sa gym. Aaminin kong kinilabutan (oo, natawa rin) ako sa pag-awit nila Jessica at Jennifer Holiday ng “And I Am Telling You I’m Not Going”. Iba ang dating. Oo, di kasing kinis at pulido ng bersyon ni Whitney Houston, pero andun lahat ng emosyon (malamang ang dahilan bakit nanalo ng Tony at Grammy si Holliday).

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Eto naman ang solo ni Jessica. Mapag-iisip ka kung saan nahugot ng 16-años na mang-aawit ang emosyong galit-palaban sa kanyang rendition na di basta lang nakasalalay sa galing ng pagkanta, kundi lalo na sa pag-unawa.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Ang tagumpay ni Jessica, na naaayon sa karaniwang kuwento sa mga reality show, ay ang layo ng kanyang narating sa pagkamit ng kanyang mga pinapangarap. Pakinggan mo lamang itong bersyon niya ng “Everybody Has a Dream” at higit na lilinaw ang kahulugan ng American Idol.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Kung wala siyang ginawa, mananatiling pantasya lamang ang kanyang pangarap sa buhay, bahagi lamang ng kanyang “Sweet Dreams”.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Ang tagumpay ni Jessica ay naipakita niya sa daigdig ang kanyang galing, kahit di siya nanalo. Dahil doon, walang makakalimot sa kanya. Ngayon pa lang, inaawitan na siya ng kanyang fans ng “I Will Always Love You”.

(Lahat ng video ay hiniram mula sa YouTube channel ng American Idol.)

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Albert Andrada Holiday 2012: studs at Asyanang prinsesa

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 25th, 2012

 

Noong nauso ulit ang paggamit ng studs sa bag, jacket, at sapatos dalawang taon (yata) na ang nakalipas, kahit ako naaliw sa gamit ng hardware. Pero nang gumaya ang lahat at nilagyan na ng stud ang lahat ng bagay, di nagtagal at nakakasawa na bigla ang paggamit.

 

 

Masasabi kong hindi ganun ang kaso sa Holiday 2012 show ni Albert Andrada, isang Pilipinong designer na naka-base sa Dubai, ngayong Philippine Fashion Week. Kakaiba ang paglalagay niya ng stud sa mga kuwelyo, sa manggas, sa sapatos, at sa iba’t ibang bahagi ng bestida, jacket, at pantalon.

 

 

Hindi basta-basta ang kinalabasan ng mga disenyo.

 

 

Sa kalakhan, naging maganda ang paghahalo ng klase ng tela at stud.

 

 

Masasabing biglang naging sariwa ulit ang paggamit ng studs.

 

 

Kumbaga, nagkaroon ng kahulugan ang pagdagdag.

 

Read the rest of this entry »

 
 

Leave your comment

 Pulampula sa tag-init

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 16th, 2012

 

Ito na siguro ang pinaka malapit na kaya ko sa Tangerine Tango, ang kulay ng 2012 ayon sa Pantone na di talaga bagay sa akin (ilang beses na akong sumukat ng damit). Hanggang kalawanging pula at Nantucket red lang ang babagay sa akin. Kaya naman, minabuti kong papulahin talaga ang aking outfit: pula sa pula!

 

 

Kulay pula (at dilaw) ang apoy. Siguro pula rin ang kulay ng tag-init ngayon sa Maynila na isa na siguro sa pinaka mainit na inabot nitong panahon sa siyudad. Kita niyo naman na matapos lamang ng ilang kuha ay nagsimula na akong pagpawisan.

Ginto naman ang aking ibinagay sa pula para mabuo ang larawan ng apoy.

 

 

Chestnut brown na belt at sandalyas ang ibinagay ko sa pula at ginto: larawan ng nilulutong kastanyas tuwing Pasko at malamig!

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Maghapon sa Mind Museum

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 15th, 2012

 

Ilang beses ko nang nadaraanan ang Mind Museum sa Bonifacio Global City sa Taguig. Nitong huling Sabado, minabuti kong bumili ng all-day pass (mabibili online) para siyasatin ang mga eksibit.

 

 

Binati ako ng kalawanging eskultura ni Lor Calma bago pumasok ng museo. Ano sa tingin niyo ang ipinahihiwatig nito?

 

 

Pagpasok naman sa loob, binati ako ng robot na si Aedi (ibinaligtad na “idea”). Merong motion detector si Aedi. Kapag dumaan ka sa harap niya, bibigyan ka niya ng maikling intoduksyon para sa Mind Museum. (Susubukan ko sanang makipagkamay, pero nahiya ako.)

Nahihiwalay sa limang kuwento ang mga eksbiti: Ang Kuwento ng Atomo, Ang Kuwento ng Buhay, Ang Kuwento ng Uniberso, Ang Kuwento ng Mundo, at Ang Kuwento ng Teknolohiya. Bahagi ng bungad ang Sampung Pinaka Magandang Eksperimento.

 

 

Inuna ko ang Kuwento ng Buhay. Itong apat na kuwadro ay bahagi ng eksibit tungkol sa mga kalamidad sa Pilipinas. (May hanging bumubuga mula sa itim na mga bintana sa ibaba.)

 

 

Mababasa ang kuwento ng buntanding, at kung gaano kahalaga pangalagaan ang ating likas na yaman, lalo na ang mga hayop at halaman na nasa bingit ng pagkaubos at permanenteng pagkawala.

 

 

Ito ang bunganga ng isang higanteng kabibe. Ikinukuwento kung paano nagiging tahanan ito ng mga halamang dagat, ng korales, ng mga uod, espongha, at isda. Ipinapaalala ang kahalagahan ng pag-alaga sa kabibe na may malaking papel sa buhay sa ilalim ng dagat.

 

Read the rest of this entry »

 
 

Leave your comment

 Gumuhit ng kung ano-ano

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 11th, 2012

 

Ok ba ang aking salin sa pangalan ng app na Draw Something? Oo, di ako matiis at nakiuso na rin ako sa mga kaibigan. Kaninang umaga ko lang dinownload ang app at mukhang pati ako ay naaadik.

 

 

Ginawa ko itong mga unang guhit habang naglalakad papuntang opisina, kaya sana ipagpaumanhin niyo kung medyo malabo. (Akala ko nga di mahuhulaan ang “Rugrats”.)

 

 

Kayo ba mahuhulaan niyo yung “tacos” at “seacrest”? Sabi ng kaibigan ko dapat ginuhit ko na lang si Ryan Seacrest, pero parang mas mahirap pa ata yun.

 

 

Ang galing ng nakaisip ng Draw Something. Para lang Pictionary pero pang internet. Kahit di mo kilala ang mga kalaro, masaya siyang libangan. Sa katunayan, pwede ka pang magkaroon ng bagong kaibigan.

 

Read the rest of this entry »

 
 

Leave your comment

 Pagpupugay kay Anita Magsaysay-Ho

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 10th, 2012

 

Sumakabilang-buhay noong isang linggo, ika-apat ng Mayo, ang isa sa pinaka dakilang pintor, modernista, at alagad ng sining sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Si Anita Magsaysay-Ho, na kamag-anak ng dating presidenteng Ramon Magsaysay, ay kilala para sa kanyang mga larawan ng pesanteng Filipina. Ipinagdiwang niya sa kanyang mga kambas ang kababaihan ng bansa na sa kalakhan ay manggagawang dagat at bukid: nagtatahip ng palay, umaani ng prutas at gulay, nagtatali ng tinabas na tubó, nagsusulsi ng lambat at nagtitinda ng sariwang húli, naghahabi ng basket, nagluluto, nagtatanim.

 

 

Malalim ang paghanga ni Magsaysay-Ho sa Filipina. Kahit na makailang beses siyang tumira sa ibang bansa dahil sa negosyo ng kanyang asawa — Hong Kong, US, Brasil, Japan, at Canada — nanatili sa kanyang puso ang kanyang mga kababayan. Naging inspirasyon ang kanilang kilos, pag-uugali, paraan ng pagpapakita ng ligaya at lunggati, kasipagan at kahinaan, ang kanilang pagdiriwang ng buhay. “Batid ko ang lakas, kasipagan, at dignidad ng Filipina, dahil isa ako sa kanila,” ang sabi ni Anita (sa Inggles) kay Alfredo Roces sa librong ‘Pagpupugay sa Kababaihan’ (‘In Praise of Women’).

 

 

Malaki ang papel ni Magsaysay-Ho sa pagdadala ng estetikang modernista sa pagpinta sa Pilipinas. Kasama niya sa listahan ni Victorio Edades ng “13 Modernista ng Pilipinas” sina Galo Ocampo, Botong Francisco, Vicente Manansala, H.R. Ocampo, Cesar Legaspi, Demetrio Diego, Diosdado Lorenzo, Jose Pardo, Ricarte Purugganan, Bonifacio Cristobal, at Arsenion Capili. Sa pamamagitan ng pagsasalarawan niya ng buhay Filipino at pagsasanib ng tradisyunal sa modernista sa sining, nananatiling kayamanan ng bansa ang kanyang iniwang mga likha.

 

Read the rest of this entry »

 
 

Leave your comment

 Let’s Move: bagong pabango mula sa Benetton

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 4th, 2012

 

Kahit anong gawin ko, di ko yata mapipilit ang sarili ko maging sporty. Pero at least, di mahirap mag-amoy presko sa kabila ng init at sari-saring gawain.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

“Let’s Move” ang pangalan ng bagong pabango ng Benetton Man. Panoorin itong backstage video para sa shoot ng ad. Magandang pampagising ang tugtog.

 

 

Nakaka-engganyo ang amoy, na may top notes na bergamot, mandarin, at paminta. Pagkatapos ng sariwang pambungad, lalabas ang mas seryosong cedarwood na didikit sa iyong katawan maghapon na may aali-aligid na amber at vanilla.

 

Sabihin na nating para kang nagbisikleta o tumakbo sandali sa kakahuyan. Di ka man nagbanat ng buto, tulad ko, para kang biglang nabuhayan.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 “Southern Stories” sa Heima, Makati

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 3rd, 2012

 

Dadaan sana ako sa launch ng “Southern Stories” film photography exhibit nina Charles Buenconsejo at Aleyn Comprendio sa Heima Makati nitong huling Sabado, pero syempre meron na naman akong kina-cram kaya kahapon nang umaga lang ako nakadaan.

 

 

Unang beses pa lang ako nakapasok sa Heima (may branch din sa Cubao Expo). Bahagi itong de-papel na ibon at puno sa window display sa Makati.

 

 

“Oh Hi, Summertime” ang pamagat ng kuleksyon ngayon sa Heima, isang home and lifestyle store. Kasama sa kanilang tinda itong sofa na may telang mukha ngang babagay sa kagubatan.

 

 

Ang galíng ng pagkakagawa ng white-on-white na baging at kakahuyan. Naaalala ko tuloy yung iba kong mga art project sa high school na damagan akong nakipagtuos sa gunting at cutter.

 

 

Ang patse-patseng sofa sa likod ng bintana.

 

 

Isang hilera ng madadamot na squirrel.

 

 

Ang galíng ng pulang detalye nitong upuan (tulad ng naunang sofa). Parang handa nang pitasin.

 

 

Heto na tayo sa exhibit. Ito ang display para sa “Southern Stories” na bahagi ng ilang makukulay na desk.

 

 

Ang paborito kong larawan, “Grace” na kuha ni Charles Buenconsejo. (“Sea, Sun and Sky” ang pamagat ng kanyang bahagi ng exhibit.)

Read the rest of this entry »

 
 

Leave your comment

 Avengers: komiks, pelikula, kamiseta

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 27th, 2012

 

Kahit na may tinatapos pang trabaho, siyempre pinanood ko na ang “Avengers” noong Miyerkules pa lang. Maganda ang pelikula, at kahit na medyo mabagal ang simula (oo, kasi halatang Part One pa lang ito), ok ang kinalabasan. Noong nagbabasa pa ako ng komiks, si Thor lang siguro ang sinundan ko sa kanilang lahat. Kahit na di kasing laki ang papel ng kagila-gilalas sa palabas, sulit sa action at sa effects.

 

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Ito ang unang trailer na lumabas.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Na sinundan naman nito. Parang gusto ko tuloy panoorin ulit!

 

 

Di ako bumili ng mga collectible na tumbler ng “Avengers” pero parang gusto ko ng t-shirt galing sa Benetton Kids, lalo na yung pulang Captain America. Sana nga lang meron ding pang gurang.

 

El Bosquejo

 
 

1 comentario

 Pandaigdigang Gabi ng mga Aklat

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 23rd, 2012

 

Maligayang Pandaigdigang Gabi ng mga Aklat! Ang World Book Night ay pagdiriwang ng mga libro at pagmamahal sa pagbasa kung saan ipinamamahagi ng libo-libong volunteer ang kanilang paboritong babasahin sa kanilang sari-sariling mga komunidad. 25 mga pamagat ang pinipili para ilathala sa ilalim ng World Book Night edition. Pipili ang mga kalahok ng isang librong ibabahagi nila sa mga di madalas magbasa o walang access sa mga aklat, tulad ng kapus-palad at mga bilanggo. Pinahahalagahan ng World Book Night di lamang ang pagmamahal sa pagbasa, kundi pati na rin ang papel ng literacy.

 

Dahil hindi pa kasapi ang Pilipinas sa event (kasama ang UK, Ireland, Germany, at US ngayong 2012), ipamamahagi ko na lang ang ilan sa mga paborito kong libro mula sa aking munting aklatan.

 

 

Medyo huli nang nagsimula ang aking hilig sa pagbabasa (syempre bago nito dumaan din ako kay Dr. Seuss, Adarna Books, at sa comics). Sa tula, si Rainer Maria Rilke ang may “kasalanan” at sa nobela naman si Gabriel Garcia Marquez. Naaalala ko pa noong natapos ko sa wakas ang “One Hundred Years of Solitude”: napanganga na lang ako nang ibinaba ko ang libro. Di ko akalain noon na kaya pala ng mga aklat ang ganoong uri ng mahika.

 

 

Mula sa aking pagkawili at pagmamahal sa pagbabasa ng mga tula, sinubukan ko ring magsulat at mag-aral ng mga akda mula sa Pilipinas at sa ibang bansa.

 

Read the rest of this entry »

 
 

Leave your comment