Lace, florals, at python sa Myth

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 8th, 2012

 

Ilang taon nang nasa Greenbelt 5 ang tindahang Myth, isa sa mga Pinoy-only na boutique sa ikalawang palapag ng naturang mall. Kita kagad sa pintuan ang mga pangalan ng mga beterano at baguhang designer na bumubuo sa grupo: sina Randy Ortiz, Chris Diaz, Francis Libiran, Henri Calayag, Jing Monis, Joel Escober, Joey Samson, Louis Claparols, Noel Crisostomo, ProudRace, Robin Tomas, at Xernan Orticio.

 

 

Itong mga bestidang lace ni Joel Escober ang isa sa mga una kong napansin pagpasok ng boutique.

 

 

Imbes na karaniwang itim na kulay ang ginamit, asul ang pinili ni Escober, na kanyang ipinatong sa cream. Asyano ang dating ng burda, malalaki ang kumpol at di kasimpino ng maka-kanluraning dibuho.

 

 

Kapansin-pansin din itong mga floral na polo ni Randy Ortiz para sa Myth. Kagad kong nalala ang kamisang suot ng maglalatik dahil sa pulang polo sa gitna. Oo, kakatapos lang ng panahon ng tag-init sa Pilipinas, ngunit sa palagay ko babagay pa rin ang bulaklaking damit para sa umaga.

 

 

Mga blazer naman ni Ortiz sa matitingkad na kulay at beige, kasama ng floral at paisley na print. Kung medyo nahihiya pa ang mga kalalakihang umagaw ng pansin, ibagay lamang sa maong at khaki: siguradong hindi niyo mamimiss ang tag-init.

 

 

Kaiga-igaya ang shop window ng Myth dahil napapalamutian ng mga kuwintas at sinturon ni Chris Diaz na yari sa sigay (ginagamit sa sungka), semi-precious stones, crystal, at plastic.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Akriliko, kadena, at turnilyo

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 29th, 2012

 

Oo, hindi na bago ang paggamit ng acrylic (at iba pang uri ng resin at plastik) bilang kuwintas, hikaw, pulseras, at singsing. Simula 1980s (at malamang bago pa nito) pa ito nauso at ilang beses na ring bumalik sa uso. Pero nakakita ka na ba ng akrilikong nasa porma ng pakpak, robot, at paruparo?

 

 

Bahagi ng Spring/Summer 2012 collection ng Miadore ang ilang accessories na humuhugot ng inspirasyon mula pa sa sinaunang sibilisasyon ng mga Aztec. May mga kuwintas na mala-Rorschach ang dating, mayroon ding mukhang kuwago, alimango, at maskara. Tutal, sa kalikasan din naman galing ang inspirasyon ng mga Aztec.

 

 

Noong una kong nakita ang collection, naisip ko ring mukha silang mga constellation sa langit − ang mga turnilyo ang kumakatawan sa mga bituin.

 

 

Bahagi din sa mga bagong kuwintas ang ilang mukhang basag-basag na salamin.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Abaca at capiz: Ang henyo ng katutubo

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 13th, 2012

 

Nagsulat na ako dati tungkol sa iba’t ibang klase ng mga katutubong tela sa Pilipinas, ngunit di ko pa nababanggit o naipapakita kung paano sila maaaring gamitin para sa kontemporaneyo at pang-araw-araw na kagamitan. Tingnan halimbawa kung paano nagagawang bag ang tinalac na hinabi mismo ng mga miyembro ng tribong T’boli, at ang abacang tradisyunal na gamit ng mga Mandaya.

 

 

Sinasabi sa akin nina Carmaela Alcantara at ang kanyang nanay na si Mae, ang mga designer ng Crystal Seas, na hinalaw nila mula sa kultura ng mga katutubo sa Mindanao ang disenyo ng kanilang mga likha.

 

 

Batay sa sa tradisyunal na estilo ng embroidery ang pagkakagawa ng mga bag: ang bawat abaloryo (o bead) ay mahigpit na nakatali.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Bala at rosas

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 19th, 2011

 

Na-blog ko na rito dati ang tungkol sa pista ng Itim na Nazareno ng Quiapo. Napag-usapan ko na rin ang mga panindang gulay at isda sa mga kalye ng Quiapo. Ang di ko pa nasasabi, marami ka ring mabibiling rosaryo, medalyon, at iba pang reigious articles sa paligid ng simbahan, sadyang banal man o may halong pagano.

 

 

Ang suot-suot ko rito ay kuwintas na mula sa Sacre collection ng Bosquejo. Galing ang lahat ng mga medalyon, abaloryo (beads), at pati lumang bala sa Quiapo. Noong una ko itong ginawa, sinabihan ako kagad ng nanay ko na baka magalit ang lola ko pag nakita niyang pinaglalaruan ko ang mga santo. (Mahilig siya sa pilgrimage at sa kanya galing ang mga rosaryo namin noong bata kami na may agua bendita galing pa sa Lourdes.)

 

 

Sa akin naman, depende na lang iyon sa tumitingin. Halimbawa na ang kuwintas na ito, na ang pangalan ay “Bullets and Roses”, kung saan umaanino lamang ang mga bala sa sinag ng araw sa heylo ni Marya. Baka kasi isumpa pa ako ng mga di nakauunawa ng makasining na paglalahad, tulad ng nangyari sa likha ni Mideo Cruz sa Cultural Center of the Philippines.

 

Sana lang, makita ng mga tao na iba-iba tayo kaya bukas dapat ang sining sa iba’t ibang interpretasyon: rosas man o bala ang tumama sa kanila.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 The Making ng Bosquejo Hardware 001 Lookbook

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 5th, 2011

 

Sa wakas, nailabas na rin ang lookbook para sa Hardware 001 collection ng aking Bosquejo accessories. “Behind the scenes” sana ang pamagat nitong post pero ginawa ko na lang “The Making” para mas makapagkuwento ako di lamang sa shoot, kundi pati na rin sa konsepto sa likod ng accessories at lookbook.

 

 

Ang una ko talagang naisip para sa Hardware shoot ay ang pelikulang “Constantine” na kinatatampukan ni Keanu Reeves.

 

 

Mala-anghel ang papel ni si Jessica Chiao-han Yang, ang babaeng modelo.

 

 

Sa “Constantine”, pinaka malapit na si Gabriel (Tilda Swinton) na naka puti sa pinaka huling mga eksena.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Tinitch accessories ni Tina San

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 29th, 2011

 

Di ko akalaing may silbi pala ang Friend Suggest ng Facebook. Kung di dahil dun, di ko matitisod ang Tinitch accessories na pagmamay-ari ni Tina San, isang baguhang designer ng makukulay at nakaaaliw na mga kuwintas at bracelet. Agad akong nabighani sa paghahalo niya ng mga materyales at kahit sa pagbigay niya ng mga pangalan sa kanyang mga accessories. Kaya naman, minabuti kong kontakin siya para sa isang maikling panayam.

 

 

Kailan ka nagsimulang mag-design ng accessories? Full-time ka ba dito o part-time lang?

Noong Abril 2011 lang akong nagsimulang mag-design, pagkatapos lumipat ng Maynila galing Davao City. Full-time ko itong ginagawa, sa bahay akong nagtatrabaho. Sapat naman ang aking kinikita para suportahan ang aking sarili. Masaya ako dahil ako ang sarili kong boss.

 

 

Paano ka naman nagsimulang mag-design? May nangumbinse ba sa iyo?

Sa katunayan, ang kaibigan kong si Eica Ong, isang accessory addict, ang nakapagkumbinse sa aking mag-design. Siya ang pinaka una kong customer. Nagustuhan niya ang isang design sa mall pero namahalan siya kaya sinabi kong gagawan ko na lang siya kung siya ang bibili ng materyales. Nagustuhan niya ang kinalabasan at lalo akong na-inspire mag-design at ilako ang mga necklace sa mga kaibigan, hanggang sa umabot online.


(more…)

 
 

Leave your comment

 Behind the scenes: Bosquejo lookbook + FIP video

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 20th, 2011

 

Ito na ang pangalawang behind-the-scenes blog entry ko para sa Benetton (nauna ang para sa Paradigm Shift). Naiiba ito dahil ako mismo ang nag-design at bumuo ng mga accessories para sa pinagsabay na shoot para sa Bosquejo lookbook at FIP Menswear video . (FIP: Fashion Institute of the Philippines)

 

 

Halos isang linggo akong di makatulog bago ang shoot, di lang dahil tinatapos ko pa ang mga kuwintas; syempre, sa kaba, at dahil excited.

 

 

Ito ang kamerang ginamit para sa video.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Miadore x Seven Barretto x Fadal

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 30th, 2011

 

Ang ibig sabihing ng Fadal ay Fashion Designers Alliance Manila. Ang kapisanang Fadal ay kasalukuyang binubuo nina: Jaz Cerezo, Levenson Rodriguez, Lizanne Cua, Gerswin Qua, Cheetah Rivera, Karl Leuterio, Mike Magallanes, Ulysses King, Jilla Sara, Noelle Llave, Nico Agustin, Dave Ocampo, Mark Tamayo, Cherry Veric, at Clint Catalan.

 

 

Kagabi lang ay nagdaos ng event ang mga designer ng Fadal sa Bonifacio High Street na nagpatampok sa Miadore, mga accessories ni Yekky Balingit, at ang photography ni Seven Barretto.

 

 

 

Sa bawat photo ni Seven, ibinabagay ang mga kuwintas, brooch, at iba pang alahas sa mga likha ng mga designer ng Fadal.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Buto-butong accessories ng OS

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 26th, 2011

 

Ilang buwan lang mula sa launch ng OS accessories, walang isang araw sa Philippine Fashion Week na di mo matatagpuan ang kanilang mga likhang suot-suot ng mga fasyonistang nakaupo man sa front row o sa pinaka likod ng audience.

 

 

Kapansin-pansin ang mga kuwintas ng OS, na ang ibig sabihin ay “buto” sa salitang Latin. Para sa magkakaibigang Paul Jatayna, AJ Omandac, at Kat Medina (mga may-ari ng OS), may sariling ganda ang hugis at hubog ng natural na butong nakita kahit ng ating mga ninunong matagal nang nagsusuot ng mga ito bilang palamuti. Ang sumusunod ay isang maikling panayam na nagkukuwento kung paano nagsimula ang kanilang lumalagong negosyo.

 

“Vertebrae” at “Scapula”

 

Paano nagsimula ang OS? Matagal na ba kayong magkakakilala?

Nabuo ang ideya ng OS nung pumunta kami ng Baguio. Sa Session Road, marami kaming nakitang tribal jewelry na yari sa buto na binagay sa suot-suot na metal chains ng mga katutubo. Bigla naming naisip na akmang-akma ang pagsasama ng dalawa! Pagkatapos ng isang buwan, bumalik kami at binili ang mga buto at iyon na nga ang simula ng OS.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 The world’s largest shoes

by United Blogs of Benetton on: Julio 2nd, 2010

The world’s largest shoes, recognized by the Guinness Book World of Records, are 5.29 meters long, 2.37 meters wide, and 1.83 meters high, and could hold 30 pairs of normal-sized feet.

The gigantic pair can be found in Marikina City, the shoe capital of the Philippines found northeast of the Manila metropolitan area. It took 77 days in 2002 to build them, using enough material to make 250 regular pairs.

The city also houses the Shoe Museum, which exhibits part of the infamous shoe collection of former First Lady Imelda Marcos, together with shoes of world leaders, past presidents, famous celebrities, and other notable personages. It is said to be the largest gathering of shoes from around the world.

One would expect, with all the attention paid to footwear, that the Philippines, or Marikina City for that matter, would be a formidable center for the shoe industry. Alas, the local industry has long been struggling and has been declared to be in its death throes.

So it is certainly good news to learn that there are still some local shoe houses that are alive and kicking. One such venture is Figura shoes, which has a factory of workers in Tanon, Marikina and uses good-quality local materials.

Ali Figueroa, Figura’s proprietor, has told me that it hasn’t been easy, but based on his stories about his trips to the south where he has gathered inspiration from fabrics and jewelry for footwear, it seems Figura is up to its task to start reconfiguring the local shoe industry.

El Bosquejo

 
 

Leave your comment