Ang banal at makamundo ayon kay Joyce Makitalo

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 20th, 2011

 

Naging malaking inspirasyon para kay Joyce Makitalo ang mga kayamanan at mamahaling kagamitan sa Kremlin para sa kanyang pinaka bagong koleksyong pinamagatang “Non-Saint”.

 

 

Isinalin niya ang kanyang pagkamangha para sa karangyaan ng mga taga-simbahan at gumawa siya ng mga kuwintas, singsing, clutch, at kalis para sa karaniwang tao.

 

 

Bahagi ng estetika ni Joyce, na isang pintor at graphic artist, ang paghahalo ng malalaking bato sa tela at sa tansong tinubog sa ginto.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Balik sa cartoons at comics

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 5th, 2011

 

Sa dagat ng stripes, plaid, paisley, at kahit na ng polka dots, madaling magsawa sa damit na animo’y walang buhay, sa outfit na, kumbaga sa buhok, ay matamlay at bagsak.

 

 

Naghahanap tayo di lang ng mas matitingkad na kulay, kundi ng kaunting humor at personality. Kaunting katuwaang maiintindihan kahit ng bata – o ng mga child-at-heart. Buti na lang at madaling balingan ang illustration at graphic design para sa ganitong pangangailangan.

 

 

Sino ba namang hindi makakaalala ng kinalakhang cartoons sa TV o mga tauhan sa comics, na lumabas rin sa mga coloring book, lunch box, damit, at kung ano-ano pang gamit. O ng mga karakter mula sa mga alamat at fairy tale. Sa palagay ko, ito ang dahilan kung bakit laging may bahagi nating natutuwa o nagagalak sa tuwing binabalikan natin sila.

 

 

O sinusuot kahit na sa pagtanda, maging sa kamiseta, sa kurbata, at minsan kahit na sa kapote. Kaya naman laging uso ang cartoons at comics. Di lang dahil paborito sila ng kabataan, balon rin sila ng nostalgia.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Alien Natives sa Vinyl on Vinyl

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 30th, 2011

 

Ito ang makikita sa loob ng salamin ng Vinyl on Vinyl sa The Collective: isang nakangangang mamamatay-panda.

 

 

May exhibit doon ngayon ang Angry Woebots at si Dee Jae Pa’Este, dalawang Pinoy na artist na ngayo’y nakatira na sa US. Matatawag silang “aliens” dahil sa ibang bansa sila naninirahan, o mga native na nagbalik.

 

 

Pero kita sa poster na maaari ring maging alien ang katutubo. Ang panda na galing sa kalikasan ay maaaring magmukhang halimaw.

 

 

Ang mga taong-tribo ay maaaring magmukhang tunay na kakaiba dahil sa kanilang pagiging exotiko.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Iba’t ibang daigdig ng Manga sa Ayala Museum

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 23rd, 2011

 

Kita kagad sa tarpolin sa labas ng Ayala Museum ang mga pangalan ng artist na kasama sa exhibitiong “Manga Realities”: sina Anno Moyoco ng “Sugar Sugar Rune”, Asano Inio ng “Solanin”, Igarashi Daisuke ng “Children of the Sea”, Kyo Machiko ng “Sennen Gaho”. Wakaki Tamiki ng “The World God Only Knows”, Harold Sakuishi ng “Beck”, Matsumoto Taiyo ng “No. 5″, at Kuramochi Fusako ng “Five Minutes from the Station”.

Aamining kong ngayon ko lang narinig ang mga pangalan nila, kahit na ang mga pamagat ng libro. Sa mga likha pa lang ni Hayao Miyazaki tulad ng “Nausicaä of the Valley of the Wind” ako lubusang na-eexpose (o sige, pati na rin “Death Note”). Pero dahil sa exhibit, gusto kong hanapin ang ilan sa mga graphic novel para masiyasat ang kuwento sa likod ng interesanteng mga tagaganap.

Isinama ko na sa mga larawan sa ibaba ang mga intro para sa mga artist at graphic novel para di ko na kailangang ipaliwanag nang mas mahaba. Hanggang October 2 ang exhibit. Sana makadalo rin kayo!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Michael Cacnio x Lego sa Greenbelt 5, Makati

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 22nd, 2011

 

Nakita na natin ang mga eskultura ni Michael Cacnio noong huling ManilART exhibit, kung saan pinaghalo niya ang tanso at salamin.  Ngayon naman, nakipag-collaboration siya sa Lego, isang kumpanya ng laruan para muling magbigay-buhay sa mga pang-araw-araw na eksensa nating mga Pinoy.

 

 

Sino sa ating lumaki sa paglalaro ng buli-bulinggit na Lego ang makakalimot kung paano tayo nakabuo ng mga bahay, kotse, at iba pang gamit mula sa ating imahinasyon? (“Inspiration”)

 

 

Naaalala ko pang hila-hila ang kapatid kong babae sa luma naming Radio Flyer wagon.

 

 

 

 

Kaya lang di kami close ng kuya ko kaya wala kaming ganito.

 

 

Isa sa mga pinaka nakakaaliw sa exhibit. Kulang na lang ito ang pamagat: “Patayin sa Sindak si Bantay”.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Batang gubat

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 2nd, 2011

 

Ito na yata ang pinaka kataka-takang estatwang nakita ko sa ManilART exhibit.

 

 

Mula sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang binata, may simisilip at lumalabas na mga ibon.

 

 

May palaka.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang eskulturang salamin ni Ramon Orlina

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 1st, 2011

 

Sa unang tinging, ang nakita ko dito sa eskultura ni Ramon Orlina ay isang ina at ang kanyang sanggol, “Mother and Child” kumbaga, ngunit ang pamagat niya ay hindi nauukol: “Passive Multiplayer Online”.

 

 

Bakit kaya iyon ang tawag sa piyesa? Dahil kaya nagbabago ang itsura ng salamin kapag mula sa ibang punto-de-bista ka tumitingin? Tingnan mo kung paano nagbabago ang kulay, kung paano kumukinang ang liwanag na tila sa tubig, o bahaghari.

 

 

Mula pino, nagiging magasapang ang salamin.

 

 

Mabuti ay panooring itong maikling video para makita ang eskultura mula harap hanggang gilig at likod.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang pambihirang eskultura ni Gabriel Barredo

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 30th, 2011

 

Sa unang tingin sa larawang ito ang makikita mo ay puno at bilog-bilog na salamin, mga mukha sa katawan ng puno.

 

 

Paglapit, animo’y ahas ang mga sangang pumapalibot sa mga lente.

 

 

Ngunit makikita mo lamang ang henyo ni Gabriel Barredo kapag napanood mo na itong video: dahil gumagalaw ang kanyang eskultura. (Pagpasensiyahan niyo na. Ngayon pa lang ako nakakuha ng video sa tanang buhay ko. Bahagi itong dalawang eskultura sa katatapos lang na ManilART.)

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang sining ng pang-araw-araw ni Michael Cacnio

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 29th, 2011

 

Buti na lang at nakaabot ako sa huling araw ng ikatlong ManilART sa NBC Tent sa Fort Bonifacio. Ang ManilART ang taunang art fair sa Metro Manila. Sa dami ng magagandang larawan at eskulturang aking nakita, napagdesisyunan kong gawing installment ang pag-post sa kanila para higit nating mapag-usapan ang mga likha.

 

 

Uunahin ko ang mga eskulturang yari sa tanso at salamin ni Michael Cacnio. Nakakaaliw tingnan ang pino ng detalye nitong unang piyesa: ang isa-isang niyaring dahon, ang kulubot ng puno at ugat.

 

 

Sa website ni Michael Cacnio, nahihiwalay sa mahigit siyam na tema ang kanyang mga eskultura: balloons, interaction, mother and child, father and son, children at play, vendor series, horses, eclectic, nature’s bounty, atbp.

 

 

Buhay na buhay ang pagkakagawa ng eksena: ang batang lumalambitin mula sa kamay ng kanyang ama. Halos asahan mong magpapatuloy sa pag-ikot ang kanyang katawan.

 

 

Sa kanyang balloons series, ipinaghahalo niya ang salamin sa tanso. (Pasok din ata ito sa vendors series.)

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang Tao at ang Dagat

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 8th, 2011

 

Minsan, pag tumitig ka sa dalampasigan, parang tumitigil ang lahat. Tinatangay ng mga alon anuman ang iyong iniisip at ibinabalik itong kumikinang sa buhangin, bago muling bawiin. Wala kang matatapos na pangungusap. Wala kang magagawa kundi tumahimik hanggang magsanib ang iyong hininga sa agos ng alon, ang iyong pulso sa lukso ng tubig.

 

 

Tumitig ka sa kadulu-duluhan ng dagat at lulutang ang iyong puso tulad ng bangkang may sagwan man ay madadala at madadala sa lugar na ang karagatan lamang ang nakakaalam. Ano bang meron sa dagat at lagi natin itong binabalik-balikan?

 

 

Gaano kaiba ang daloy ng buhay ng mga nakatira sa tabi ng dagat? Ng mga pamilya ng mangingisda na umaasa sa kanyang mga biyaya?

 

(more…)

 
 

Leave your comment