Pandaigdigang Gabi ng mga Aklat

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 23rd, 2012

 

Maligayang Pandaigdigang Gabi ng mga Aklat! Ang World Book Night ay pagdiriwang ng mga libro at pagmamahal sa pagbasa kung saan ipinamamahagi ng libo-libong volunteer ang kanilang paboritong babasahin sa kanilang sari-sariling mga komunidad. 25 mga pamagat ang pinipili para ilathala sa ilalim ng World Book Night edition. Pipili ang mga kalahok ng isang librong ibabahagi nila sa mga di madalas magbasa o walang access sa mga aklat, tulad ng kapus-palad at mga bilanggo. Pinahahalagahan ng World Book Night di lamang ang pagmamahal sa pagbasa, kundi pati na rin ang papel ng literacy.

 

Dahil hindi pa kasapi ang Pilipinas sa event (kasama ang UK, Ireland, Germany, at US ngayong 2012), ipamamahagi ko na lang ang ilan sa mga paborito kong libro mula sa aking munting aklatan.

 

 

Medyo huli nang nagsimula ang aking hilig sa pagbabasa (syempre bago nito dumaan din ako kay Dr. Seuss, Adarna Books, at sa comics). Sa tula, si Rainer Maria Rilke ang may “kasalanan” at sa nobela naman si Gabriel Garcia Marquez. Naaalala ko pa noong natapos ko sa wakas ang “One Hundred Years of Solitude”: napanganga na lang ako nang ibinaba ko ang libro. Di ko akalain noon na kaya pala ng mga aklat ang ganoong uri ng mahika.

 

 

Mula sa aking pagkawili at pagmamahal sa pagbabasa ng mga tula, sinubukan ko ring magsulat at mag-aral ng mga akda mula sa Pilipinas at sa ibang bansa.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang nilalaman ng aking Benetton tote

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 19th, 2012

 

Sa mga nakakakilala sa akin, alam nilang lagi akong maraming dala. Hindi sasapat sa aking mga gamit ang iisang bag: madalas dalawa ang nakasabit sa aking katawan, minsan pa’y umaabot ng tatlo. At dahil mahilig akong mag-cram, lagi kong hawak ang aking cellphone. Kundi ako nagsusulat ng email, tinitingnan ko ang aking schedule o may tinatapos akong tula o blog post. Kaya naman nasanay na akong nakasabit lang sa balikat ang bag — tote madalas ang ikalawa — para malaya ang aking mga kamay.

 

Anong nilalaman ng aking tote? Madalas mga libro, mga paboritong magazine, minsan may kuwaderno. Para mas madali ang buhay, dala ko minsan ang aking point-and-shoot imbes na ang mas mabigat na DSLR. Kaya tamang-tama lang itong mesh tote ng Benetton na naaayon sa tag-init ang mga kulay. (Andyan lamang ang belt kasi kakulay niya ang tote.)

 

 

Kasama rin minsan sa aking kalat ang aking cellphone, lalo na kapag siksikan sa dyip at ang hirap ibalik sa bulsa. Diba ang cute ng bagong two-tone na lalagyan galing din sa Benetton? Kasyang-kasya ang iPhone.

 

Bakit kamo kailangan ko laging bitbit ang napakaraming babasahin? Dahil ayaw ko magsayang ng oras. Di ko gustong nababagot, lalo na sa mga di inaasahang pagkakataon na kailangan kong maghintay — kahit na madalas di rin ako nakakabasa dahil lagi akong may iniisip o mayroon na namang nakaagaw ng aking pansin.

 

El Bosquejo

 
 

1 comentario

 Ang Ilustrador ng Kabataan: 20 taon

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 1st, 2012

 

Mahigit isang dekada rin akong hindi nakababasa ng mga aklat na pambata. Itong mga huling taon lamang ako muling nakabulatlat ng mga kuwetong kinalakhan at kinagiliwan  – dahil minabuti kong aklat ang iregalo sa mga batang pamangkin. Ngunit sa Ayala Museum ko lamang muling nakita ang marami sa mga kuwentong, sa kasawiang palad, ay matagal nang out of print.

 

 

Sa eksibit na pinamagatang “Ilustrador ng Kabataan: 20 Taon”, muli kong sinariwa ang mga librong ikinukuwento pa sa aming magkakapatid ng aming ina (noo’y “Nanay” na naging “Mommy”) at pagkaraa’y paulit-ulit naming binabasa hanggang maluray ang mga pahina at matanggal ang mga pabalat.

 

 

Di lamang ang original na mga painting ang nakapaskil; maraming mga tauhan mula sa mga aklat ang nabigyang buhay sa pamamagitan ng styrofoam at paper cutouts.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang ika-33 na Manila International Book Fair

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 19th, 2011

 

Nilusong namin ang ulan at ang dala nitong trapik noong Sabado para makadalo sa 33rd Manila International Book Fair. Sa Exhibit Hall 1-4 ng SMX Convention Center ng Mall of Asia ginanap ang book fair.

 

 

Pagpasok na pagpasok, halos malula kami sa dami ng booth at pasilyo. Hindi isang klase lang ng aklat ang ibinibenta: bukod sa mga nobela at tula, marami ring aklat pambata, mga reference books, mga libro ng mga religious, at ang pinaka marami sa lahat ay reference books para sa iba’t ibang klase ng disiplina. Di sorpresa na pinaka marami sa mga dumalo ay mag-aaral.

 

 

May espesyal ring mga booth para sa Filipiniana: mga aklat tungkol sa ating sining, pagkain, kasaysayan, atbp.

 

 

Pinaka matagal kami sa booth ng UST Publishing House dahil may book signing.

 

 

Andun premyadong musikero, emcee, makata, at peryodistang si Lourd de Veyra para mag-autograph ng kanyang dalawang bagong libro: ang “Insectissimo”, mga tula; at ang “Super Panalo Sounds!”, ang kanyang unang nobela.

 

(more…)

 
 

Leave your comment