Pelikula: ang ika-10 Spanish Film Festival sa Manila

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 7th, 2011
Imagen de previsualización de YouTube

 

“Bíutiful” ni Alejandro González Iñárritu

 

Panahon na naman para sa “Pelikula”, ang taunang Spanish Film Festival sa Maynila (Oktubre 5-16). Sa unang tingin sa schedule, mukhang maraming magagandang palabas na nakahain. Nariyan ang matagal ko nang inaabangang “Bíutiful” ni Alejandro González Iñárritu at kinatatampukan ni Javier Bardem at ang “El Secreto de sus ojos” ni Juan José Campanella na nanalo ng Best Foreign Language Film sa 2009 Oscars.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

“El Secreto de sus ojos” ni Juan José Campanella

 

Maganda ang halo ng mga pelikula: mayroong todo drama (ang mga nabanggit, pati na rin ang “Yo, también”), mayroong suspense/thriller (“Enterrado” at “La zona”), at syempre, makakaligtaan ba ang romance/comedy (“Fuera de carta”). Gusto ko ring makita ang animated feature na “Chico & Rita” na nanalo ng Best Animated Film sa 2011 Goya Awards.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

“Enterrado” ni Rodrigo Cortés

 

Eto ang aking maikling listahan ng pipilahan. Sana mapanood ko sila lahat, kahit na napanood ko na ang iba (“Fuera de carta”, “Mar Adentro”, at “La vida secreta de las palabras”). Kitakits sa Greenbelt 3.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ilang trailer mula sa Cinemalaya 2011

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 22nd, 2011

Busong

 

Hindi ako makakuha ng magandang tsempo sa panonood ng mga pelikula sa Cinemalaya 2011. Ang hirap kasi ng iskedyul sa Greenbelt at di kasing daling puntahan ang CCP. Yan ang aking mga dahilan sa di pagpanood hanggang sa nabasa ko ang ilang review at napasadahan ang maraming mga trailer.

 

Rakenrol

 

Ngayon gusto nang panoorin halos silang lahat, lalo na ang sumusunod: “Busong” ni Auraeus Solito, “Rakenrol” ni Quark Henares, “Teoriya” ni Zurich Chan, “Niño” ni Loy Arcenas, “Ang Babae sa Septic Tank” ni Marlon Rivera, “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” ni Alvin Yapan, at “Maskara” ni Laurice Guillen. Kinalap ko rito ang ilan sa mga trailer bago tumuloy sa UP para panoorin ang mga natira sa iskedyul.

 

Imagen de previsualización de YouTube

Teoriya

 

Ikaw, alin na ang napanood mo? Nagustuhan? Meron ka na bang siguradong di malilimutan?

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Eiga Sai 2011

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 12th, 2011

 

Kakatapos lang ipalabas ang Eiga Sai o Japanese film festival sa Shangri-La Plaza ngayong Linggo. Taunang nagaganap ang Eiga Sai at lumilipat mula sa Shang (July 1-10) papuntang Davao (Gaisano Saouth Mall, July 22-24) at Cebu (Ayala Center, August 2-7)  bago bumalik sa Maynila sa UP Film Institute (August 17-20). Kahit tatlo lang ang napanood ko, nagustuhan ko sila lahat.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Pinaka maganda na siguro sa kanila ang “Departures”, na nanalo ng 2009 Academy Award for Best Foreign Language Film. Tungkol siya sa isang tagatugtog ng cello na napilitang umuwi sa kanila matapos isara ang kanilang orkestra. Di niya akalain na magiging magaling siya sa kanyang papasukang trabaho.

 

 

Mahirap pigilang lumuha sa ilan sa mga eksena, lalo na’t tungkol sila sa huling pamamaalam sa ating mga mahal sa buhay. Ang maganda sa “Departures”, hinaluan ng pelikula ng comedy ang napaka seryosong paksa, kaya nakaka-engganyong panoorin; nagiging personal ang kuwento ng palabas.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ika-16 na French Film Festival sa Manila

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 8th, 2011

 

Nasa kolehiyo pa yata ako nung una akong nanood ng mga palabas sa French Film Festival. Doon ko yata unang nakita sa pelikula sina Gérard Depardieu at Catherine Deneuve, napanood ang mga likha ni François Ozon. Ngayo’y (bukas na!) panahon na muli para magbabad sa French films.

 

 

Kasama sa mga palabas ang “l’Autre” na tungkol sa paghihiwalay ng dalawang magkasintahan. Ang pagpasok sa buhay ng isa pang babae ang mag-uudyok kay Anne-Marie na halos mabaliw sa selos. Ang “Le Marquis” naman ay tungkol sa isang Pranses na salesman na nabilanggo sa Pilipinas at nagkunwaring siya ang matagal nang hinahanap na “Le Marquis”, isang mautak na magnanakaw.

 

 

Nakatuon ang pansin ng “Dernier des fous” sa bakasyon ni Martin, isang 11-taong-gulang na bata na galing sa isang magulo at watak-watak na pamilya. Ang “La Cérémonie” naman ay tungkol kay Sophie at Jeanne, na may pisikal at mental na kapansanan, at kung paano sila magrerebelde sa mga amo ni Sophie.

(more…)

 
 

Leave your comment