Kasiyahan ayon sa Colors magazine

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 1st, 2012

 

Ano ba talaga ang tunay na nagpapasaya sa atin? Ito ang pambungad na tanong sa bagong issue ng Colors magazine. Karugtong siguro nito: ano ang nagpapabangon sa atin sa umaga, ano ang nagpapagaan ng ating loob, ano ang ating kakapitan kahit na saksakan na ng hirap? (Di lang basta saging ang nagpapagaan ng ating damdamin…)

 

 

Bahagi ng nilalaman ng issue ang ilang sanaysay tungkol sa pag-ibig, sa tamang pag-iisip, sa paghahanap ng kahulugan sa buhay, at pagsuri sa ugat ng ating mga problema.

 

 

Nasa lugar ba ang paghanap ng kasiyahan? Nasa materyal na bagay ba o sa pagmamay-ari?

 

 

Sa unang tingin, sa palagay niyo ba ay masaya ang mga batang itong may hawak ng kahoy sa hugis ng mga baril?

 

 

Mas masaya ba sa siyudad o sa kabundukan? Sa pagtrabaho buong araw sa opisina o sa pagkayod sa taniman? Ganun ba kasimple ang pagtanong at pagsagot?

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Pulampula sa tag-init

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 16th, 2012

 

Ito na siguro ang pinaka malapit na kaya ko sa Tangerine Tango, ang kulay ng 2012 ayon sa Pantone na di talaga bagay sa akin (ilang beses na akong sumukat ng damit). Hanggang kalawanging pula at Nantucket red lang ang babagay sa akin. Kaya naman, minabuti kong papulahin talaga ang aking outfit: pula sa pula!

 

 

Kulay pula (at dilaw) ang apoy. Siguro pula rin ang kulay ng tag-init ngayon sa Maynila na isa na siguro sa pinaka mainit na inabot nitong panahon sa siyudad. Kita niyo naman na matapos lamang ng ilang kuha ay nagsimula na akong pagpawisan.

Ginto naman ang aking ibinagay sa pula para mabuo ang larawan ng apoy.

 

 

Chestnut brown na belt at sandalyas ang ibinagay ko sa pula at ginto: larawan ng nilulutong kastanyas tuwing Pasko at malamig!

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Benetton sa Pinterest

by Be-Blogger Pilipinas on: Marzo 2nd, 2012

 

Sa wakas, nagbukas na rin ako ng sarili kong Pinterest account. Dati rati, pinapadala ko lang sa sarili kong email ang mga gusto kong itagong mga larawan, o nirereblog sa aking Tumblr account. Bago lang akong nakumbinsing mas madaling gamitin ang Pinterest para sa pagkalap ng favorite pics. Sa ngayon, halos wala pang laman ang aking account.

Syempre, isa sa mga una kong finollow ang Benetton sa Pinterest. Sa kanilang page, kita sa isang sulyap ang lahat ng bago nilang campaign, pati na rin ang ilan sa mga lumabas noon pang 1980s.

 

 

Halimbawa, makikita ang bagong Spring/Summer 2012 campaign ng Benetton.

 

 

Itong dalawa ang paborito kong larawan.

 

 

Naaliw din ako dahil unang beses ko pa lang nakita ang bagong campaign para sa kanilang kid collection.

 

 

Trench at pea coat para sa inyong chikiting?

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Pink para sa gray ng tag-ulan

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 21st, 2011

 

Habang sinusulat ko ito, may paparating na isa na namang bagyo sa Maynila. Tutal, Hunyo na naman at tag-ulan na talaga. Laging maulap at madilim ang paligid, malamig kaya nakakatamad at nakakaantok.

 

 

Para sa akin, umaangkop dapat ang pagdadamit ng isang tao di lang sa panahon, kundi syempre pati sa kanyang personalidad at nararamdaman sa araw na iyon. Kaya ako natutuwa pag nakakakita ako ng kulay pink kahalo ng gray: ibig sabihin, kahit maulan at malamig, hindi imposible maging masayahin.

 

 

Minsan ang daling magsuot ng head-to-toe na itim pag madilim, pero bakit mo pipigilang ngumiti pati ang iyong suot kung iyon naman ang iyong nararamdaman?

(Salamat ulit kay Louie at Sara sa pagpapaunlak!)

 

El Bosquejo

 

 

 
 

Leave your comment