Mga maluwalhating lampara ni Daniel Latorre Cruz

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 13th, 2012

 

Tulad ng sa karamihan ng aking pamamasyal, aksidente lamang ang aking pagtisod sa mga likha ni Daniel Latorre Cruz. Hinahanap ko ang Heima sa LRI Design Plaza sa Makati, pero maaga sila nagsara dahil sa event nila sa Cubao. Buti na lang at may TRANS:CULTURE exhibit pala sa LRI kaya di nasayang ang aking pagpunta. Ang TRANS:CULTURE ay bahagi ng pagdiriwang ng LRI ng kanilang ika-walong anibersaryo. Ang iba pang kasama ni Cruz sa exhibit: Wataru Sakuma, Martha Cech, Stanley Ruiz, at Jinggoy Buensuceso.

 

 

Si Cruz mismo ang gumawa sa papel ng mga “pakpak” ng lamparang nagbabago ang hitsura kapag nakabukas o nakapatay ang ilaw. Mas malinaw ang pagiging iskultura ng mga lampshade kapag nakapatay; kapag nakabukas naman, malaki ang pagbabago sa mood ng isang kuwarto dahil sa paglusot at bahagyang pagtagos ng liwanag sa mga papel.

 

 

Mula sa mga mito ang mga pangalan ng mga lampshade: “Icarus” at “Winged Victory of Samothrace” ang dalawang halimbawa.

 

 

Para sa akin naman, di ko maiwasan maisip ang mga likhang larawan ni William Blake at ang mga aklat ni Dante Alighieri tungkol sa langit at impyerno.

 

 

Sumilip ka sa loob ng lampshade at maiisip mo rin ang tunaw na batong dahan-dahang iniluluwa ng bulkan.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Alien Natives sa Vinyl on Vinyl

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 30th, 2011

 

Ito ang makikita sa loob ng salamin ng Vinyl on Vinyl sa The Collective: isang nakangangang mamamatay-panda.

 

 

May exhibit doon ngayon ang Angry Woebots at si Dee Jae Pa’Este, dalawang Pinoy na artist na ngayo’y nakatira na sa US. Matatawag silang “aliens” dahil sa ibang bansa sila naninirahan, o mga native na nagbalik.

 

 

Pero kita sa poster na maaari ring maging alien ang katutubo. Ang panda na galing sa kalikasan ay maaaring magmukhang halimaw.

 

 

Ang mga taong-tribo ay maaaring magmukhang tunay na kakaiba dahil sa kanilang pagiging exotiko.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Muebles na karton mula sa Dekahon

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 26th, 2011

 

Di ko pa rin natityempuhang bukas ang Dekahon, isang tindahan sa The Collective sa Malugay Street, Makati na nagbebenta ng muebles at kagamitang yari sa karton. Tuwing pupunta ako nang hapon, kundi wala ang may-ari, naaagahan pa siyang magbukas. Buti na lang at nitong huling Sabado maliwanag naman ang hapon at makakasilip sa salamin ng tindahan para makita kung anong nasa loob. (At buti na lang, maraming larawan sa website ng Dekahon.)

 

 

Pansinin ang telang ginamit para sa pintuan at ang materyal para sa lampara.

 

 

Ang una kong napansin sa loob ang mga nakabitin na lampara sa kisame, lahat pinalilibutan ng karton.

 

 

Parang kalabasa o batingaw itong isa.

 

 

Ito ang tinatawag na “Secretary”, isang desk na maraming drawer para sa kung sinumang maraming gamit at abubot.

 

(more…)

 
 

1 comentario

 Limang artist para sa Artwork 5×5

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 14th, 2011

 

Kasalukuyang nasa Trinoma Mall ang booth ng Artwork 5×5, isang collaboration sa pagitan ng Artwork, isang retail brand, at ng limang artist (graphic designer, musikero, photographer, atbp).

 

 

Di ko akalaing 18 taon na pala ang Artwork. Nagsimula ito bilang t-shirt manufacturer na gumagamit ng silk-screen printing. Nakahiligan na ng mga customer ng Artwork, karamihan ay teenager, ang style ng kanyang mga design: mapaglaro, sariwa, at may mensahe.

 

 

Nakatulong sa paglago ng Artwork ang taunang pa-contest nito sa t-shirt design. Para ipagdiwang ang ika-limang taon ng contest, nag-imbita ang Artwork ng limang artist (kaya 5x) para ma-engganyo ang mga gustong sumali.

 

 

Ito ang official poster ng t-shirt design competition.

 

 

Ang mga artist sa collaboration: AJ Dimarucot, Everywhere We Shoot, JP Cuison, Nick Automatic, at UP Pharma Down.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Design Talks kapanayam si AJ Dimarucot

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 8th, 2011

 

Nahuli ako nang kaunti pero buti nakahabol ako sa Design Talks series ng Ayala Museum, kung saan nagbigay ng lecture si AJ Dimarucot, isa sa pinaka prolific na illustrator sa Pilipinas ngayon.

 

 

Tulad ng talk ni Dan Matutina sa Graphika Manila, parang nagkukuwento lang si AJ. Sinimulan niya ang salaysay sa kanyang unang collaboration para mabuo ang groupong (tambalang) Collision Theory.

 

 

Ay mali. Nagsimula pala ang talk niya sa kuwento ng pag-design ng mga website nung nasa paaralan pa lang siya. May nasabi yata siya tungkol sa isang (sarkastikong) Erap appreciation site. Eto silang dalawa sa Collision Theory na gumuguhit sa mga mga balibayan box.

 

 

Graffiti.

 

 

Set (store?) design para sa isang US shoe and apparel company.

 

 

Dito naman, ikunukuwento ni AJ ang kanyang hilig sa mga pattern.

 

 

Kung paano niya inilalapat ang mga disenyo sa karaniwang kagamitan, tulad ng unan.

 

 

Sa yugtong ito, dumating ang usapan sa pag-aasawa at sa pagpapalaki ng pamilya. Halata namang mahilig magbiro si AJ, kahit na pinag-usapan na ang pangangailangang magpundar para sa kinabukasan. Mula sa trabaho sa ahensiya, napagdesisyunan nina AJ at Audrey (ang kanyang butihin at mas matangkad na asawa) na mas maigi kung magsikap si AJ sa kanyang sarili.

 

(more…)

 
 

Leave your comment