Lace, florals, at python sa Myth

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 8th, 2012

 

Ilang taon nang nasa Greenbelt 5 ang tindahang Myth, isa sa mga Pinoy-only na boutique sa ikalawang palapag ng naturang mall. Kita kagad sa pintuan ang mga pangalan ng mga beterano at baguhang designer na bumubuo sa grupo: sina Randy Ortiz, Chris Diaz, Francis Libiran, Henri Calayag, Jing Monis, Joel Escober, Joey Samson, Louis Claparols, Noel Crisostomo, ProudRace, Robin Tomas, at Xernan Orticio.

 

 

Itong mga bestidang lace ni Joel Escober ang isa sa mga una kong napansin pagpasok ng boutique.

 

 

Imbes na karaniwang itim na kulay ang ginamit, asul ang pinili ni Escober, na kanyang ipinatong sa cream. Asyano ang dating ng burda, malalaki ang kumpol at di kasimpino ng maka-kanluraning dibuho.

 

 

Kapansin-pansin din itong mga floral na polo ni Randy Ortiz para sa Myth. Kagad kong nalala ang kamisang suot ng maglalatik dahil sa pulang polo sa gitna. Oo, kakatapos lang ng panahon ng tag-init sa Pilipinas, ngunit sa palagay ko babagay pa rin ang bulaklaking damit para sa umaga.

 

 

Mga blazer naman ni Ortiz sa matitingkad na kulay at beige, kasama ng floral at paisley na print. Kung medyo nahihiya pa ang mga kalalakihang umagaw ng pansin, ibagay lamang sa maong at khaki: siguradong hindi niyo mamimiss ang tag-init.

 

 

Kaiga-igaya ang shop window ng Myth dahil napapalamutian ng mga kuwintas at sinturon ni Chris Diaz na yari sa sigay (ginagamit sa sungka), semi-precious stones, crystal, at plastic.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Isang hapon sa atelier ng Gold Dot

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 20th, 2011

 

Matagal ko nang gusto magpagawa ng sapatos, ang tatawaging “bespoke”. Nung sabado lang talaga ako nagkaroon ng oras at panahaon kaya naman minarapat kong bisitahin ang atelier ng Gold Dot, isang local shoe company, kahit na may kalayuuan sa Makati (sa may Congressional Avenue sa Quezon City).

 

 

Ang pangunahing dahilan ay magpagawa ng creepers. Suot ko dito ang prototype ng Gold Dot para sa uri ng sapatos na patag ang takong (para naman tumangkad ako kahit kaunti). Gawa ito sa pony hair, na may kasamang leather strap at metal buckle. Hihintayin ko dumating ang itim na version.

 

 

Pinakita sa akin ni Ally Duazo, ang designer at may-ari ng Gold Dot, ang kanyang leather swatches, para makapili ako sakaling ibang materyal ang gusto kong gamitin.

 

 

Kita rito ang iba pang kulay ng pony hair.

 

 

Ito naman ang “moodboard” ni Ally, kung saan ipinapaskil niya ang mga sketch ng kanyang mga design at ang pinaghuhugutan niya ng inspirasyon.

 

 

Ito ang ilan sa mga naipagawa na at naibenta sa mga customer.

 

(more…)

 
 

1 comentario

 Tinitch accessories ni Tina San

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 29th, 2011

 

Di ko akalaing may silbi pala ang Friend Suggest ng Facebook. Kung di dahil dun, di ko matitisod ang Tinitch accessories na pagmamay-ari ni Tina San, isang baguhang designer ng makukulay at nakaaaliw na mga kuwintas at bracelet. Agad akong nabighani sa paghahalo niya ng mga materyales at kahit sa pagbigay niya ng mga pangalan sa kanyang mga accessories. Kaya naman, minabuti kong kontakin siya para sa isang maikling panayam.

 

 

Kailan ka nagsimulang mag-design ng accessories? Full-time ka ba dito o part-time lang?

Noong Abril 2011 lang akong nagsimulang mag-design, pagkatapos lumipat ng Maynila galing Davao City. Full-time ko itong ginagawa, sa bahay akong nagtatrabaho. Sapat naman ang aking kinikita para suportahan ang aking sarili. Masaya ako dahil ako ang sarili kong boss.

 

 

Paano ka naman nagsimulang mag-design? May nangumbinse ba sa iyo?

Sa katunayan, ang kaibigan kong si Eica Ong, isang accessory addict, ang nakapagkumbinse sa aking mag-design. Siya ang pinaka una kong customer. Nagustuhan niya ang isang design sa mall pero namahalan siya kaya sinabi kong gagawan ko na lang siya kung siya ang bibili ng materyales. Nagustuhan niya ang kinalabasan at lalo akong na-inspire mag-design at ilako ang mga necklace sa mga kaibigan, hanggang sa umabot online.


(more…)

 
 

Leave your comment

 Panayam kay Drei Soriano

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 27th, 2011

 

Isang beses pa lang naglalabas ng collection si Drei Soriano. Di mo aakalain sa kanyang mga design noong huling Philippine Fashion Week na unang sabak pa lang niya. Naikuwento ko na na sa aking paghanga, agad ko siyang nilapitan para magpagawa ng damit. Ngayon naman, maririnig natin ang kanyang tinig sa isang maikling interview na sa wakas ay kanyang pinaunlakan. (Kasama ng interview ang lookbook ng kanyang Holiday 2011 collection.)

 

 

Ano ang naging inspirasyon mo para sa iyong unang collection?

Sa simula, pumulot ako ng ideya sa hara-kiri. Sinubukan kong humugot ng inspirasyon mula sa sining ng pagpapatiwakal ng mga Hapon. Madalas ata akong nakakakuha ng inspirasyon mula sa malalagim at malulungkot na bagay/pangyayari.

 

 

Kailan ka nagsimulang mag-design? Sumabak ka ba pagkatapos na pagkatapos mag-aral sa fashion school or mayroon ka bang ginagawang iba bago noon?

Nasa kolehiyo pa lang ako, gusto ko nang mag-enroll sa arts school, pero malaki ang pagududa ng aking nanay [sa kahahantungan ng arts course]. Kaya sinikap kong tapusin muna ang  ibang degree bago pa man ako makapagsimula sa fashion. Kumuha ako ng short courses sa DFW [Designer Fashion Workshops] at FIP [Fashion Institute of the Philippines]. Nagpasya lang ako maging designer matapos kumuha ng  mga klase, lalo na sa menswear.

 

Nabanggit mo sa akin na pumayag kang mag-show sa Philippine Fashion Week ilang linggo lang bago ang mismong palabas. Paano mo naisagawa ang production at design sa ganung kaikling panahon?

Oo, naging mahirap para sa akin iyon dahil nakapag-submit lang ako ng mga design isang buwan bago ang Fashion Week. Nagdadalawang-isip ako noon kung kaya ko bang mag-show dahil baguhan pa lang ako sa industriya, kulang pa ang karanasan, at kapos sa resources. Una kong ginawa ang lumikom ng mga gagamitin para sa mga damit.


(more…)

 
 

Leave your comment

 The Artisan sa Terminal, Ronac Art Center

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 27th, 2011

 

Madalas kong nadaraanan ang Ronac Art Center sa Ortigas pag papunta o galing ako sa Greenhills. Noong huling Sabado lang ako nakabisita sa mga gallery, tindahan, at kainan sa isang building na idinisenyo batay sa kutsyon at spring ng kama (Uratex ang may-ari.) Pero sa susunod ko na siguro ikukuwento ang ibang mapupuntahan sa Ronac. Sa ngayon, dumayo tayo sa Terminal, na nag-host ng anniversary at collection launch ng The Artisan.

 

 

Para sa lookbook ng ika-apat na collection ng The Artisan, lumapit sila kina AJ Omandac, illustrator, at Cholo dela Vega, photographer. Galing yata sa kailalilaliman ng panaginip (sa sahig ng karagatan) ang kinalabasang mga larawan ng lookbook.

 

 

Exclusive na naka-consign ang The Artisan sa Terminal. Hindi mo sila mahahanap sa iba pang tindahan, liban syempre sa kanilang online store.

(more…)

 
 

Leave your comment

 Cherry Samuya Veric: Ang dagat ng dilim

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 21st, 2011

 

Napansin ko lang talaga kung gano kaganda ang mga damit ni Cherry Samuya Veric nang nailatag sila sa isang bench ni Ryuji Shiomitsu, ang stylist para sa shoot ng Bosquejo accessories.

 

 

Nagkataong dalawa ang magkapatong: isang blouse na yari sa sequins at isang dress na gawa sa lace, sequins, at tulle. Kita sa malapitan ang detalye ng beading. Kagad kong naisip ang bagwis ng uwak at ang lambat ng mangingisdang kumikinang dahil sa kaliskis ng kanyang sariwang huli.

 

 

Mga itim na ibon nga ang pinaghugutan ni Cherry ng inspirasyon para sa kuleksyong kinabibilangan ng dalawang damit. Di raw niya matanggal sa isip ang imahen ng mga uwak na humapon sa puno ng akasya pagsapit ng dapithapon sa kanilang probinsya.

(more…)

 
 

Leave your comment

 Androgyny ayon kay Rajo Laurel

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 15th, 2011

 

Matagal ko nang naririnig ang pangalan ni Rajo Laurel, isa sa mga batikang designer ng bansa, pero ngayon pa lang ako nakapunta sa kanyang atelyer, ang House of Laurel, para makita nang malapitan ang iba’t iba niyang RTW collection. Kabilang dito ang Rajo! (womenswear), ang Rajo Man (menswear), Rajito (children’s), at Nine by Rajo (maternity).

 

 

Nagulat ako sa dami at busisi ng mga damit. Personal para kay Rajo ang Androgyny, ang kanyang latest collection, dahil ginugunita nito kung paano siya magbihis noong panahon ng new wave.

 

 

Humugot siya ng inspirasyon mula sa menswear at kung paano naiimpluwensiyahan ng tailoring techniques ang pagiging panlalaki o pambabae ng damit.

 

 

Kabigha-bighani ang aking nakita, na karamihan ay yari sa lightweight wool, viscose, Egyptian cotton, cotton voile, satinized twill, at silk. Hindi ko maiwasang isipin ang uri ng babaeng susuot sa kanila: sophisticated, maganda ang taste, pero walang kailangang ipagsigawan.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang huling palabas ni Louie Mamengo

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 27th, 2011

 

Ang mga likha ni Louie Mamengo ang nagsara ng Philippine Fashion Week nitong Mayo ng taon. Pero di tulad ng ibang Holiday 2011collection, post-humous ang kanyang fashion show.

 

 

Sumakabilang-buhay si Mamengo, isa sa mga popular na Pinoy designer noong 1980s at unang bahagi ng 1990s, nitong taon lang, sa isang ospital sa California dahil sa sakit sa baga.

 

 

Iniwan niya ang kanyang mga design kay Joey Espino, ang executive producer ng Philippine Fashion Week. Binilin niya kay Joey na ang kanyang huling collection ang kanyang paraan para maisukli sa bansa ang kanyang pag-asenso bilang fashion designer.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Designer na damit

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 15th, 2011

 

Nagkita kami ni Drei Soriano, isang Pinoy na designer, sa isang kapihan para ako masukatan. Liban sa mga kasal ng kamag-anak at para sa barong at amerikana, di pa ata ako nagpapasukat para magpagawa ng damit.

 

 

Dinala niya ang ilang mga damit galing sa kanyang Holiday 2011 show sa Philippine Fashion Week.

 

 

Ito ang itsura ng jacket sa lookbook ni Drei.

(more…)

 
 

Leave your comment

 Panayam sa designer: Don Protasio

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 11th, 2011

 

Ilang taon ko na ring sinusundan ang mga show ni Don Protasio, at kahit na di gaanong swak ang aming style, walang season na lumampas na di ako namangha sa kanyang mga damit. Kaya naman, nung nakita ko ang kanyang pinakabagaong Holiday 2011 collection sa Philippine Fashion Week, di na ako nag-atubili at nagpasabi nang gusto kong bumili. Pero bago ko ipakita ang aking ipinang-shopping, minarapat kong kilalanin si Don bilang designer at manlilikha. Eto ngayon ang bunga ng aming interbyu.

 

 

Gaano katagal ka nang nagtatrabaho bilang designer? Kailan ka nagsimulang mag-full-time?
Nasa kolehiyo pa ako nung nagsimula akong mag-design. Ibinibenta ang mga gawa kong damit sa maliliit na boutique ng mga kaibigan. Naging seryoso akong designer nang sumabak ako sa teatro, kung saan nagdidisenyo ako ng mga costume. Nag-full-time ako nung 2004. Nagbukas ako ng tindahan kasama ng ilang designer na kaibigan.

 

 

 

Kailan/paano mo nalaman na gusto mo maging fashion designer?
Matagal na akong naintriga sa kakaibang uri ng pananamit. Laking bukid, galing sa mga magasin ng aking ina ang aking exposure sa fashion, tulad ng Manila Womens Wear at mga lumang lathala ng Vogue. Nagulat at na-excite nang mapanood ko ang “Style” ni Elsa Klench sa CNN, na ipinalabas tuwing Linggo nang hapon. Doon ko lang nakita ang iba’t ibang uri ng damit, na minsa’y nakatuon sa hugis at hubog, at minsa’y sa medium at execution. Di pa ako nakakita ng ganun sa mga tindahan. High school pa lang ako, gusto ko na maging designer, kahit na Biology ang kinuha ko sa kolehiyo, bilang fallback kung sakaling wala akong mapala.

 

(more…)

 
 

Leave your comment