Panayam kay Drei Soriano

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 27th, 2011

 

Isang beses pa lang naglalabas ng collection si Drei Soriano. Di mo aakalain sa kanyang mga design noong huling Philippine Fashion Week na unang sabak pa lang niya. Naikuwento ko na na sa aking paghanga, agad ko siyang nilapitan para magpagawa ng damit. Ngayon naman, maririnig natin ang kanyang tinig sa isang maikling interview na sa wakas ay kanyang pinaunlakan. (Kasama ng interview ang lookbook ng kanyang Holiday 2011 collection.)

 

 

Ano ang naging inspirasyon mo para sa iyong unang collection?

Sa simula, pumulot ako ng ideya sa hara-kiri. Sinubukan kong humugot ng inspirasyon mula sa sining ng pagpapatiwakal ng mga Hapon. Madalas ata akong nakakakuha ng inspirasyon mula sa malalagim at malulungkot na bagay/pangyayari.

 

 

Kailan ka nagsimulang mag-design? Sumabak ka ba pagkatapos na pagkatapos mag-aral sa fashion school or mayroon ka bang ginagawang iba bago noon?

Nasa kolehiyo pa lang ako, gusto ko nang mag-enroll sa arts school, pero malaki ang pagududa ng aking nanay [sa kahahantungan ng arts course]. Kaya sinikap kong tapusin muna ang  ibang degree bago pa man ako makapagsimula sa fashion. Kumuha ako ng short courses sa DFW [Designer Fashion Workshops] at FIP [Fashion Institute of the Philippines]. Nagpasya lang ako maging designer matapos kumuha ng  mga klase, lalo na sa menswear.

 

Nabanggit mo sa akin na pumayag kang mag-show sa Philippine Fashion Week ilang linggo lang bago ang mismong palabas. Paano mo naisagawa ang production at design sa ganung kaikling panahon?

Oo, naging mahirap para sa akin iyon dahil nakapag-submit lang ako ng mga design isang buwan bago ang Fashion Week. Nagdadalawang-isip ako noon kung kaya ko bang mag-show dahil baguhan pa lang ako sa industriya, kulang pa ang karanasan, at kapos sa resources. Una kong ginawa ang lumikom ng mga gagamitin para sa mga damit.


(more…)

 
 

Leave your comment

 Designer na damit

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 15th, 2011

 

Nagkita kami ni Drei Soriano, isang Pinoy na designer, sa isang kapihan para ako masukatan. Liban sa mga kasal ng kamag-anak at para sa barong at amerikana, di pa ata ako nagpapasukat para magpagawa ng damit.

 

 

Dinala niya ang ilang mga damit galing sa kanyang Holiday 2011 show sa Philippine Fashion Week.

 

 

Ito ang itsura ng jacket sa lookbook ni Drei.

(more…)

 
 

Leave your comment