Muebles na karton mula sa Dekahon

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 26th, 2011

 

Di ko pa rin natityempuhang bukas ang Dekahon, isang tindahan sa The Collective sa Malugay Street, Makati na nagbebenta ng muebles at kagamitang yari sa karton. Tuwing pupunta ako nang hapon, kundi wala ang may-ari, naaagahan pa siyang magbukas. Buti na lang at nitong huling Sabado maliwanag naman ang hapon at makakasilip sa salamin ng tindahan para makita kung anong nasa loob. (At buti na lang, maraming larawan sa website ng Dekahon.)

 

 

Pansinin ang telang ginamit para sa pintuan at ang materyal para sa lampara.

 

 

Ang una kong napansin sa loob ang mga nakabitin na lampara sa kisame, lahat pinalilibutan ng karton.

 

 

Parang kalabasa o batingaw itong isa.

 

 

Ito ang tinatawag na “Secretary”, isang desk na maraming drawer para sa kung sinumang maraming gamit at abubot.

 

(more…)

 
 

1 comentario

 Sa Ritual, The Collective, Makati

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 21st, 2011

 

Ilang beses ko na ring nadaanan sa Legaspi market ang puwesto ng Ritual, isang tindahan ng Philippine-made na sabon at iba pang kagamitang pambahay, pati na rin ng kape, asin, bigas, at sari-saring organic na sahog. Ngayong may isang buong tindahan na sila sa The Collective sa Malugay Street, Makati, dumami na ang uri ng kanilang paninda.

 

 

Meron na silang jam, herbal drink, at pati na rin panlinis ng bahay.

 

 

Iba’t ibang kulay at tapang ng suka. Isama pa ang plato, mantel, at basket.

(more…)

 
 

Leave your comment