Muebles na karton mula sa Dekahon

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 26th, 2011

 

Di ko pa rin natityempuhang bukas ang Dekahon, isang tindahan sa The Collective sa Malugay Street, Makati na nagbebenta ng muebles at kagamitang yari sa karton. Tuwing pupunta ako nang hapon, kundi wala ang may-ari, naaagahan pa siyang magbukas. Buti na lang at nitong huling Sabado maliwanag naman ang hapon at makakasilip sa salamin ng tindahan para makita kung anong nasa loob. (At buti na lang, maraming larawan sa website ng Dekahon.)

 

 

Pansinin ang telang ginamit para sa pintuan at ang materyal para sa lampara.

 

 

Ang una kong napansin sa loob ang mga nakabitin na lampara sa kisame, lahat pinalilibutan ng karton.

 

 

Parang kalabasa o batingaw itong isa.

 

 

Ito ang tinatawag na “Secretary”, isang desk na maraming drawer para sa kung sinumang maraming gamit at abubot.

 

(more…)

 
 

1 comentario

 Ang nabubulok na kotse ni Kenneth Cobonpue

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 15th, 2011

 

Kung mapunò ang iyong bakuran, na iyo na ring garahe, mapagkakamalan mong bahagi ng halamanan ang Phoenix Roadster ng Filipino designer na si Kenneth Cobonpue at ng Alemang si Albrecht Birkner. Yari ang Phoenix sa bamboo, rattan, bakal, at nylon. Ang ikinaganda ng Phoenix, di siya magtatagal lampas sa karaniwang buhay ng kotse: 5-10 na taon, kaya wala nang dahilan para mag-ipon ang mga kotse sa mga tambakan.

Walang aksaya. Pero huwag ka lang magkakamaling magsiga malapit sa Phoenix, dahil di tulad ng ibong ipinanganak sa apoy, walang kotseng mabubuhay-magmuli mula sa abo.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment