“Southern Stories” sa Heima, Makati

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 3rd, 2012

 

Dadaan sana ako sa launch ng “Southern Stories” film photography exhibit nina Charles Buenconsejo at Aleyn Comprendio sa Heima Makati nitong huling Sabado, pero syempre meron na naman akong kina-cram kaya kahapon nang umaga lang ako nakadaan.

 

 

Unang beses pa lang ako nakapasok sa Heima (may branch din sa Cubao Expo). Bahagi itong de-papel na ibon at puno sa window display sa Makati.

 

 

“Oh Hi, Summertime” ang pamagat ng kuleksyon ngayon sa Heima, isang home and lifestyle store. Kasama sa kanilang tinda itong sofa na may telang mukha ngang babagay sa kagubatan.

 

 

Ang galíng ng pagkakagawa ng white-on-white na baging at kakahuyan. Naaalala ko tuloy yung iba kong mga art project sa high school na damagan akong nakipagtuos sa gunting at cutter.

 

 

Ang patse-patseng sofa sa likod ng bintana.

 

 

Isang hilera ng madadamot na squirrel.

 

 

Ang galíng ng pulang detalye nitong upuan (tulad ng naunang sofa). Parang handa nang pitasin.

 

 

Heto na tayo sa exhibit. Ito ang display para sa “Southern Stories” na bahagi ng ilang makukulay na desk.

 

 

Ang paborito kong larawan, “Grace” na kuha ni Charles Buenconsejo. (“Sea, Sun and Sky” ang pamagat ng kanyang bahagi ng exhibit.)

(more…)

 
 

Leave your comment

 Art in the Park sa Salcedo Village

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 22nd, 2012

 

Nitong huling sabado lang yata ako nakakita ng ganoong karaming larawan at eskultura sa isang pampublikong parke. Dinayo nang husto ang “Art in the Park” sa Jaime Velasquez Park, Salcedo Village sa Makati. Pagkapasok na pagkapasok mo pa lang, maeengganyo ka agad mag-ikot at maglibot.

 

 

Pinaka nagustuhan ko ang mga eskultura nina Charlie Co at Pete Jimenez na bumati sa mga bisita sa bungad.

 

 

Ganito kaya magalit ang kaldero sa pang-aabuso ng mga kusinero?

 

 

Di mo aakalain kung saan galing ang mga gamit na pinagsama-sama ni Jimenez para bumuo ng iba’t-ibang hugis at anyo ng metal.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Alien Natives sa Vinyl on Vinyl

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 30th, 2011

 

Ito ang makikita sa loob ng salamin ng Vinyl on Vinyl sa The Collective: isang nakangangang mamamatay-panda.

 

 

May exhibit doon ngayon ang Angry Woebots at si Dee Jae Pa’Este, dalawang Pinoy na artist na ngayo’y nakatira na sa US. Matatawag silang “aliens” dahil sa ibang bansa sila naninirahan, o mga native na nagbalik.

 

 

Pero kita sa poster na maaari ring maging alien ang katutubo. Ang panda na galing sa kalikasan ay maaaring magmukhang halimaw.

 

 

Ang mga taong-tribo ay maaaring magmukhang tunay na kakaiba dahil sa kanilang pagiging exotiko.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Batang gubat

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 2nd, 2011

 

Ito na yata ang pinaka kataka-takang estatwang nakita ko sa ManilART exhibit.

 

 

Mula sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang binata, may simisilip at lumalabas na mga ibon.

 

 

May palaka.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang pambihirang eskultura ni Gabriel Barredo

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 30th, 2011

 

Sa unang tingin sa larawang ito ang makikita mo ay puno at bilog-bilog na salamin, mga mukha sa katawan ng puno.

 

 

Paglapit, animo’y ahas ang mga sangang pumapalibot sa mga lente.

 

 

Ngunit makikita mo lamang ang henyo ni Gabriel Barredo kapag napanood mo na itong video: dahil gumagalaw ang kanyang eskultura. (Pagpasensiyahan niyo na. Ngayon pa lang ako nakakuha ng video sa tanang buhay ko. Bahagi itong dalawang eskultura sa katatapos lang na ManilART.)

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Kawalan

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 24th, 2011

 

“Absence” ang pamagat ng isang exhibition (hanggang ngayong Linggo na lang!) sa Manila Contemporary sa White Space, Pasong Tamo Extension. Kinatatampokan ito nina Mella Jaarsma, Melati Suryodarmo, Bea Camacho at Racquel de Loyola, mga artist na nakabase sa Pilipinas at Indonesia.

 

 

Ang pamagat nitong performance art piece ni Mella Jaarsma ay “Animals Have No Religion”. Sa unang tingin, mala-gubat ang eksena: may dalawang nakapulang tao na may hawak na tigalawang paa. Para silang hayop. At may dalawa pang tao si likod, sa may dingding ng mga anino, na animo’y mga punong may maninipis na sanga.

 

 

Kulang na lang tapikin sila ng audience sa balikat o kamayan … sa “kamay” o sa “paa”?

 

 

Dramatiko ang shadow play sa dingding.

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang sining ng nawawala

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 4th, 2011
‘Joker’ (kanan) ni Robert Olazo

 

Di ko akalaing magtatagal ako sa isang art exhibit sa mall. Buti na lang at tumigil ako sandali sa pag-shopping at sumilip sa mga larawang nakapaskil sa Power Plant Mall nitong huling Linggo.

 

‘Voo Doo Child’ ni Robert Olazo

 

Pinamagatang “Lost” ang group exhibit. Patungkol ito sa iba’t ibang uri ng kalungkutan at pag-iisa ayon sa iba’t-ibang pintor.

 

‘OMFG’ (kaliwa) at ‘Andromeda’ (kanan) ni Patrick Astilla

 

Tinatanong ng exhibit kung tunay nga bang malas kung sakaling mawala ka o maligaw, o kung, sa kantunayan, kailangang mawala bago tunay na matagpuan ang sarili.

(more…)

 
 

Leave your comment