International jewelry fair sa Hong Kong

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 24th, 2012

 

Nagkataong dinaraos ang Hong Kong International Jewellery Show nang bumisita ako dito para sa aking trabaho. Pumunta ako noong huling Linggo.

 

 

Buti na lang at nakapagrehistro ako online kaya di ko na kinailangang magbayad ng entrance fee.

 

 

Plano ko sanang libuting ang buong fair sa loob lamang ng ilang oras, pero medyo nalula ako sa layout: halos limang palapag ang lawak at dami ng mga booth. Galing sa iba’t ibang bansa ang mga nagtitinda: mula Switzerland, US, at South Africa hanggang Thailand, Japan, at Brazil.

 

 

Hindi ako pinayagang kumuha ng letrato sa marami sa mga booth, pero heto ang ilang nakabibighaning larawan mula sa guidebook. Itong eskultura ng Tsinong mandirigma ay gawa sa korales.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Brunch sa Mercato

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 25th, 2011

 

Alam ko para sa mga beteranong foodie hindi na bago ang tambalang Mercato Centrale (sa umaga) at Midnight Mercato (gabi hanggang madaling araw), pero para pa rin akong batang pinakawalan sa grocery nang una akong pumunta sa sikat na food market sa Fort, Taguig.

 

 

Syempre sa dami ng nadatnan ko doong food stall, kinailangan ko munang ikutin lahat bago punuin ang kumukulo kong tiyan (alas diyes na noon nang umaga). Eto ang ilang putahe para sa Mongolian Grill.

 

 

Stuffed tomatoes na mukhang laruan.

 

 

Patatas na may bacon!

 

(more…)

 
 

Leave your comment