Bago sa Instagram

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 12th, 2012

(Larawan ng mga gusali mula sa aking opisina sa Makati, bago mag-alas kuwatro.)

 

Sariwang-sariwa pa ang balita ng pabgili ng Facebook sa Instagram. Ngayong linggo lang, nagbayad ang social networking site ng $1bn para sa pagmamay-ari ng kumpanya sa likod ng popular na app na bago lang din inilunsad para sa Android users. Mabilis ang naging pagsikat ng Instagram. Nagsimula lang ito noong Oktubre 2010 at ngayon, wala pang dalawang taon ang nakalilipas, higit 30m na ang mga gumagamit.

 

(Larawan ng paradahan at mga gusali sa Bonifacio Global City, mag-aalas singko nang hapon.)

 

Hilig talaga ng mga founder ng Instagram ang pagkuha ng mga larawan, at ito ang pangunahing materyal ng Instagram (di tulad ng Twitter na 140-character text ang pangunahin at ikalawa lamang ang naka-attach na mga imahen). Tulad ng Twitter, naki-join kagad ang mga celebrity at pati na ang mga kumpanya (fashion, arts, news, atbp). Naging paraan ito para makibahagi ang karaniwang mamamayan di lang sa malalaking kaganapan sa daigdig, kundi pati na rin sa buhay-buhay ng kanilang mga kaibigan at kapamilya, at ng sikat nilang mga idol. Tulad din ng Twitter, naging malaking tulong ang paggamit ng hashtag (#) para madaling madiskubre ng iba pang users ang mga larawan sa ilalim ng kinahihiligang paksa.

 

(Mula sa canteen ng aming opisina.)

 

Para sa akin, naging paraan ang Instagram para mahuli sa larawan ang mga lugar at bagay-bagay na pumupukaw sa aking paningin. (Galing ang karamihan sa mga larawan na ito sa aking @lbosquejo account.)

 

(Construction ng isang condo sa Pasong Tamo.)

 

Halos di ko na iniisip. Kapag may nagustuhan ako, kinukunan ko na kaagad gamit ang aking iPhone. Pagkatapos ko na lang mauusisa ang dahilan kung bakit ko nagustuhan ang aking natalisod/nasaksihan.

 

(Mga akasya at iba pang puno sa Paseo de Roxas.)

 

Personal sa akin ang Instagram. May ibig sabihin ang ilan sa aking kinukunan.

 

(Mga bintana ng isa sa mga gusali ng Cityland.)

 

Naniniwala akong laging may mapupulot na kahulugan o inspirasyon sa ating paligid; nasa sa atin lang ang pagiging bukas sa pagtanggap.

 

(more…)

 
 

1 comentario

 Makati sa mata ng Instagram

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 2nd, 2012

 

Makati ang central business district ng Metro Manila, ang sentro ng kalakal sa buong Pilipinas. Halos siyam na taon na akong nakatira sa Makati, at di ko siya ipagpapalit sa anumang siyudad sa Maynila. Eto ang ilang larawang kuha ko gamit ang Apple iOS app na Instagram.

 

 

2010 pa inilabas ang Instagram. Dati akala ko tulad lang siya ng TwitPic, liban sa karagdagang photo filters, kaya di ko pinansin.

 

 

Yun pala, para din siyang Facebook, dahil puwede ka magdagdag ng contacts at pwede kang mag-iwan ng likes at comments sa mga larawan. Kagad mo ring maibabahagi ang iyong mga kuha sa Facebook, Twitter, Foursquare (na pinagsawaan ko na), Tumblr, Flickr, atbp.

 

 

Gusto ko ang Instagram dahil parang ganito rin ako sumulat ng tula: nagsisimula sa sari-saring imahen na sa simula ay akala mo’y walang ugnayan, hanggang sa ipagtabi mo sila at makita mo ang kabuuang lalim at lawak ng isang damdaming matagal mo na palang ikinikimkim.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment