Aliw at ginhawa mula sa Apple iOS 5

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 14th, 2011

 

Kakalabas pa lang kahapon ng bagong operating system na Apple, ang iOS 5, at di ko pa lubusang maitago ang aking galak. Para akong batang nakatanggap ng maagang aginaldo nang mai-update ko ang OS ng aking Macbook Pro, iPhone 3GS, at iPad. Syempre, ang pinaka kinaaliwan ko ang iCloud, ang bagong app na gumagamit ng cloud computing para maiugnay sa pamamagitan ng internet ang mga Apple device.

 

 

Ito ang screen sa aking iPhone matapos ma-download ang iOS 5.

 

 

Isa isa kong pinalitan ang settings ng ilang apps para magamit ang mga feature ng iCloud. Una ang Contacts, para sa tuwing magdadagdag ako ng kakilala sa iPhone, automatic na masasama siya sa address book sa Macbook at sa iPad.

 

 

Sunod naman ang Reminders (bagong app) at ang Calendar. Di ko pa masyadong nagagamit ang Reminders, pero nagpapasalamat ako sa instant update ng Calendar, para tuwing pagbukas ko ng Calendar app sa laptop o ng Outlook sa desktop, andun na lahat ng bagong gawaing sinave ko na sa iPhone.

 

(more…)

 
 

Leave your comment