Ang Barberya ni Jose Rizal

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 22nd, 2012

 

Bago matapos ang Hunyo, hayaan nating maghuling hirit ang ating pambansang bayani para sa buwan ng kalayaan. Dumaan ako sa Manila Contemporary noong isang linggo para sa eksibisyong “Through the Looking Glass: Jose Rizal”, isang pagmumuni-muni tungkol sa iba’t ibang bahagi ng kanyang makulay na buhay.
Kapansin-pansin ang “Sr. Jose ‘El Barbero'” ni Francis Commeyne: tatlong paskil ukol sa pagiging swabe ni Rizal bilang manliligaw at mangingibig. Syempre di nagbabago ang estilo ng buhok: taglay niya ang lahat ng inilistang katangian, o “hairdo”.

 

 

 

May iba’t ibang suklay para sa sari-saring estilo/katangian.

 

 

Alin ka dyan?

(more…)

 
 

1 comentario

 Maligayang kaarawan, Jose Rizal

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 16th, 2011

 

Sa darating na June 19 ang ika-150 na kaarawan ni Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Filipinas. Parang hindi basta tsamba na ang ating Araw ng Kalayaan ay June 12, ilang araw lamang mula sa kanyang kaarawan.

 

 

Bilang pagdiriwang, nagdaos ang Ayala Land ng art exhibit sa tatlong underpass sa Makati at nagkaroon ng concert sa Ayala Triangle Gardens. (Kaliwa: “Juventud” ni Jef Carnay, kanan: “Studies on Rizal” ni Ben Cabrera)

 

 

Nung napadaan ako sa dalawa sa tatlong underpass, tumigil ako para matingnan ng mas mabuti ang mga larawang nakapaskil sa dingding: iba’t ibang hitsura ni Rizal ang makikita. (Kaliwa: “Spell ‘Rizal'” ni Farley del Rosario, kanan: “Your Honors” ni Raymond Legaspi)

(more…)

 
 

Leave your comment