Fête de la Musique sa B-Side, Makati

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 28th, 2012

 

Mula sa Bonifacio Global City noong isang taon, lumipat ang Fête de la Musique sa Makati: mula sa mga bar at hotel sa Makati Avenue, hanggang sa The Collective sa kalye ng Malugay.

 

 

Una akong dumaan sa B-Side (ang Rock Stage ng Fete), kung saan tumugtog ang beinte singkong banda, kabilang na ang Slapshock, Radioactive Sago Project, Ciudad, Outerhope, at Imago. May magkasabay na tumugtog sa main stage ng The Collective at sa loob mismo ng B-Side.

 

 

Medyo nahuli na ang aking pagdating, pero naabutan ko ang Ciudad bago ako lumipat sa Makati Ave.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang tagumpay ni Jessica Sanchez

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 25th, 2012
Imagen de previsualización de YouTube

 

Natapos na rin sa wakas ang ika-11 na season ng American Idol. Malamang may hangover pa ang mga Pinoy na sa simula’t sapol ay todo ang suporta sa Filipino-Mexican-American na si Jessica Sanchez. Matagal na akong di nanonood ng AI at napanood ko lamang ang palabas kahapon dahil tiyempong yun ang nasa TV sa gym. Aaminin kong kinilabutan (oo, natawa rin) ako sa pag-awit nila Jessica at Jennifer Holiday ng “And I Am Telling You I’m Not Going”. Iba ang dating. Oo, di kasing kinis at pulido ng bersyon ni Whitney Houston, pero andun lahat ng emosyon (malamang ang dahilan bakit nanalo ng Tony at Grammy si Holliday).

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Eto naman ang solo ni Jessica. Mapag-iisip ka kung saan nahugot ng 16-años na mang-aawit ang emosyong galit-palaban sa kanyang rendition na di basta lang nakasalalay sa galing ng pagkanta, kundi lalo na sa pag-unawa.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Ang tagumpay ni Jessica, na naaayon sa karaniwang kuwento sa mga reality show, ay ang layo ng kanyang narating sa pagkamit ng kanyang mga pinapangarap. Pakinggan mo lamang itong bersyon niya ng “Everybody Has a Dream” at higit na lilinaw ang kahulugan ng American Idol.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Kung wala siyang ginawa, mananatiling pantasya lamang ang kanyang pangarap sa buhay, bahagi lamang ng kanyang “Sweet Dreams”.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Ang tagumpay ni Jessica ay naipakita niya sa daigdig ang kanyang galing, kahit di siya nanalo. Dahil doon, walang makakalimot sa kanya. Ngayon pa lang, inaawitan na siya ng kanyang fans ng “I Will Always Love You”.

(Lahat ng video ay hiniram mula sa YouTube channel ng American Idol.)

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Isang Araw sa Mundo: Earth Day 2012

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 21st, 2012

 

Earth Day na ngayong Linggo, ika-22 ng Abril. Para ipagdiwang ito, nagtulungan ang maraming mga grupo sa daigdig, tulad ng Vimeo, Ning, United Nations, at higit sa 60 na non-profit organization para mabuo ang pelikulang “One Day on Earth”: isang obrang nagtatangkang ilarawan ang buong daigdig sa loob na 24 oras. Sa pamamagitan ng pagtagni-tagni ng mga video mula sa iba’t ibang bansa at kinuha sa loob ng isang araw, nailalarawan ang iba’t ibang pananaw at paniniwala, ang siklo ng buhay mula pagsilang hanggang pagpanaw.

Panoorin niyo ang trailer sa itaas. Mapapanood ang kabuuan sa Earth Day mismo dito sa site ng One Day on Earth. Ang Black Pencil Project ang lumahok mula sa Pilipinas.

 

 

Isa pang inisyatibo para sa Earth Day ang “A Billion Acts of Green” na inorganisa ng Earth Day Network. Hinihikayat nitong magkapit-bisig ang isang bilyong tao sa daigdig para sa pamamagitan ng pangako ng pagbabago mula sa bawat isa, makatulong tayo sa inang kalikasan.

 

 

Sa pagkakasulat nitong blog post, 987,884,722 na ang mga sumali. Malapit nang umabot ng isang bilyon!

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Metro Serye: Panitikan sa bulsa

by Be-Blogger Pilipinas on: Marzo 23rd, 2012

 

Pauwi mula sa trabaho noong isang araw, bigla ko na lang nalamang kumakanta pala si “Gloc 9″ (“Upuan” ang kanyang kanta), isang popular na musikero, sa Ayala Triangle. Natagpuan ko sa mga tagapanood ang ilang kaibigan at gurong makata at manunulat. Bitbit ng ilan ang kanilang mga mag-aaral.

 

 

Huling bahagi na pala ng programa si Gloc 9. “A Walk Through Words at the Gardens” ang pamagat ng event na idinaos para ipagdiwang ang World Poetry Day (March 21). Kasama sa mga nagbasa ng tula sina Krip Yuson, Jimmy Abad, Vim Nadera, Mike Coroza, RJ Ledesma, at Kael Co. Ang poetry reading ay bahagi lamang sa mga proyekto ni Mookie Katigbak-Lacuesta, ang patnugot at isa sa mga organisador ng Metro Serye, isang kalipunan ng panitikang inililimbag tuwing tatlong buwan sa porma ng isang city map. Inilunsad ito noong Oktubre 2011.

 

 

Di lamang tula ang nilalaman ng Metro Serye, pati rin maikling kuwento at iba pang anyo ng panitikan. Isang paraan ang Metro Serye upang buhayin ang pagmamahal sa pagbabasa, na di kailangang sa harap ng iskrin, na maaaring sa papel pa rin kahit na malukot pa at mapunit sa loob ng bulsa.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Nakahahawa: Biophilia ni Björk

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 10th, 2012

 

Sa pagkakaalam ko, pinakaunang music album app ang “Biophilia” ni Björk, ang sikat na musikera galing Iceland. Noong isang taon pa ito lumabas, at kagad kong dinownload ang app. Sabi ko sa sarili, sa susunod ko na papakinggan. Sino ba namang di mamamangha sa kakaibang konsepto, at siyempre, sa kagila-gilalas na tugtugin ni Björk?

 

 

Kanina lang ako nagkaroon ng pagkakataong tingnan at paglaruan ang app. Ito ang una kong nakita: isang galaxy na ang bawat araw o planeta ay kumakatawan sa isa sa mga kanta ng “Biophilia”.

 

 

Ito ang itsura ng intro sa kantang “Moon”.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

At ito naman ang official music video ng awitin. Alam kong wala sa panlasa ng lahat ang uri ng sining ni Björk, pero para sa akin, gusto ko ang kanyang musika dahil di ko alam madalas kung kumakanta siya ng oyayi o nanghahamon makidigma; magkasabay na malumanay at mabagsik ang kanyang mga kanta.

Ano naman ang pinagkaiba ng video sa app? Interactive ang app: bukod sa orihinal na kanta, marami ka pang maaaring gawin, tulad ng pagbuo at pag-save ng sarili mong tugtugin. Basahin ang sumusunod na pinahabang intro para sa “Moon”.

 

(more…)

 
 

Comentarios desactivados

 Tatlong awit handog ng Number Line Records

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 3rd, 2012

 

Ang Number Line Records ay isang independent music label na nakabase sa Maynila. Itinatag ito upang maitipon ang musikerong Pinoy para maipamahagi ang kanilang tugtugin sa bansa at sa daigdig. Libreng digital release ang tuon ng pansin ng Number Line.

 

 

Pakinggan ang tatlong awit galing sa grupo ng mga musikero ng Number Line. Una ang “The Big Hat Open” mula sa Big Hat Gang. Sumusunod ang “An Android’s Lament” mula sa Modulogeek. At ikatlo ang “Twenty Years from Now” mula sa Outerhope.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Kung ang una ay imahen ng kalayaan sa loob ng kulungan, ang ikalawa naman ay tungkol sa pagpupumiglas sa kinalakhang lulan. Iiwan ko na sa inyo kung tungkol ba sa pag-asa o sa kawalan nito ang “Twenty Years from Now”.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Mayday: Saklolo kay Mei

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 11th, 2011

 

May sakit si Mei Bastes, ang nagpasimuno sa Meiday, isang event kung saan unang tumugtog ang kanyang kaibigang mga banda at sa di kalaunan, lumaki bilang isa sa mga pinaka kilalang music gig sa Metro Manila. Kaya naman, nang nagkasakit si Mei at nangailangan ng tulong, di nag-atubiling sumugod di lamang ang unang mga bandang tumugtog para sa kanya, kundi pati na rin ang mga batikang musikero, artist, at ang madlang art/music lovers.

 

 

Umabot sa 16 na banda ang tumugtog nitong huling Biyernes sa B-Side sa The Collective, kasama ng ilan pang DJ. Itong dalawang poster ay gawa ni Rob Cham. Maliit lamang kung tutuusin ang singil na P250 (entrance na may kasamang beer) o P400 (entrance at t-shirt na gawa nina Rob Cham, Everywhere We Shoot, at Retardo) dahil karamihan ng Meiday event ay walang bayad; beer lang ang kailangang bilhin.

 

 

Ito ang napili kong kamiseta, gawa ng Everywhere We Shoot.

 

 

Andun din ang KST na nag-spray paint ng graffiti para kay Mei.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Can’t take away my Karaoke

by United Blogs of Benetton on: Junio 19th, 2010

There are nights I couldn’t sleep because of the neighbors. It’s not because they have a band playing or pots and pans are banging since people are fighting.
It’s because, until the wee hours of the morning, all members of the family are hooked on the karaoke machine and won’t let go — as if their life depended on it.
What’s funny is that it is equally likely that they are celebrating a birthday as they are entertaining guests at a home service wake, with songs far from sounding like dirges.

Singing is a national pastime in the Philippines. It is done at almost all types of events: from fiestas and weddings to band gigs and solitary beer nights. Seldom is the television free of singing contests. So it only makes sense that a Filipino, Roberto del Rosario, holds the patent for the invention of the karaoke device, even if it is mostly seen as a piece of Japanese culture and ingenuity.

It is said that in 1975, Del Rosario developed the sing along system, otherwise known as the minus one (music minus the lead voice). From then, Filipino entertainers brought the minus one through the 1960s and 1970 to places they performed in, including Japan.

As we all know, the rest is history. The karaoke spread to the rest of Asia, and further on to the US, where it has become a part of American culture, especially as depicted in films such as When Harry Met Sally and My Best Friend’s Wedding.

Filipinos are obsessed with singing. This of course can be a good thing as it keeps people happy and upbeat, but unfortunately the obsession has gone beyond that.

Violent killings have resulted from karaoke singing, perpetrated by people disturbed not just by the noise by singers, but also by the way they sing. In the Philippines (there are similar phenomena in other parts of Asia), these murders are known as the My Way Killings. You guessed it, they have all resulted from people singing the Frank Sinatra classic.

One bar security guard complained that a young man sang the piece off key. When the victim refused to stop, the guard pulled out a pistol and shot him. Another incident involved another police officer, who brought out his gun when other patrons reacted negatively about his singing. It is not certain how fights and deaths have resulted from just one song. Academics and experts opine that it is the strong, arrogant lyrics that bring out the macho side of people. Others add that the song is fatal when performed in a violent society such as the Philippines, where unlicensed guns are not properly regulated.

Whatever the reason, bar owners and even families have opted not to include My Way in their playlists for fear of further violence. It is a strange exception to an otherwise positive and constructive pastime.

EL BOSQUEJO

 
 

Leave your comment