Sumali sa World Environment Day Challenge!

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 5th, 2012
Imagen de previsualización de YouTube

Bago ang lahat: maligayang Pandaigdigang Araw ng Kalikasan! Ano ba itong World Environment Day Challenge? Panoorin itong maiikling video mula kina Gisele Bündchen, Ian Somerhalder, at Don Cheadle para magka ideya.

 

Imagen de previsualización de YouTube

Taon-taon, ipinagdiriwang ng United Nations ang World Environment Day tuwing ika lima ng Hunyo. Nangunguna ang United Nations Environment Programme (UNEP) sa pagpapaalam sa nakararami ukol sa mga inisyatiba tungo sa pangangalaga ng kalikasan at paglunsad ng mga programa para sa sustainability. Ang tema ng World Environment Day para sa 2012 ay “Green Economy: Does it include you?

Ano nga ba ang Green Economy? Sa simpleng salita: ito ang pamamalakad ng negosyo at komersiyo sa pamamaraang nakabubuti sa pag-unlad ng indibidwal at sa kalikasan habang isinasaisip ang pangmatagalang epekto ng anumang gawain. Ang pangunahing pamamaraan tungo rito: low carbon emissions, resource efficiency, at social inclusion.

 

Imagen de previsualización de YouTube

Ano naman ang World Environment Day at WED Challenge?

Ang World Environment Day, na hinohost ng Brasil ngayong 2012, ang inaasahang pinaka malaking pagdiriwang sa daigdig tungo sa positibong inisyatiba para sa kalikasan. Pakay ng WED 2012 na hikayatin ang pinaka maraming indibidwal at grupo sa mundo na makisalo sa mga gawain alang-alang sa kalikasan.

Para sa WED Challenge, kailangan lamang pumili ng inisyatibang pinaka malapit sa inyong puso: maging pagtatanim ng halaman o pagtitipid ng kuryente. Kailangang pasok ang mga entry sa alinman sa mga category (may pipiliing kampyon para sa bawat isa): People (paramihan ng tao), Creativity (makabagong paraang “out of the box”), Buzz (madaling kumalat sa internet), Impact (malaki ang epekto sa nasasaklaw), at Theme (ayon sa temang “Green Economy: Does it include you?”).

Mamimigay ng 5 fuel-efficient na kotse ang Kia Motors sa bawat kampyon. Ano pang hinihintay niyo? Mag-register na!

 
 

Leave your comment

 Sa piling ng kalikasan sa Eden, Davao

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 5th, 2012

 

Nagsulat na ako dati tungkol sa merkado ng bulaklak sa Dangwa sa Maynila, ngunit di lamang mga bulaklak ang matatagpuan sa Eden Nature Park and Resort sa Davao. Mayroon rin silang mountain trail, fishing, wildlife reserve, at pinaka nakakaaliw sa lahat, mayroon silang mga lugar sa kanilang tour na mapagpupulutan ng impormasyon tungkol sa mga tribo at likas na mga halamang matatagpuan sa Mindanao.

 

 

 

 

Ito ang tinatawag na Mickey Mouse plant o Fox Face, na mukhang prutas, ngunit di puwedeng kainin. Maiging palamuti para sa Pasko.

 

 

Mga bulaklak na mukhang salabay (jellyfish).

 

(more…)

 
 

Leave your comment