Art in the Park sa Salcedo Village

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 22nd, 2012

 

Nitong huling sabado lang yata ako nakakita ng ganoong karaming larawan at eskultura sa isang pampublikong parke. Dinayo nang husto ang “Art in the Park” sa Jaime Velasquez Park, Salcedo Village sa Makati. Pagkapasok na pagkapasok mo pa lang, maeengganyo ka agad mag-ikot at maglibot.

 

 

Pinaka nagustuhan ko ang mga eskultura nina Charlie Co at Pete Jimenez na bumati sa mga bisita sa bungad.

 

 

Ganito kaya magalit ang kaldero sa pang-aabuso ng mga kusinero?

 

 

Di mo aakalain kung saan galing ang mga gamit na pinagsama-sama ni Jimenez para bumuo ng iba’t-ibang hugis at anyo ng metal.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Michael Cacnio x Lego sa Greenbelt 5, Makati

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 22nd, 2011

 

Nakita na natin ang mga eskultura ni Michael Cacnio noong huling ManilART exhibit, kung saan pinaghalo niya ang tanso at salamin.  Ngayon naman, nakipag-collaboration siya sa Lego, isang kumpanya ng laruan para muling magbigay-buhay sa mga pang-araw-araw na eksensa nating mga Pinoy.

 

 

Sino sa ating lumaki sa paglalaro ng buli-bulinggit na Lego ang makakalimot kung paano tayo nakabuo ng mga bahay, kotse, at iba pang gamit mula sa ating imahinasyon? (“Inspiration”)

 

 

Naaalala ko pang hila-hila ang kapatid kong babae sa luma naming Radio Flyer wagon.

 

 

 

 

Kaya lang di kami close ng kuya ko kaya wala kaming ganito.

 

 

Isa sa mga pinaka nakakaaliw sa exhibit. Kulang na lang ito ang pamagat: “Patayin sa Sindak si Bantay”.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Batang gubat

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 2nd, 2011

 

Ito na yata ang pinaka kataka-takang estatwang nakita ko sa ManilART exhibit.

 

 

Mula sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang binata, may simisilip at lumalabas na mga ibon.

 

 

May palaka.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang eskulturang salamin ni Ramon Orlina

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 1st, 2011

 

Sa unang tinging, ang nakita ko dito sa eskultura ni Ramon Orlina ay isang ina at ang kanyang sanggol, “Mother and Child” kumbaga, ngunit ang pamagat niya ay hindi nauukol: “Passive Multiplayer Online”.

 

 

Bakit kaya iyon ang tawag sa piyesa? Dahil kaya nagbabago ang itsura ng salamin kapag mula sa ibang punto-de-bista ka tumitingin? Tingnan mo kung paano nagbabago ang kulay, kung paano kumukinang ang liwanag na tila sa tubig, o bahaghari.

 

 

Mula pino, nagiging magasapang ang salamin.

 

 

Mabuti ay panooring itong maikling video para makita ang eskultura mula harap hanggang gilig at likod.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang pambihirang eskultura ni Gabriel Barredo

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 30th, 2011

 

Sa unang tingin sa larawang ito ang makikita mo ay puno at bilog-bilog na salamin, mga mukha sa katawan ng puno.

 

 

Paglapit, animo’y ahas ang mga sangang pumapalibot sa mga lente.

 

 

Ngunit makikita mo lamang ang henyo ni Gabriel Barredo kapag napanood mo na itong video: dahil gumagalaw ang kanyang eskultura. (Pagpasensiyahan niyo na. Ngayon pa lang ako nakakuha ng video sa tanang buhay ko. Bahagi itong dalawang eskultura sa katatapos lang na ManilART.)

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang sining ng pang-araw-araw ni Michael Cacnio

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 29th, 2011

 

Buti na lang at nakaabot ako sa huling araw ng ikatlong ManilART sa NBC Tent sa Fort Bonifacio. Ang ManilART ang taunang art fair sa Metro Manila. Sa dami ng magagandang larawan at eskulturang aking nakita, napagdesisyunan kong gawing installment ang pag-post sa kanila para higit nating mapag-usapan ang mga likha.

 

 

Uunahin ko ang mga eskulturang yari sa tanso at salamin ni Michael Cacnio. Nakakaaliw tingnan ang pino ng detalye nitong unang piyesa: ang isa-isang niyaring dahon, ang kulubot ng puno at ugat.

 

 

Sa website ni Michael Cacnio, nahihiwalay sa mahigit siyam na tema ang kanyang mga eskultura: balloons, interaction, mother and child, father and son, children at play, vendor series, horses, eclectic, nature’s bounty, atbp.

 

 

Buhay na buhay ang pagkakagawa ng eksena: ang batang lumalambitin mula sa kamay ng kanyang ama. Halos asahan mong magpapatuloy sa pag-ikot ang kanyang katawan.

 

 

Sa kanyang balloons series, ipinaghahalo niya ang salamin sa tanso. (Pasok din ata ito sa vendors series.)

 

(more…)

 
 

Leave your comment