Gumuhit ng kung ano-ano

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 11th, 2012

 

Ok ba ang aking salin sa pangalan ng app na Draw Something? Oo, di ako matiis at nakiuso na rin ako sa mga kaibigan. Kaninang umaga ko lang dinownload ang app at mukhang pati ako ay naaadik.

 

 

Ginawa ko itong mga unang guhit habang naglalakad papuntang opisina, kaya sana ipagpaumanhin niyo kung medyo malabo. (Akala ko nga di mahuhulaan ang “Rugrats”.)

 

 

Kayo ba mahuhulaan niyo yung “tacos” at “seacrest”? Sabi ng kaibigan ko dapat ginuhit ko na lang si Ryan Seacrest, pero parang mas mahirap pa ata yun.

 

 

Ang galing ng nakaisip ng Draw Something. Para lang Pictionary pero pang internet. Kahit di mo kilala ang mga kalaro, masaya siyang libangan. Sa katunayan, pwede ka pang magkaroon ng bagong kaibigan.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Bago sa Instagram

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 12th, 2012

(Larawan ng mga gusali mula sa aking opisina sa Makati, bago mag-alas kuwatro.)

 

Sariwang-sariwa pa ang balita ng pabgili ng Facebook sa Instagram. Ngayong linggo lang, nagbayad ang social networking site ng $1bn para sa pagmamay-ari ng kumpanya sa likod ng popular na app na bago lang din inilunsad para sa Android users. Mabilis ang naging pagsikat ng Instagram. Nagsimula lang ito noong Oktubre 2010 at ngayon, wala pang dalawang taon ang nakalilipas, higit 30m na ang mga gumagamit.

 

(Larawan ng paradahan at mga gusali sa Bonifacio Global City, mag-aalas singko nang hapon.)

 

Hilig talaga ng mga founder ng Instagram ang pagkuha ng mga larawan, at ito ang pangunahing materyal ng Instagram (di tulad ng Twitter na 140-character text ang pangunahin at ikalawa lamang ang naka-attach na mga imahen). Tulad ng Twitter, naki-join kagad ang mga celebrity at pati na ang mga kumpanya (fashion, arts, news, atbp). Naging paraan ito para makibahagi ang karaniwang mamamayan di lang sa malalaking kaganapan sa daigdig, kundi pati na rin sa buhay-buhay ng kanilang mga kaibigan at kapamilya, at ng sikat nilang mga idol. Tulad din ng Twitter, naging malaking tulong ang paggamit ng hashtag (#) para madaling madiskubre ng iba pang users ang mga larawan sa ilalim ng kinahihiligang paksa.

 

(Mula sa canteen ng aming opisina.)

 

Para sa akin, naging paraan ang Instagram para mahuli sa larawan ang mga lugar at bagay-bagay na pumupukaw sa aking paningin. (Galing ang karamihan sa mga larawan na ito sa aking @lbosquejo account.)

 

(Construction ng isang condo sa Pasong Tamo.)

 

Halos di ko na iniisip. Kapag may nagustuhan ako, kinukunan ko na kaagad gamit ang aking iPhone. Pagkatapos ko na lang mauusisa ang dahilan kung bakit ko nagustuhan ang aking natalisod/nasaksihan.

 

(Mga akasya at iba pang puno sa Paseo de Roxas.)

 

Personal sa akin ang Instagram. May ibig sabihin ang ilan sa aking kinukunan.

 

(Mga bintana ng isa sa mga gusali ng Cityland.)

 

Naniniwala akong laging may mapupulot na kahulugan o inspirasyon sa ating paligid; nasa sa atin lang ang pagiging bukas sa pagtanggap.

 

(more…)

 
 

1 comentario

 iPhone app: Paano magtali ng kurbata

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 6th, 2012

 

Aaminin ko sa inyong natuto lang ako magtali ng kurbata nung nagsisimula na akong magtrabaho. Bago nito, takbuhan ko ang aking tatay, na gagawa nito para sa akin – luluwagan ko lang ang ready-made niya na necktie kapag nakabihis na ako.

Nung unang mga pagkakataong di ko maalala ang kanyang tinuro, naghanap ako ng instructional guide sa YouTube. Buti na lang ngayon at may matatakbuhan ng app sa iPhone.

 

 

Para sa may oras magplano o gumising nang mas maaga, makakapili pa kayo ng style ng pagtaling naaayon sa laki at hugis ng inyong kuwelyo: mula sa nakagawiang four-in-hand at Windsor hanggang sa kakaibang Atlantic at Diagonal.

 

 

Alalahanin siyempre na dapat naaayon din ito sa laki at kapal ng inyong kurbata, na ibinabagay rin dapat sa laki ng inyong katawan. (Halimbawa, kung gusto niyong mas magmukhang payat, gumamit ng mas makitid na kurbata; higit na malapad naman para sa mga gusto magmukhang mas malaki ang katawan.)

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Bagong app ng Benetton

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 4th, 2011

 

Kaka-download ko pa lang ng app ng Benetton para sa iPhone. Eto siya sa sulok ng page 2 ng aking apps. Nasa display page ang latest collection, para sa Autumn Winter 2011.

 

 

Masasabi kong kumpleto ang laman ng app; wala ka nang hahanapin pa o kailangan pang i-Google para sa pinaka huling media galing sa brand: mula sa collection, campaigns, at videos hanggang sa pinaka sariwang balita at mapa ng mga shop ng Benetton.

 

 

Makikita isa-isa ang mga damit mula sa mga collection.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang pinakahihintay na iPhone 5

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 7th, 2011

 

Kung maniniwala kang ito nga ang totoong promo video ng Apple para sa iPhone 5, singnipis na lamang ng bagong smartphone ang Super Thins na crackers. Magkakasya na siya sa selyo dahil katumbas na lamang siya ng ilang tinuping piraso ng papel.

 

 

Kung maniniwala ka sa pambihirang video, maaari ka nang mag-type gamit ang “laser image” ng isang keyboard galing mismo sa iPhone 5. Halos wala nang dahilan para magdala pa ng laptop. Hindi na mahihirapan ang matataba ang daliri dahil malaki na ulit ang mga key. Higit sa lahat, wala ka nang kailangang ibulatlat pa mula sa iyong bag para lang magka-keyboard.

 

 

Pinaka kagilala-gilalas sa lahat sa “promo video” ang bago umanong kakanyahan ng iPhone 5 na mag-project ng holographic image, ng video man o ng game na iyong nilalaro. Gaano man kaliit ang screen, mapapalaki ito at makikita ng kahit sino. Isipin mo lang ang makabagong gamit ng Facetime o Skype. Diba ganito sa “Star Trek” o “Star Wars”?

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Ikinalulungkot ng lahat amining haka-haka lamang ang tsismis at gawa-gawa lamang ang video. Kahit na malapit nang ilunsad ang iPhone 5, wala pa ang kanyang totoong promo. Pero masarap isipin, kahit sandali, kung gaano mapapadali ng inimbentong mga feature ang ating mga buhay. May nagsasabing baka sa iPhone 7 o 8, magkakatotoo na. Pero di ba, kahit ngayon pa lang sa iPhone 4 o 3GS, kamangha-mangha na ang iyong magagawa kumpara sa sinauna at matatawag nang “jurassic” na (kung maaalala mo pa) Nokia 5110? Panoorin ang video para ma-senti.

 

El Bosquejo

 
 

1 comentario

 Bagito sa Foursquare

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 14th, 2011

 

Bumigay na rin ako sa Foursquare. Sa loob ng ilang oras, nakakuha na ako ng isang badge at naka-check-in sa sampung lugar. Naisip ko lang na tutal naghahanapan naman tayo sa Twitter; ba’t di na lang ipaalam sa mga kaibigan kung saan ako nagpupupunta.

 

 

Una akong pumunta Ritual sa The Collective, isang tindahan ng kape, asin, bigas at asukal, tablea, damit, abubot sa bahay, at marami pang ibang produkto na halos lahat ay yari sa Filipinas, at nagpapahalaga di lamang sa kalikasan kundi pati na rin sa pangkabuhayan ng mga lokal na komunidad.

(more…)

 
 

1 comentario

 StreetSpark: ligawan online

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 31st, 2011

 

Sa lahat ng gumagamit ng Gmail at Facebook, alam nating nakabase sa personal data ang lumalabas na ad sa gilid ng page. Pero paano kung gamitin naman ang ating mga wall post, tweet, at like para makahanap ng ka-date, o malay natin, kabiyak?

 

 

Bago ko lang natisod ang app na StreetSpark na para sa iPhone at Android. May pagka-matchmaker ang dating. Naaliw ako sa konsepto kaya sinubukan kong magbukas ng account. Kailangan ipasok ang basic information, siyempre.

Ipapaliwanag ko mamaya para saan ang “instant spark” at “social sparks” (sorry, di kasama si Nicholas…).

 

 

Medyo nahirapan ako sa “The Little Things”. Kasi naman kailangan mo pang pumili. Parang puwede lang mangga o pakwan; di puwedeng pareho mong gusto. Paano kung ganado ka buong araw? Mahilig sa lahat ng hayop? May Mac at PC?

(more…)

 
 

Leave your comment