Lace, florals, at python sa Myth

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 8th, 2012

 

Ilang taon nang nasa Greenbelt 5 ang tindahang Myth, isa sa mga Pinoy-only na boutique sa ikalawang palapag ng naturang mall. Kita kagad sa pintuan ang mga pangalan ng mga beterano at baguhang designer na bumubuo sa grupo: sina Randy Ortiz, Chris Diaz, Francis Libiran, Henri Calayag, Jing Monis, Joel Escober, Joey Samson, Louis Claparols, Noel Crisostomo, ProudRace, Robin Tomas, at Xernan Orticio.

 

 

Itong mga bestidang lace ni Joel Escober ang isa sa mga una kong napansin pagpasok ng boutique.

 

 

Imbes na karaniwang itim na kulay ang ginamit, asul ang pinili ni Escober, na kanyang ipinatong sa cream. Asyano ang dating ng burda, malalaki ang kumpol at di kasimpino ng maka-kanluraning dibuho.

 

 

Kapansin-pansin din itong mga floral na polo ni Randy Ortiz para sa Myth. Kagad kong nalala ang kamisang suot ng maglalatik dahil sa pulang polo sa gitna. Oo, kakatapos lang ng panahon ng tag-init sa Pilipinas, ngunit sa palagay ko babagay pa rin ang bulaklaking damit para sa umaga.

 

 

Mga blazer naman ni Ortiz sa matitingkad na kulay at beige, kasama ng floral at paisley na print. Kung medyo nahihiya pa ang mga kalalakihang umagaw ng pansin, ibagay lamang sa maong at khaki: siguradong hindi niyo mamimiss ang tag-init.

 

 

Kaiga-igaya ang shop window ng Myth dahil napapalamutian ng mga kuwintas at sinturon ni Chris Diaz na yari sa sigay (ginagamit sa sungka), semi-precious stones, crystal, at plastic.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Albert Andrada Holiday 2012: studs at Asyanang prinsesa

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 25th, 2012

 

Noong nauso ulit ang paggamit ng studs sa bag, jacket, at sapatos dalawang taon (yata) na ang nakalipas, kahit ako naaliw sa gamit ng hardware. Pero nang gumaya ang lahat at nilagyan na ng stud ang lahat ng bagay, di nagtagal at nakakasawa na bigla ang paggamit.

 

 

Masasabi kong hindi ganun ang kaso sa Holiday 2012 show ni Albert Andrada, isang Pilipinong designer na naka-base sa Dubai, ngayong Philippine Fashion Week. Kakaiba ang paglalagay niya ng stud sa mga kuwelyo, sa manggas, sa sapatos, at sa iba’t ibang bahagi ng bestida, jacket, at pantalon.

 

 

Hindi basta-basta ang kinalabasan ng mga disenyo.

 

 

Sa kalakhan, naging maganda ang paghahalo ng klase ng tela at stud.

 

 

Masasabing biglang naging sariwa ulit ang paggamit ng studs.

 

 

Kumbaga, nagkaroon ng kahulugan ang pagdagdag.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Tropang pula

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 20th, 2012

 

Para sa akin, higit pa sa itim (na di kasing dali suotin kapag mainit), di nawawala sa panahon ang pula (o ang mga pinsan nitong kulay, tulad ng kahel at burgundy). Sa totoo lang, medyo nakakasawa na ang itim, at madalas mas masayang suotin ang pula.

(Si Andres Espinosa mula sa Bucaramanga.)

 

 

Kumbaga sa apoy, sa pula lamang lumalabas ang tapang ng mukha.

(Si Vini Uehara mula sa Brasil.)

 

 

Pula lamang ang nagpapapusok sa labi.

(Si Kamil Gabriel mula sa Poland.)

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Sari-saring scarf

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 25th, 2011

 

Ang scarf ang isa sa pinaka matalik kong kaibigan sa aking aparador. Bakit? Dahil sa scarf, di ko lang mas natitiis ang pambihirang lamig sa opisina, nakakadagdag pa siya sa anumang simpleng porma.

 

 

Maganda pa sa scarf, puwede siya kahit mainit, basta’t manipis at magaan ang tela, at di gaanong kalapad.

 

 

Kapag makulay o maganda ang pattern ng iyong scarf, siya na ang magiging focus ng iyong outfit.

 

 

Syempre, mahalaga rin ang scarf kapag malamig. Kailangang knit.

 

(more…)

 
 

1 comentario