Let’s Move: bagong pabango mula sa Benetton

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 4th, 2012

 

Kahit anong gawin ko, di ko yata mapipilit ang sarili ko maging sporty. Pero at least, di mahirap mag-amoy presko sa kabila ng init at sari-saring gawain.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

“Let’s Move” ang pangalan ng bagong pabango ng Benetton Man. Panoorin itong backstage video para sa shoot ng ad. Magandang pampagising ang tugtog.

 

 

Nakaka-engganyo ang amoy, na may top notes na bergamot, mandarin, at paminta. Pagkatapos ng sariwang pambungad, lalabas ang mas seryosong cedarwood na didikit sa iyong katawan maghapon na may aali-aligid na amber at vanilla.

 

Sabihin na nating para kang nagbisikleta o tumakbo sandali sa kakahuyan. Di ka man nagbanat ng buto, tulad ko, para kang biglang nabuhayan.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Avengers: komiks, pelikula, kamiseta

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 27th, 2012

 

Kahit na may tinatapos pang trabaho, siyempre pinanood ko na ang “Avengers” noong Miyerkules pa lang. Maganda ang pelikula, at kahit na medyo mabagal ang simula (oo, kasi halatang Part One pa lang ito), ok ang kinalabasan. Noong nagbabasa pa ako ng komiks, si Thor lang siguro ang sinundan ko sa kanilang lahat. Kahit na di kasing laki ang papel ng kagila-gilalas sa palabas, sulit sa action at sa effects.

 

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Ito ang unang trailer na lumabas.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Na sinundan naman nito. Parang gusto ko tuloy panoorin ulit!

 

 

Di ako bumili ng mga collectible na tumbler ng “Avengers” pero parang gusto ko ng t-shirt galing sa Benetton Kids, lalo na yung pulang Captain America. Sana nga lang meron ding pang gurang.

 

El Bosquejo

 
 

1 comentario

 Ang nilalaman ng aking Benetton tote

by Be-Blogger Pilipinas on: Abril 19th, 2012

 

Sa mga nakakakilala sa akin, alam nilang lagi akong maraming dala. Hindi sasapat sa aking mga gamit ang iisang bag: madalas dalawa ang nakasabit sa aking katawan, minsan pa’y umaabot ng tatlo. At dahil mahilig akong mag-cram, lagi kong hawak ang aking cellphone. Kundi ako nagsusulat ng email, tinitingnan ko ang aking schedule o may tinatapos akong tula o blog post. Kaya naman nasanay na akong nakasabit lang sa balikat ang bag — tote madalas ang ikalawa — para malaya ang aking mga kamay.

 

Anong nilalaman ng aking tote? Madalas mga libro, mga paboritong magazine, minsan may kuwaderno. Para mas madali ang buhay, dala ko minsan ang aking point-and-shoot imbes na ang mas mabigat na DSLR. Kaya tamang-tama lang itong mesh tote ng Benetton na naaayon sa tag-init ang mga kulay. (Andyan lamang ang belt kasi kakulay niya ang tote.)

 

 

Kasama rin minsan sa aking kalat ang aking cellphone, lalo na kapag siksikan sa dyip at ang hirap ibalik sa bulsa. Diba ang cute ng bagong two-tone na lalagyan galing din sa Benetton? Kasyang-kasya ang iPhone.

 

Bakit kamo kailangan ko laging bitbit ang napakaraming babasahin? Dahil ayaw ko magsayang ng oras. Di ko gustong nababagot, lalo na sa mga di inaasahang pagkakataon na kailangan kong maghintay — kahit na madalas di rin ako nakakabasa dahil lagi akong may iniisip o mayroon na namang nakaagaw ng aking pansin.

 

El Bosquejo

 
 

1 comentario

 Kulay buhay: Benetton Man Spring 2012

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 9th, 2012

 

Sa tindi ng lamig sa US at sa maraming bansa sa Europe sa nakaraang mga linggo, sigurado akong lalong umiigting ang pangungulila para sa pagdating ng Spring, o sa Pilipinas, ang tag-init. Kahit sa atin, malamig-lamig ang madaling araw, pati na rin ang mga gabi.

 

 

Nang nakita ko ang Spring 2012 collection ng United Colors of Benetton Man, naisip ko ang luntiang damuhan at ang masarap na hangin ng dalampasigan – mga larawan na sigurado akong di nalalayo sa pinapangarap ng marami sa kanluran.

 

 

Pula, berde, asul, at kahel ang pangunahing mga kulay ng collection: mga kulay ng paglalaro, ng kabataan.

 

(more…)

 
 

Leave your comment

 Ang Unhate campaign

by Be-Blogger Pilipinas on: Noviembre 21st, 2011

Hu Jintao ng China at Barack Obama ng US

Lumabas na sa mga blog at pahayagan ang pagdiwang at pagkundena sa bagong Unhate campaign na sinusuportahan ng United Colors of Benetton. Hindi nagustuhan ng ilang lider, lalo na ng Vatican (ukol sa larawan ng Santo Papang kahalik si Ahmed el Tayyeb, ang Muslim leader ng Ehipto), ang mga larawan. Mayroon rin namang natuwa, naaliw, at ikinasiya ang mensahe hatid ng kampanya. Ngunit para saan ba talaga ang mga larawan? Ano ang kinakatawan ng Unhate Foundation?

 

Angela Merkel ng Alemanya at Nicolas Sarkozy ng Pransiya

Pakay ng Unhate Foundation na magtulak ng bagong kultura ng payapang pakikisalamuha, upang masupil ang pagkamuhi, na batay na rin sa mga prinsipyo ng Benetton.

 

Lee Myung-bak ng Timog Korea at Kim Jong-il ng Hilagang Korea

Isa pang mahalagang hakbang ang kampanya para sa istratehiyang social responsibility.

 

Mahmoud Abbas ng Palestine at Benjamin Netanyahu ng Israel

Hinahangad nitong makapagdulot ng mabuti para sa pandaigdigang komunidad, lalo na sa pamamagitan ng pakikipagtalastasang maaabot ang lahat ng lahok sa lipunan, sa iba’t ibang larangan.

 

Barack Obama ng US at Hugo Chavez ng Venezuela

Unang hakbang pa lamang ang kontrobersyal na mga larawan ng mga naghahalikang pinuno ng bansa at relihiyon. Magsasagawa ng marami pang inisyatiba at magtatatag ng sariling think tank ang Unhate Foundation. Abangan sa Unhate homepage ang mga update.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Panoorin itong “Unhate Film” na sumisiyasat sa maselang tagisan ng pag-ibig at pagkamuhi.

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment