Knit your world

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 18th, 2011

 

Marami siguro sa inyong magtataka kung ano ang silbi ng knit sa Pilipinas, samantalang sa init dito, kahit manipis na kamiseta lang ang suot mo, pagpapawisan ka na nang todo. Pero makikita sa mga nakalap kong cameo mula sa aking blog, na di lang naman makakapal na sweater ang knit: meron ring maninipis na pullover, may knit na kurbata, may knit na scarf. At di rin kailangang itim o gray lahat: maganda rin ang knit sa iba’t ibang kulay.

 

Sigurado ako, mas marami pa kayong mapagpipilian, lalo na mula sa bagong Fall/Winter 2011 collection ng Benetton, kahit na wala naman tayong taglagas o taglamig. Pero bago ko ipakilala ang bagong collection, iimbitahan ko muna kayo sumali sa isang exciting na pa-contest.

 

Magkakaroon ng simultaneous event sa tatlong malalaking siyudad sa Europe sa September 2011. Lahat ng mananalo sa contest ng Benetton ay bibigyan ng pass at iimbitahang makisalo sa bonggang event. Maraming paraan upang sumali sa contest at makihalo sa mga nakahandang activity:

 

Facebook app:

 

Para magamit ang app, maging fan muna ng Benetton page sa Facebook.

 

a. Mag-upload ng picture ng lugar kung saan ka galing. Puwede pumili mula sa Facebook image gallery o kaya’y mag-upload galing sa iyong computer;

 

b. Pipili ka ng isang kulay na pang-edit (tone) sa iyong photo;

 

c. I-select sa listahan ang iyong tinitirhang bansa at siyudad;

 

d. Babaguhin ng app ang itsura ng inupload na picture: lalagyan ng kulay at gagawing “woolly”;

 

e. Ang bagong picture ay ididisplay sa wall ng Benetton Facebook page at isasali sa isang mapa ayon sa kulay at bansa.

(more…)

 
 

Leave your comment