Ziggy Savella: mula runway hanggang pagrampa

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 14th, 2011

 

Sa wakas, matapos ang matagal-tagal ring paghihintay, nakuha ko na rin ang pinatahi kong sleeveless jacket kay Ziggy Savella. Panoorin itong video teaser para malaman ang nilalaman ng kanyang Holiday 2011 collection.

 

 

Noong una kong nakita ang mga bagong damit ni Ziggy sa huling Philippine Fashion Week nitong Mayo, nahirapan akong pumili alin sa kanila ang gusto kong ipagawa. Ang dami kasing maganda. Pinagpilian ko yung dilaw na parka, yung jacket na may slit sa braso, at yung sleeveless na blazer na may kasamang belt.

 

 

Dahil mainit sa Maynila, ito ang napili ko. Nagandahan din ako sa kulay niyang kalawang.

 

 

Eto ang sketch na pinadala sa akin ni Ziggy, kasama ng order form na nakapangalan sa akin. Sa gilid nito may listahan ng aking mga sukat.

 

 

Masasabi kong sulit ang paghihintay sa sleeveless jacket ni Ziggy. Masarap siyang suotin, maganda ang fit. Higit pa, maaari siyang ibagay sa maraming klase ng damit.

Kung ako sa inyo, umorder na kayo ng damit dahil malapit na ang susunod na collection: sa Oktubre na ang Summer 2012!

 

El Bosquejo

 

 
 

Leave your comment